Kabanata 12

18 3 0
                                    

Umalingawngaw ang paglapag ni Von ng tasa sa mesa kung saan kalat-kalat ang mga papel, halos ilang oras nang naka-upo si Zafia at naghihintay ng mga mensahe, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.

"You want me to access those documents?" pagtatanong ni Von na paulit-ulit na inilingan ng dalaga.

Naging tahimik lang si Zafia buong araw, si Von naman ay hindi umalis sa tabi ng dalaga, kanina pa humihingi ng permiso na kung puwedeng i-track ang dokumentong nawawala, ngunit nagdahilan ang dalagang hindi niya kabisado ang mga numerong palantaan doon.

Kusang lumapit si Von sa dalaga at hinalikan ang noo nito. "Magpahinga ka muna," bulong nito.

"No, Von. Mauna ka na, I'll handle this," blangkong saad ni Zafia ngunit mas pinili ni Von na manatili sa sofa na iyon, sa harapan mismo ng dalaga.

Hindi nga umalis si Zafia roon. Wala pa rin siyang sinasabi kay Von na naghihintay lang kung may sasabihin ba si Zafia sa kaniya. Gusto lang kausapin din ni Von ang dalaga ay hindi niya magawa dahil kitang-kita sa mga mata nito ang pagod at lito. Literal na nalilito na si Zafia, at hindi na alam ang mga nangyayari. Wala nang pumapasok sa utak nito.

"Baka naman may iba kang pinaglagyan? May sinabihan? O kaya may pinagbigyan?" sunod-sunod na tanong ni Von nang hindi makuntento sa paghiga sa sofa.

"I don't know Von, I don't know!" iritang sabi nito.

Bumuntonghininga na lang si Von at nanahimik na. Hinayaan na lang niya si Zafia dahil ayaw na niyang makagulo pa. Alam ni Von kung paano magalit ang nanay ni Zafia.

Nang makatulog si Von sa sofa ay naglakad-lakad na muna si Zafia. Kailangan niyang mahimasmasan kahit papaano sa mga nangyayari. Malakas ang kutob ng dalaga na natunugan na siya. Pero paano? Nanatili lamang siyang tikom at paniguradong wala siyang ibang sinabihan. Sigurado siya na nag-ingat siya, na tanging sila lang ni Rionard ang nakaaalam sa lahat.

Nahinto ito sa mismong buhanginan sa dalampasigan, bahagyang nanlamig ang kaniyang mga paa nang umalon at nag-iwan pa ng marka nang muli siyang lumakad. Tanging sariling pag-iisip niya lang ang kaniyang dala bukod sa selpon nitong may hinihintay na tawag at mensahe, dalawang tao lang naman ang inaasahan niyang paniguradong tatawag bago matapos ang araw na iyon, ang kaniyang ina o si Rionard.

Hindi malaman kung dahil ba sa lakas ng hangin o sa takot kaya nanginginig ang kaniyang katawan. Napapikit na lang ito nang maalala niya muli kung paano tumingin sa kaniya ang binata, na para bang may mali at gustong magtanong ngunit hindi magawa. Dapat lang na ikatuwa ni Zafia ang hindi pagtanong ng binata kahit na maraming pagkakataon si Von para doon.

Ramdam na ramdam niya ang pag-iisa mula sa pribadong isla. Siya lamang ang naglalakad sa gitna ng kawalan na mukhang wala namang pinagbago sa buhay niya, ano bang aasahan niya mula sa maraming tao? Paano siya makapagsasalita kung hindi siya mauunawaan? Kung pati ang sarili nito ay hindi niya rin mauunawaan kung bakit biglaan ang lahat ng nangyari.

Ngunit agad na napatigil si Zafia nang biglang tumunog ang selpon nito. Nanlaki ang mga mata at nagmamadaling sinagot iyon. Sa unang pagkakataon... ngayon na lang siya nagkaroon ng interes na kausapin ang lalaking iyon dahil sa pagkakataong ito ay siya naman ang may kailangan.

"R-Rionard? Rionard please? Kahit ang soft copies lang—"

[Mahal, hindi ko puwedeng ibigay sa 'yo ang kailangan mo. Alam mo mahal ko, walang dapat na ipagalala ang nanay mo dahil nasa mabuting kamay ang mga papeles—]

"What the fvck are you saying?! Seriously Rionard? Walang dapat na ipag-alala? My mom doesn't even know about this!" Wala ng panahong para pigilan ni Zafia ang pagdausdos ng luha sa mga mata nito. Ang pamumula ng kaniyang mukha ay hindi na normal.

Kuyom ang mga kamao na halos ikasira na ng hawak nitong selpon at ang mariin itong pagpikit.

[They knew. Hindi nila hihingin ang papeles kung hindi sila magkakape. Alam na nila Mahal ko, nanatili naman akong tahimik, sumusunod ako sa usapan...]

Hindi na nagawang magsalita ni Zafia sa mga sinasabi ng lalaki. Ngunit dapat ba siyang maniwala na hindi iyon kagagawan ni Rionard? Tuso ang binata na para bang ayaw pakawalan ang dalaga at hindi papayag na malamangan. Walang tigil sa pagkawala ng mga luha ni Zafia habang pinapakinggan ang binata.

[Nandito lang ako mahal ko. Magtiwala ka sa akin, mahal. Hindi ko hahayaang pabagsakin ka ninuman, alam mong ikaw lang ang sinasamba ko, ikaw ang ang nag-iisang diyos sa mga mata ko,] natatawang sambit ng binata na para bang nababaliw na.

Halos hindi makilala ni Zafia ang lalaking kausap niya. Maka-ilang beses pang tiningnan ni Zafia ang pangalan na nasa telepono nito at ilang beses din nakumpirma na si Rionard nga iyon.

Kusang ibinaba ni Zafia ang telepono at nanghihina na ibinaba iyon. Halos hindi niya makayanang maglakad dahil kahit ang taong iyon ay hindi siya magawang tulungan. Kanino siya aasa? Kay Von? Na kung tutuusin ay isa rin sa kaniyang niloko.

Kitang-kita niya kung gaano kalawak ang karagatan, madali na lang para sa kaniya ang lunurin ang sarili upang matapos na ang lahat. Pero ayaw niyang maging makasarili, mahal nito ang nanay niya at ang kumpanyang inalagaan at pinaglaban ni Nieva mula sa pamilya nitong itinatakwil siya. Ang kumpanya na lang ang natitirang alaala ng pamilyang Acuin kay Nieva. Kaya hindi puwedeng mawala sa mundo si Zafia na hindi man lang nakukuha ang bagay na iyon.

Kung minsan ay naiisip na lang niya na mas mahalaga ang kumapanya kaysa sa kaniya na sariling anak. Papel ang mas mahalaga kaysa sa dugo.

Wala na sa sarili sa Zafia, mas lalo siyang binigyan ng dahilan para lumayo sa lahat ng tao. Maging mapag-isa muli. Buong akala pa naman niya ay makakatulong si Von para makapagsimula ng bagong buhay... ngunit mas lalo niya lang pinapahirapan ang kaniyang sarili. Paanong naaatim niyang magpanggap na maayos ang lahat, na kung tutuusin ay kumplikado na.

Mahirap nang ayusin.

Dad:
I'll call you. Answer me nak, can you?

Sandaling humangin nang malakas, ngunit banayad iyon at walang naramdaman na kahit na ano. Maiintindihan kaya siya ng tatay niya? Nawawalan na ito ng pag-asa at kahit sa pagsagot ng tawag ay kinatatakutan na niya.

"Dad." Mapait na ngumiti si Zafia at pinilit na. lumakad pabalik.

[I love you, okay? Daddy loves you Zafia,] bulong ni Zack sa telepono dahilan para mas lalong humahagulhol si Zafia'ng pinilit na takpan ang bibig dahil sa hikbi.

[Let's think that we are on training, remember that? When you were seven-year-old, running faster as your eyes have blindfolded, you have no idea what's happenned that time right? But because you are my girl, you trusted daddy, right? You told me what's going on and because I'm your father, I understood you... we can repeat then if you want, you can tell me what's the problem, daddy will listen,] mahabang sabi ng tatay nito na sinusubukang pakalmahin ang dalaga.

Kahit si Zack ay hindi makakaligtas dahil anak niya si Zafia, asawa nito si Nieva na parehas lang na biktima. Nag-iisang babae lang si Zafia kaya gano'n na lang ang pagpapakalma nito sa dalaga at lahat gagawin para lang hindi ito mahirapan.

Sa gitna nang pakikinig niya ay umiling ito. Paulit-ulit na umiling kasabay nang pagkahulog ng kaniyang luha sa kung saan.

"I-I'm sorry, I didn't know," bulong ng dalagang halos hindi na marinig sa sobrang hina. "I-I did my best dad, I really did my part at mom's company... but I wasn't expecting that this is happening, I don't know what to do, I lost her company. I lost it," nanghihinang saad ng dalaga.

Mas lalo pang nanginig ang tuhod ni Zafia nang makita si Von na panay ang panglingon sa paligid. Natigil lang sa paglingon si Von nang sa wakas ay magtama ang mga mata nila. Ngunit ang kaniyang tenga ay nasa telepono at pinapakinggan ang sasabihin ng kaniyang ama.

[Tell me everything, I'll listen, I won't judge you, you can talk to me—]

Hindi sapat ang gano'ng mga salita para lang maging maayos si Zafia. Kahit sabihin niya pa ang totoo ay wala nang mangyayari, hindi na ito maaayos kung sa una pa lang ay hindi na nakikipagtulungan si Rionard.

"I'm sorry dad. But I'm not that ideal daughter for you and to my mom. I'm not like Kuya Zaffiro, I'm Z-Zafia... your loser one, I'm sorry if I didn't meet your expectations. I'm sorry."

Ruinous Deal | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon