Kabanata 37

19 2 0
                                    

Kanina pa gising si Zafia, ngunit mas pinili niyang manatili na lang sa kama. Nagagalaw naman na siya ang kaniyang mga katawan at nagiging maayos na ang kalagayan ngunit pakiramdam niya at wasak na wasak siya. Ngumiti nang mapait si Zafia dahil naalala na naman niya ang anak niya. Siguro, madalas niya kasing inisip noon na kailan man ay hindi siya magkakaroon ng anak kaya naman kinuha agad sa kaniya ang bata. Hindi na nakikita ang sarili niyang magkakaroon ng magandang pamilya kaya siguro ngayon ay sirang-sira siya.

Dahil bumibigat na naman ang pakiramdam niya ay nagpasiya na lang siyang tumayo, maingat at tinatandaan ang mga sinabi ni Simon sa kaniya. Marahan niyang hinakbang ang paa nito at saka kinuha ang pang-alalay sa kaniya. Nagsuklay ito ng buhok at saka inayos ang sarili, ni para siyang dalaga ulit sa kalagayan niya, ang kaibahan nga lang ay wala na ang mga bagay na kaniyang ipinagmamalaki noon. Ni hindi niya magawang tanungin kung kumusta ang kumpanya ng kaniyang ina at ang lupa ng mga Fornacier na ibinenta ni Von kay Rionard.

Wala siyang magawa sa mga bagay na hindi na niya kontrolado ngayon.

Pagkalabas niya ng kwarto ay hindi niya nadatnan ang kahit na sino, literal na tahimik at imposibleng marinig siya kung magtawag man ito dahil sa laki ng bahay. Hindi na rin naman siya bago sa bahay ng kaniyang kuya kaya naglakad-lakad na lang ito papunta sa terrace na madalas niyang puntahan. Habang palapit nang palapit ay naramdaman na nito ang banayad na hangin, napapikit pa ito dahil sa nakakasilaw na liwanag mula sa kanilang labas.

Nang makapuwesto siya at agad naman itong naupo at hinayaang sampalin siya ng hangin. Ngayon na lang kasi niya naranasan ito. Ang mahanginan nang sariwang hangin at sa ligtas pa na lugar. Nanatili lang siya roon dahil wala naman siyang balak na hanapin ang magulang o mga kuya niya sa buong bahay. Nanatili itong nakatingin sa langit at sinisilip kung naroon ba ang kaniyang anak.

"Zafia?" isang boses na nanggaling sa likod.

Automatikong lumingon si Zafia at dahan-dahang napangiti nang makita niya ang kaniyang ama. Ang lalaking kung kanino siya nagmana. Naupo si Zack sa tabi ng kaniyang anak na titig na titig pa rin dito.

"How are you? You fine?"

Tumango si Zafia at saka sumandal sa balikat ng ama kaya inakbayan naman siya ng tatau niya.

"You need this, sitting in front of the nowhere and think that everything will be fine like it is not happened," sabi ng ama nitong mahinang tinapik ang balikat ng anak at hinalikan ang noo.

"I'm scared before, I didn't know what will happen after that night. He wants me to put in jail because I killed someone-"

"You didn't kill Athena, you didn't Zafia," mahinang sabi ni Zack dahilan para magkatinginan sila.

"I killed her. And Rionard came. He told me that everything will be fine as long as I signed those papers, dad."

"He used you. Stop blaming yourself, Zafia. We have a witness_"

"Is that make sense at all? Sira na lahat dad, marami nang nadamay, nawalan ako ng anak-"

"Nawala ka sa amin, 'nak." Isang salitang nakapagpahinto kay Zafia bago tuluyang tumulo ang kaniyang luha.

Mahina siya sa harap ng tatay niya na pilit siyang pinapakalma, halos lahat ng tao s kaniyang paligid ay hindi siya sinisisi sa mga nangyari ngunit bakit hindi niya iyon magawa sa kaniyang sarili?

"I won't blame you of you're mad at your mom. She's wrong, she never listened at you, tinaboy kayong dalawa ng kuya Lucas mo. But you know that I was here for you back then, kinausap kita and you said everything's fine, though I know that there's something wrong."

Natahimik si Zafia. Hindi na niya naisip ang tatay niya noon dahil sa takot sa ina, alam naman niyang nakikinig ang tatay ngunit mas pinakinggan niya ang takot.

"Zaffiro got mad at Von, same as Lucas," sambit ni Zack dahilan para mangunot si Zafia.

Imposibleng mag-away ang dalawang 'yon dahil mas dikit pa silang dalawa, kaya halos hindi makapaniwala si Zafia sa kaniyang narinig.

"W-What do you mean?"

Bumuntonghininga si Zack at saka mahinang sinuklay ang buhok ng anak at tumango. "Von confessed everything to us, that he took you away, he didn't listen to your explanation like your mom's did. He said that before. Nagalit ang kuya Zaffiro mo sa kaniya, Zaffiro thinks that Von is always there for you but that things happened. Same as Lucas na gano'n din ang nangyari. To tell you honestly, I got mad at him but I understand him. He didn't know everything, inisip niya rin na ginamit mo siya dahil hindi ka nagpaliwanag, nagalit ang mommy mo sa 'yo dahil hindi mo agad sinabi ang totoo. That's why Von took that risk. Nag-usap silang tatlong alisin ka sa lugar na 'yon pero wala sa mga plano ng kuya mo na ipadala roon si Von. But Von volunteered himself." Huminto ito at pinunasan ang luha ni Zafia sa kaniyang pisngi at saka ngumiti.

"Lack of communication can ruin everything, same as relationship, Zafia. Their reaction was valid that time, they deserve your explanation but you told them the truth when it's too late. You were scared, hopeless and lost yourself that time, those feelings are valid, Zafia. Stop blaming yourself because it's already done. Kailangan mo na lang harapin ito kasama kami."

Sa mga sinabing iyon ng kaniyang ama at para bang nawala ang bigat sa puso nito. Gumaan ang mga bagay na dumadagan sa kaniya noon pa. Halos hindi na umalis si Zafia sa pagkakahiga sa kaniyang ama no'ng oras na iyon dahil pakiramdam niya ay magugulo na naman ang lahat kapag umalis ito.

"About your daughter, her funeral service will happen later. Until now, I don't know what would I say for that. She's your child, she's our grandchild. It'll be more happy if she's here, but I guess... it's better that she's in heaven now, hindi siya madadamay at hindi na hahabulin ng ama niya. Genesis would be happy if you'll accept the truth. Trust yourself, Zafia, okay?"

Ngumiti lang si Zafia. Pinikit ang mga mata at pilit na kinumbinsi na maayos ang lahat. Na mas magandang wala ang bata para hindi siya madamay sa gulo. Na mas magandang ganito na lang ang nangyari kaysa sa naunang balak ng asawa niyang mas higit pa ang binabalak na masama sa kaniya.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now