CHAPTER 15

223 18 74
                                    

Author's Note,

Agasshi (아가씨) is used to address a young lady with an unknown age. Parang 'Miss' in English. While Orabeoni (오라버니) is same meaning with Oppa (오빠). It is use to address older brother, but for younger girls only. Babae lang po ang puwedeng gumamit no'n. The only difference between Orabeoni and Oppa is iyong Orabeoni is old-fashion while Oppa is modern way of addressing older brother. Iyon lang po, thank you!

Rin's POV

Hindi ko inaasahan ang bagay na narinig ko mula kay Kai. Sa tono palang ng pananalita niya, at base na rin sa ikinilos niya, talaga namang malaki ang epekto ng pagkawala ng kaniyang ama. Halos magdikit ang kaniyang mga bagang sa pagtiim nito. Masyado akong nasanay sa maloko niyang personality. Bukod sa naging komprontasyon namin kamakailan lang, hindi ko pa siya nakikitang ganoon kaseryoso. Napakadalang niyang gawin iyon.

Nakapagtataka rin ang katotohanang hindi ko agad naramdaman ang kaniyang presensya. Isa akong ranngo, malamang na batikan na ako sa bagay na iyon. Mabilis kong nararamdaman ang presensya ng isang tao, maging ang mga hakbang nito. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko iyon nagawa. Siguro ay talaga nga'ng nakuha ni Eun Young ang buo kong atensyon. Palibhasa'y tungkol sa pamilya ang kaniyang kinukuwento. Sobra akong nakaka-relate dito. Pakiramdam ko'y napaka-emosyonal niyon.

Isa pa, dapat ko ring ipagpasalamat na may kalabuan ang tubig dito sa hot spring dahilan para hindi agad basta-bastang makikita ang repleksyon ng katawan ko sa tubig. May kalaliman din ito na abot hanggang balikat ko.

Sa nangyaring pag-eksena kanina ni Kai ay hindi ko maiwasang 'wag mailang. Ni hindi ako makalingon sa kaniya para salubungin man lang ng tingin ang kaniyang mga mata gaya nang nakasanayan kong gawin. Gayong ramdam ko namang wala sa akin ang kaniyang paningin. Taliwas ang kaniyang mata kung nasaan ang puwesto ko. Bagay na ikinagulo ng damdamin ko, hindi ko malaman kung dapat na ba akong kabahan o mabahala.

Nang oras ding iyon, matapos niyang magsalita ay agad niya kaming tinalikuran. Tila nagmamadali. Na para bang mahuhuli na siya sa dapat niyang puntahan.

Maging sa pagkain ay tahimik pa rin kami. Katabi ko si Eun Young habang si Kai naman ay nasa gawing harapan ko. Salu-salo kami sa pagkain kasama ang mga babae. Nakaupo kami sa sahig. Dito kasi sa Norte ay hindi uso ang upuan. Mas sanay kaming maupo sa sahig. Marahil ay ito ang aming nakasanayan. Sinabihan din kami ni Miss Jung na galasan namin ang pagkain dahil matapos nito'y pupunta na kami sa lugar ng mga lalaking nangangailangan sa amin. Ayaw daw nila ng naiinip. Wala sa sariling napabuntong hininga ako. May parte sa kalooban kong gusto ng matapos ang lahat ng ito. Mula sa pagtulong kay Kai hanggang sa pagtulong kay Eun Young. Para sa akin ay mahalaga ang oras at panahon. Mas dapat kong pagtuunan ng pansin ang paghahanap sa taong pumaslang sa pamilya ko.

Maya-maya pa, habang ngumunguya. Hindi ko mapigilan ang sariling mga mata na huwag mag-angat ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. Awtomatiko nalang akong tumingin sa kaniya na ngayon ay tutok na tutok sa kinakain. Ngunit kahit pa rito siya nakatingin, wala naman dito ang kaniyang atensyon. Malalim ang kaniyang iniisip.

"I might melt," pagkuwa'y bulong niya na bahagya kong ikinagulat. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Umakto na parang walang nangyari. Tinutok ko nalang ang paningin sa pagkain kahit pa ramdam kong masyado kong nakuha ang atensyon niya. Alam kong sa akin siya nakatingin ngayon. "What is it?" Tanong niya pa.

Kumunot ang noo ko. "What?" Patanong kong balik sa kaniya. Nagmamaang-maangan.

"What with that stare for?" Ngisi niya. Pilit ko naman itong dinedma. Kakaiba ang takbo ng isip niya. Kanina lang para siyang pinagsukluban ng langit at lupa sa pagiging seryoso tapos ngayon nakangisi na.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon