CHAPTER 8

330 30 114
                                    

Chapter 8: Cruel

Rin's POV

Nang sumunod na araw napagplanuhan namin ni Kai na bago kami sumugod para hanapin ang mga kasama niya ay kailangan muna naming maghanda.

Subalit sa araw na ito, siya mismo ang humiling na magpahinga muna kami. He's too demanding. However, it's all fine, we're humans, we need rest.

Kunot noo kong hinahanda ang mga gamit na kakailanganin namin para ipagtanggol ang aming sarili. Katulad ko, may espada rin si Kai. Mabuti na lang at maaga akong nagising kanina. Kinailangan ko pang humuni na parang ibon para tawagin ang isa sa mga ranggo'ng lumilibot sa gubat. Si Mang Tae. Sa kaniya galing ang ibang patalim na hawak namin ngayon.

"It's really weird, Rin. Bakit ganitong klase ng armas pa rin ang ginagamit niyo? Ang old fashioned! Knife and sword?" Kunot noong angal ng maarteng kasama ko. "Wala bang baril dito? Para akong bumalik sa panahon ng mga Kastila!"

Ayon sa napag-aralan ko, ang mga Kastila ay isa mga bansang sumakop sa kanila, ilang daan taon ang lumipas.

Matunog ko siyang sininghalan.

He keeps on yelping, "Ang hirap namang pumatay gamit ito. I'm not well-skilled with these weapons. I prefer guns the most! Wala bang mabibilhan ng baril dito? Any price will be. I still have my cash." Inis ko siyang nilingon.

Habang tumatagal, mas lalo kong nakikita ang ugali ni Kai.

Hindi lang siya mahangin, bastos at maloko. Maarte rin siya at angalero. Sa lahat, lagi siyang may komento.

Iritable kong tinuon ang tingin sa kaniya, "Walang baril dito. Kaya pwede ba? Tigilan mo na iyang kakaangal mo! Kung sinasabi mong hindi ka well-skilled diyan sa mga armas na iyan. Edi wag mong gamitin. Lumaban ka ng mano-mano. Tutal mayabang ka naman!"

Sarkastika akong ngumisi. "Don't worry, narito naman ako, ako ang maghuhukay ng libingan mo! Sisiguraduhin kong maayos ang himlayan mo bago namin tabunan ng mga kasama mo 'yang mukha mo!"

Umawang ang labi ni Kai, "Oh, not my face! Not my face!" Umarte siya na para bang ang sakit ng sinabi ko. "Ang sama mo! I don't deserve it!"

Nanggigigil akong bumulong, "Michin sarameul eotteohge jukeulgeoji?" How to kill a crazy person?

He tsh-ed, "Sometimes I really want to learn your language too. Para naman may ideya ako sa mga pinagsasasabi mo!" Matunog ang pagbuntong hininga niya. "I want to go home. I can't live here any longer." Nabigla si Kai sa sinabi. He stopped talking, sa halip ay tumitig sa akin. Seems like he has said something wrong.

Mula sa kaniyang mata, bumama ang paningin ko sa labi ni Kai. Hinihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin.

Ngumisi si Kai, "But not for now, I'm not yet done with my mission." Pagkatapos ng kaniyang ngisi ay nag-iwas siya ng tingin.

Tinutok ni Kai muli ang sarili sa mga gamit. "I want to find them and find more about her."

"Tumahimik ka na nga! Bilisan mo nalang diyan!" Pag-iiba ko sa usapan. Hindi ako komportable sa sinasabi niya tulad noong nakaraang gabi.

Wala sa sarili akong nagsalita. "Walang baril dito sa lugar na ito. Mga pulis lang ang tanging may baril. Hindi maaaring humawak ng baril ang normal na mamamayan dito kahit na magbenta pa!" Matunog na tawa ang binigay niya sa akin.

Kinagat niya ang labi, "Oh, come on, baby! I'm not asking you here." Gumuhit ulit ang ngisi sa kaniyang mukha kasabay ng paglisik ng kaniyang mata. "You look nervous, aren't you?"

Tumindig ako ng maayos. "Of course not. There's nothing to be nervous about, man."

Tumango si Kai, animo'y sumang-ayon. "I see. By the way, about what you have said. May pulis din dito?"

Love In Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon