CHAPTER 11

292 25 117
                                    

Chapter 11: Heart

Rin's POV

"Ano iyon?" Nabigla si Min Jun nang nagsalita ako gamit ang ibang lenggwahe. Mabilis din naman siyang nakabawi.

Pagkatapos niyang yumuko, humakbang siya patalikod bago ako tuluyang hinarap. Pagpapakita iyon ng galang sa mga personang may mas mataas na posisyon.

Hangga't maaari, ayaw kong niyuyukuran. Naniniwala akong lahat ay pantay-pantay. Gayon pa man, wala akong magagawa dahil batas iyon ng North. 

Nag-alis si Min Jun ng bara sa lalamunan, "Nahuli na namin ang mga rebeldeng may pakana sa pagkasunog ng dongbukhan," panimula niya. "Tama ang mga taong pinapasundan mo sa amin dahil narito nga sila sa nayon ng nambukhan." 

Sa dongbukhan ako nakatira, kaya lang ako narito sa nambukhan ay para hanapin ang mga rebelde subalit ang lalaking taga labas ang natagpuan ko.

"Pansamantala silang nakakulong ngayon." Dagdag ni Min Jun, sinilip ang aking mukha. 

Huminga ako ng malalim sa katotohanan ng ibig niyang sabihin. "Naiintindihan ko,"  

Isa lang ang ibig sabihin ni Min Jun iyon ay kailangan ko ng bumalik sa nayon namin para hatulan ng parusa ang mga rebelde. 

Subalit hindi pa ako pwedeng bumalik dahil hindi ko pa natutulungan ang matanda.

Nagbaba ng tingin si Min Jun bago lumipad pataas ang paningin niya sa akin, "Pero 'wag kang mag-alala, grand. Narito pa rin ang mga rebelde sa nayon na ito. Hindi pa sila dinadala sa nayon natin kaya," umangat ang kilay ko.  

He sighed, "Maaari mo pa silang tulungan ngunit kailangan mo nga lang bilisan at baka hanapin ka ng Ministro."

Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ko, "Salamat,"

Min Jun smiled, at tulad ni Kai. He has the looks. "Walang problema, grand." Yumuko siya bago tumitig sa akin, "Mauuna na ako." 

Tumango ako bago siya tumalikod. Pinagmasdan ko pa ang paglayo ni Min Jun. The only person that's close to me. Siya ang nag-iisang kaibigan, kanang kamay at katulong ko sa lahat ng bagay.

Si Min Jun ang tanging nakakaintindi sa sarili kong paniniwala. Palibhasa'y ulila rin siya, tuloy binigay nalang ang buhay sa paglilingkod sa bansa. 

Pagkatapos ng aming pag-uusap, agad akong bumalik sa bahay ng matanda. Mula sa labas ay dinig ko ang tawanan nila, gayon pa man, I can't exactly hear what they're talking about. 

Tumigil sila sa kwentuhan nang naramdaman ang presensiya ko. 

Tumapon sa akin ang mata ni Kai, "You're finally here! You made me worry," hindi ko siya pinansin. I grimaced inside my face. I'm tired of his drivel words.

Sinundan niya ako ng tingin, "I thought you won't come back." Ani niya pa. 

"I have my words." Sandali ko siyang nilingon ng seryoso. Isang kakaibang ngiti niya ang nagpataas ng kilay ko. Sa halip, sa matanda ko nilipat ang paningin. "Kailangan na nating magbihis bago pa mahuli ang lahat." 

Tumawa si Kai at umirap ako sa kawalan. "Hey, Rin! You're facing the wrong one! Ako ang kasama mo hindi si tatay kaya bakit sa kaniya ka nakatingin at hindi sa akin?" Suminghap ako dahil lahat nalang ng gawin ko, napapansin niya, lagi nalang siyang may sinasabi. 

Nanatili lang akong nakatingin sa matanda, napailing ito sa amin, natatawa. Iritable kong sinulyapan si Kai ng hindi gumagalaw ang ulo. Gusto ko siyang gupitin na parang papel at baliin na parang lapis. 

"Can't you look at me?" Nang-aasar maging ang tinig niya. Ang ngisi sa mukha ay hindi mabura. 

I faced him emotionless, "Wala ka kasing kwentang kausap." Lalong nilukot ng ngiti niya ang aking noo. He's smiling na tila magandang bagay ang narinig niya kula sa akin. 

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon