Kabanata 35

18 3 0
                                    

"Arestado ang isang negosyante dahil sa patung-patong na kaso na isinampa sa kaniya. Natagpuan ang ilang mga hindi pa nakikilala na bangkay at bahay nito at ang mga drogang nakatanim..."

Agad na pinatay ni Zaffiro ang television at saka marahang inilagay ang remote sa gilid. Parehas silang tatlong nagtitigan na pinutol na mismo ni Zafia.

"Nahuli na siya?" mahinang tanong ni Zafia.

"Yes. Kanina lang din siguro 'yan since hindi pa tumatawag ang prosecutor na hahawak sa kaso."

"Pero mayroon na?"

"Yap. Noon pa inasikaso na niya," simpleng sagot ni Zaffiro at saka sila nanahimik.

Isang linggo na ang nakalipas at inihahanda na ang papeles para ma-discharge na ito. Halos unti-unti na rin nagiging maayos ang kalagayan ni Zafia, kinailangan na lang na dumaan ito sa therapy para sa tuluyang pagpapagaling.

Halos hindi malaman ni Zafia kung dapat ba siyang maging masaya dahil hanggang ngayon ay dala-dala pa nito ang takot, na paano kung makatakas siya at muli siyang kunin? Kaya gano'n na lang ang pag-iyak ni Zafia noon kapag naiiwan siyang mag-isa sa kwarto, kaya hindi makapagtrabaho nang maayos si Zaffiro.

Sa loob ng isang linggong iyon ay nakipagkita na rin si Lucas sa mga magulang niya sa mansyon para sabihin na kasama niya si Zafia, halos mahimatay noon si Nieva at paulit-ulit na humingi ng tawad kay Lucas. Doon din ay ipinaliwanag ni Lucas ang lahat ng nangyari matapos umalis ni Zafia at ang pagsunod ni Von sa lugar na iyon, walang iniwan na detalye si Lucas, lahat ng nangyari sa nakalipas na dalawang taon ay sinabi niya sa mga tao sa mansyon.

"I-I want to go home," bulong ni Zafia.

"Bukas, makakauwi ka na siguro. Hintayin na lang natin ang sasabihin ni Simon. Baka sa mansyon ka na rin manatili," sagot ni Lucas na inilingan ni Zafia.

"I-I don't. Ayoko muna roon, babalik na lang ako kapag okay na."

"Okay. You can stay there, pero dapat nandoon sila mom and dad," suhol ni Zaffiro na tiningnan lang ni Zafia.

Hangga't maaari ay iniiwasan na muna ni Zafia ang maraming tao dahil pakiramdam niya ay naroon din si Rionard, kaya mas ginusto niyang manatili muna kahit pansamantala sa bahay ng kuya niya. Habang nag-uusap silang tatlo tungkol sa ibang bagay ay may kumatok sa pinto, dahilan para maging alerto si Zaffiro.

"We're here." Nangunot si Zafia at naikagat ang labi dahil sa boses na iyon.

Ang boses ng nanay niya. Noon pa man ay napatawad na niya si Nieva, ngunit hindi ito nakakalimot. Ngunit tapos na, nandito na siya sa Maynila at nagpapagaling na, siguro ay sapat na iyon para hindi na magtanim ng sama ng loob si Zafia. Maingat na binuksan ni Zaffiro ang pinto dahilan para bumungad ang magulang nila.

Sa unang pagtataon, matapos ang dalawang taong hindi pagkikita ay napagmasdan muli nila ang isa't isa, walang salitang inilabas si Nieva sa anak at agad na niyakap ito, hindi na nito napigilan pang humagulhol at tanging mahigpit na yakap lang ang binigay niya.

"I'm sorry,  I didn't know—"

"It's okay, I'm okay— my fault—"

"No you're not—"

"Si Rionard ang may kasalanan, kaya tama na 'yan," iritadong sabi ni Lucas na tinakpan ang tenga.

Tanging ngiti lang ang isinagot ni Zafia at hinayaan ang nanay niyang hawakan ang kamay nito, ramdam ni Zafia ang paghingi ng tawad nito dahil base sa kuwento ni Zaffiro sa kaniya ay hindi na nakatulog pa nang maayos si Nieva mula nang malaman niyang kinasal na si Zafia kay Rionard, at nawala si Lucas sa mansyon.

Ruinous Deal | CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora