Simula

189 8 0
                                    

Note: This story has a lot of triggered warning, read at your own risk.
•••

"Please?"

"Kuya, I'm busy, look, I have an appointment with Mr. Pramoso," nanghihinayang saad ni Zafia nang ipakita niya ang papel bilang patunay na makikipagusap nga ang dalaga.

Walang nagawa ang kuya nitong si Lucas na umiling lang at hinalikan sa noo ang kapatid nito. Palibhasa'y madalas na lang magkulong sa opisina at nawawalan na ng oras sa pamilya. Hindi rin naman masisisi si Lucas dahil hindi ito sanay na nakikitang gano'n ang kapatid.

Zafia is the only girl at Arcus, so expect that she treated as their princess. A Spoiled brat.

"Call mo ang kuya kapag hindi ka na busy, baka mamaya kay Von ka lang may appoi—"

"Stop! Oh god! You should go ahead kuya, I'll fix myself now." Pantuturo nito sa sarili niya kaya walang nagawa si Lucas kundi ang umalis.

Nang makasiguro na si Zafia na umalis na ang kaniyang kapatid ay inayos na nito ang sarili, dalawang taon na mula nang pumalit siya sa puwesto ng kaniyang ina sa pamununo sa kumpanyang iyon. Maraming taliwas sa kakayahan ni Zafia dahil nga sa murang edad nito. Ngunit hangga't nananatili sa taas ang pangalan nila, wala silang dapat na ipangamba.

Suot ang pulang polo at ang itim na skirt na nagpapalitaw sa kagandahan niya ay nilagpasan niya lamang ang mga empleyado na bumabati sa kaniya. Ang iba ay palihim na napapatingin sa kaniya ngunit agad ding binabawi. Nakalaylay ang buhok na hanggang bewang na hinahangin nang makarating siya sa parking lot.

Madilim na ang paligid at napalingon pa ito dahil may kung anong tumitingin dito. Dahil sa kakaibang kutob ay agad na pumasok ito sa kotse at sinimulan na iyong paandarin. Kailangan niyang makarating sa lugar na iyon ng gano'ng oras dahil sa mahalagang papeles na pagpapalitan nila ng pirma.

Ngunit gano'n na lang ang mabilis niyang pagpreno nang may isang bagay iba tumama sa kaniyang kotse. Ngunit hindi siya sigurado, masiyadong mabilis ang pangyayari at madilim ang paligid na hindi niya man lang napansin ang nangyari. Agad na umarko ang kilay nito at pilit na lumabas sa kotse. Gano'n na lang ang pag-urong nito nang makita ang isang babaeng nakahandusay, mulat ang mga mata at halos hindi na gumagalaw.

"N-No. M-Miss? Hey?"

Imbes na lumapit ay lumayo ito nang lumayo habang parang baliw na inililibot ang paningin sa paligid. Hindi malaman kung hihingi ng tulog o magpapasalamat na lang na walang nakakita.

"You killed her, Ms. Arcus." Isang malamig na boses ang kusang dumampi sa tenga ng dalaga nang mahinto ito sa pag-urong dahil sa kaniyang nasagi. "You killed her," dugtong muli nito bago tuluyang humarap si Zafia.

"No! Siya ang may kasalanan, bigla siyang sumulpot, h-hindi mabilis ang pagpapatakbo ko—"

"Still, she died. Napatay mo pa rin siya. Gusto mo bang i-kuwento ko kung paanong nawalan ng buhay ang anak ng isang gobernador?"

"Fvck you!"

Isang tawa lamang ang ibinigay ng binata kasabay ang pagtulo ng luha ni Zafia. Ni hindi niya maintindihan kung paanong napatay niya ang babaeng ni hindi niya napansing tumakbo, madilim ang paligid, ngunit alam niya sa sarili niyang hindi niya nakita ang dalaga.

"Gusto mo bang tumawag ako ng pulis? Hmm, oh! What if they ask me on what happen? Should I tell the truth that you killed her using your expensive car? Hmm, what abou—"

"How much do you want? I-Ibibigay ko sa 'yo, just please, shut the fvck up!" nanginginig na wika ni Zafia habang litung-lito kung kanino lilingon.

Ngunit isang pagngisi lang ang natanggap niya sa lalaki na mabilis siyang hinalikan sa sentido pa-ibaba papuntang tenga.

"I badly wanted to help you, Zafia. Kaso mukhang hindi mo maibibigay ang gusto ko kaya de bale na lang—"

"Anything, anything what you want. Just please help me with this, a-ayokong makulong," bulong ni Zafia habang unti-unti niyang naramdaman ang mainit na papel na gumapang sa kaniyang palad.

Wala sa sariling kinuha ni Zafia ang isang papel na halos magsayawan na ang mga letra sa kaniyang paningin. Nanginginig ang mga kamay at pilit na pinanliliitan ito ng mata upang mabasa ngunit wala siyang naiintindihan, sobrang labo at halos mainit na likido lang ang bumabalot sa kaniyang pisngi.

Ang tanging alam na lamang niya ay hinalikan siya sa noo ng isang lalaking mabilis na kinuha ang papel at agad siyang nilagpasan papunta sa gawi ng bangkay. Tuluyang napako sa kinatatayuan si Zafia dahil doon. Ang pagbuhat ng lalaki sa bangkay at paglagay sa kotse nito, ang pagtawag ng lalaki sa kung sino at ang pag-alis niya sa lugar na iyon.

"You have nothing to worry about, Ms. Arcus. Everything will be fine as long as you signed." Turo niya sa papel na nakaipit sa mismong baril na nasa harapan nilang dalawa, habang  patuloy sa pagmamaneho. "Anyway, I'm Rionard Pramoso, it's nice to dealing with you."

Isang mainit na likido lang ang dumaan sa kaniyang pisngi bago muling alalahanin ang mga nangyari kanila. Ang tanging alam niya lang ay nakapatay siya at ang lalaking nasa kaniyang tabi ang nagligtas sa kaniya.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now