CHAPTER 45

137 9 0
                                    

Chapter 45

Rin's POV

Nakuha ko agad ang loob ng mga tao sa nayon, maging sa palasyo. Natuwa ang ilan dahil matagal naman na nila akong kilala, subalit bilang ranggo nga lang. Hindi nila inaasahang ako ang prinsesang kay tagal ng nawawalang pag-aari ng kaharian. 

Maski si Hong Eun at Eun Young ay pinaulanan ako ng paggalang. Sinabi nilang naroon sila nang ako ay pinaparusahan kaya naman lubos ang pagkagulat kasama na ang pagkamangha nang nakita nila ang aking simbolo. 

"Konti nalang hihilom na ito ng tuluyan," ngumiwi ako nang pahiran ni Ianah ng madulas na bagay ang aking hita. Sinabi niyang kailangan iyon upang hindi mag-dry ang tahi ko rito. 

Nilagyan niya pa ito ng bandage pagkatapos. Tinanong niya ako kung bakit ito dumugo, nakagat ko nalang ang labi dahil alam kong dahil iyon kahapon, noong muntikan ng may mangyari sa amin ni Kai at kagagawan ko iyon. 

Nagdahilan nalang akong napagpag iyon sa paglalakad lalo pa't ang dami kong ginagawa. Maya't maya ang tawag sa akin ng mga Ministro para sa pulong tungkol sa mga planong naiwan ng aking ama. 

"Alam mo pa nga, to be honest, ayaw ko ng umuwi," napakunot ang noo ko sa narinig. Binaba ni Ianah ang laylayan ng suot kong myeonbok. Ito ang pulang damit, ceremonial robe. 

"Bakit naman?" Umayos ako ng upo. 

Ngumiti siya ng pilit, "Nothing, namimiss ko rin kasi dito," nilibot niya ang mata sa loob ng aking palasyo na para bang kita rito ang buong Norte. 

Tumitig sa akin si Ianah, "Alam mo, Rin, never pa akong nagkaroon ng kaibigan. Everyone hates me, maybe because of my attitude. But, in spite of that, I never get to adjust or change myself para magustuhan lang nila. Gusto ko magugustuhan nila ako for who I am, hindi naman ako masama ng lubos, right?" 

Hindi ako nakasagot, binigyan ko siya ng pagkakataon para magsalita gayong kailangan ko ng tumayo. "You're my only friend, who chose to be good kahit hindi maganda ang simula natin,"

Tumayo ako at inilingan siya, "You can't just choose someone to be good with, everyone deserves goodness, Ianah. Naging mabuti ako sa iyo hindi lang dahil sa gusto ko, kundi dahil iyon ang dapat. Siguro ang pagiging mabagsik mo ay defense mechanism mo lang because inside, you're lonely."

Nangilid ang luha sa kaniyang mata, bago pa siya maging emosyonal ay humakbang na ako para yakapin siya. "It's too early for this drama. Ayaw kong harapin ang mga taong mapula ang mata," natatawa kong sambit habang hinahagod ang kaniyang likod. 

"Thank you for everything, your highness," yumuko si Ianah nang naghiwalay ang aming katawan. Mataos siyang ngumiti. Ginantihan ko rin iyon bago tumalikod. 

Nagulat ako nang pinagbuksan ako ng tagapaglingkod ng pinto. Hindi ako sanay na sa tuwing lalabas at papasok ay ganito sila, pinagbubuksan ako, at hindi hinayaang humipo ng kahit ano. Nang sulyapan ko sila ay yumuko sila agad habang nakahawak pa rin sa pinto.

Gusto ko silang ngitian subalit pinagbabawal ang salubungin ang aking mata kaya napapailing ko nalang silang tinalikuran. 

Palapit palang ako sa isa pang pinto paglabas ng central palace, o sa aking palasyo, ay tumunog na ng tatlong beses ang malaking tambol sa mabagal na paraan. Sinundan iyon ng magkakasunod na hampas ng higit sa pitong maliliit na tambol. Lumabas ang mga kalalakihang may hawak na pulang bandera at kinaway iyon habang bumubuo ng bilog at sumasayaw. They made a two diagonal position habang umiikot. Ang iba ay umikot habang nakataas ang kamay na hawak ang kani-kanilang bandera at sumirko pa. 

Patuloy ang paghampas ng tambol sa paraang sabay-sabay at puno ng sigla. Lumakas pa ang tunog ng tambol habang may lalaking mananayaw ang tumambling sa malawak na entablado, kasunod nito ang pagpasok ng naggagandahang kababaihang nakakulay rosas na hanbok habang may bulaklak sa kanilang kamay. Nagkumpulan sila sa isang bilog at kapwa sumayaw habang timataas ang bulaklak na hawak nila. 

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon