CHAPTER 28

153 16 28
                                    

Rin's POV

Dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Nawalan ako ng oras sa mga obligasyon ko bilang Ranggo. Naliban ako sa aming tanggapan kaya naman tambak ang mga gawain ko. Ang tanggapan ay opisina kung saan namamalagi ang isa sa pinakamataas na ranggo upang magtrabaho.

Tatlong araw na akong hindi umuuwi sa bahay. Sinabihan ko na rin sila Kai sa mga dapat at kailangan nilang gawin habang wala ako.

Marahan kong pinaikot ang leeg habang tutok ang aking mga mata sa papel na hawak. Kasalukuyan kong binabasa ang sagot sa pagsusulit ng mga baguhang ranggo. Bawat ranggo ay dumadaan sa pagsusulit at pagsasanay.

Sa hindi inaasahang pagkakataon naalala ko bigla ang huling konbersasyon namin ni Kai.

"How long it will take?" Tanong ni Kai bago ako umalis at magtungo sa tanggapan para ipagpatuloy ang naiwan kong trabaho.

"Maybe 3 to 4 days? One week? I don't know!" Kibit-balikat ko.

Nakangiti siyang tumango-tango. "I'll wait for you. Come back immediately," hindi na ako nagulat nang hilain niya ako para yakapin. Halos mapipi ang buto ko sa pagkakayakap niya. Iyong yakap na may panggigigil. "I have something to give you.."

Pasimple kong nakagat ang aking labi. Hindi ko man aminin, may parte sa aking nae-excite sa bagay na ibibigay niya. Naiintriga ako rito. Hindi naman ito ang unang beses na may magbibigay sa akin ng isang bagay pero iba ang pakiramdam sa isipin palang na kay Kai galing ito. Na si Kai ang magbibigay sa akin.

Tuloy ay para bang sinusundot-sundot ang puso ko sa nakakakiliting paraan. Iba ang epekto ni Kai sa sistema ko. Wala akong ideya kung ano ang ginawa niya sa akin. Basta ang alam ko lang, isang araw nagising nalang ako ng ganito na. Iyong kinakabahan ako sa tuwing nakikita ko siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko kapag nakatitig siya. Iyong nanghihina ako kapag napakalapit namin sa isa't-isa at iyong hindi ko magawang tumutol sa mga ginagawa niya.

Natinag ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto ng tanggapan. Iniluwa nito si Min Jun. May dala siyang mga papel.

"Joheun achimimnida," good morning. Bati sa akin ni Min Jun habang ang paningin ay nasa papel. Hindi niya talaga ako tinatapunan ng tingin. "Ito 'yong resulta sa pagsasanay ng mga baguhang ranggo." Nang ibigay niya sa akin ang mga papel ay inabot ko agad ito.

Saglit ko itong tinapunan ng tingin bago muling nag-angat ng tingin kay Min Jun. "Hinihingi rin ni Ministro Jang ang listahan ng pangalan ng mga ranggo at ang kanilang puntos." Dagdag niya pa.

"Ako nalang ang magbibigay kay Ministro Jang mamaya," pabuntong hiningang aniko.

"Keurom galkeyo," okay, I'll go ahead. Magalang siyang yumukod sa akin bago tumalikod.

"Ya! Min Jun-a! Janggaman!" Hey! Min Jun! Wait! Pigil ko sa tangka niyang pag-alis.

Ilang segundo pa siyang nanatiling nakatalikod bago unti-unting humarap sa akin ng may nagtatanong na tingin.

"Gwaenchanha? May problema ka ba?" Sinserong tanong ko. Ipinatong ko na ang hawak kong mga papel sa gilid ng lamesa.

"Wala ah, ayos lang ako," sambit niya saka nag-iwas ng tingin.

Pinanlisikan ko siya ng mata. "Hindi ka nga makatingin sa akin ng diretso!" Asik ko dahilan para gumalaw ang adam's apple niya. "Are you mad at me?"

"I'm not mad at you, okay? I never been and I never will." Bahagya akong nagulat sa sagot niya. Bibihira ko lang siyang marinig na nagsasalita gamit ang ganoong lengwahe.

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon