Kabanata 33

21 5 0
                                    

Maingat na binuhat ni Lucas ang kaniyang kapatid nang makarating sila sa pier, sakto lamang silang nakalagpas nang sabihin na maglagay ng check point ang bawat dulo ng kalsada dahil sa nangyari sa bahay nina Rionard. Nakasuot pa rin si Lucas na makapal na damit at ang pekeng buhok nito, ang balahibo nito sa mukha at kumapal na dahil na rin sa ilang buwan nitong hindi pag-asikaso sa sarili dahil sa naging plano kung paano mai-aalis si Zafia sa lugar na iyon.

"Tauhan kayo ni Mildred?" tanong ni Lucas sa mga sinalubong sa kanila sa pier.

"Opo sir. Pinapasabi niya po na kailangan nating sumakay sa barkong iyan dahil baka matunugan kapag nagsolo," paliwanag ng lalaking nakasuot lang ng maong at simpleng damit.

Nakatitig lang si Lucas na inilibot ang tingin sa paligid, muli niyang inakyat pataas si Zafia dahil sa bigat nito at sa lamig ng kaniyang katawan. Isang bangkay na kapatid na kailangang maitakas sa lalong madaling panahon.

"Ilang oras ang byahe papuntang Maynila?"

"Tatlong araw po, pero kinausap na ni Ma'am ang kapitan na dumaan sa isang kalapit na isla kung nasaan ang sasakyang helicopter para mapabilis po," sagot nito saka tumango si Lucas.

Dahil wala ng oras at kailangang na lang niyang magtiwala sa kaibigan nilang si Mildred ay pinaubaya na niya si Zafia sa mga tauhang iyon ngunit sinigurado niyang hindi iyon mailalayo sa kaniya. Sa isang solving kwarto kung saan nakalagay ang katawan ni Zafia ay naroon lang din si Lucas, naglinis ng katawan, inalis ang balahibo sa mukha. Pinunasan na lang niya ng basang bimpo ang katawan ni Zafia para naman maalis ang dumi rito.

Sa bawat pagpunas ni Lucas sa kapatid niya ay hindi niya maiwasang ma-ikuyom ang kamay. Hindi niya lubos na maisip na magagawa iyon ni Rionard kay Zafia na kung tutuusin ay kayang patayin ng kapatid niya ang asawa nito. Ang katawan ay kung hindi sugat, mayroong pasa at bahid ng dugo, mga kagat ng kung ano-ano at mga gasgas.

"Ang gago talaga ng asawa mo, at hindi ko alam kung anong pumasok sa utak mo at bakit mas pinili mong sumama sa kaniya," iritadong sabi ni Lucas na walang ka-alam-alam sa mga nangyayari.

Binuno ni Lucas ang apat na oras na byahe sa pagbabantay kay Zafia at walang pinagsabihan dahil iyon ang usapan nila Von. Nang marinig na niya ang katok ng tauhan ay tumulong na rin iyon sa pag-alalay para ilagay sa swivel chair si Zafia, maliwanag na at halos nagmamadali ang lahat sa pagkilos, agad na naisakay si Zafia at Lucas sa helicopter, kasama ang doktor ay agad na sinuri si Zafia.

Itinapal agad sa braso ni Zafia ang metal habang ang stethoscope ay paulit-ulit na inilibot sa kaniyang dibdib.

"Wala pa rin siyang pulso doc, tatlong oras ang usapan sa gamot na tinurok ni Von, pero hanggang ngayon hindi pa rin nagigising ang kapatid ko," pag-aalala ni Lucas.

Ang itinurok ni Von kay Zafia kanina ay ang pansamantalang pagkawala ng pulso para maging isang ganap na bangkay sa loob ng tatlong oras. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Zafia.

"Iyon din ang pinagtatataka ko, kulang sa tubig ang kapatid mo at ang balat niya gumaspang na. Hintayin natin ang isang oras pa," sagot ng doktor at hindi na muling nagsalita pa si Lucas.

Wala pang isang oras ay nakarating agad sila sa isang private hospital, may nakaabang agad sa mismong rooftop na nag-asikaso Kay Zafia. Mabilisan ang kilos dahil hinahabol nila ang oras ng bisa sa gamot ni Zafia. Hindi maiwasang manginig ang mga katawan ni Lucas dahil sa nangyari sa kaniyang kapatid, wala siyang magawa ngayon at walang ibang masisi kundi si Rionard lang. Nakaratay lang si Zafia nang magdesisyon ang mga doktor na wala munang papasukin at hindi puwedeng makita si Zafia ninuman maliban sa mga doktor.

"Lucas." Malalim na boses ang pumutol sa pagiging tulala ni Lucas nang makita niya kung sino ang nagmamadaling maglakad sa gilid.

"Kuya," tawag nito kay Zaffiro at saka umayos ng upo.

Ruinous Deal | CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora