Kabanata 14

18 3 0
                                    

Wala sa sarili at halos takasan na siya ng bait. Ikaw ba naman na kaladkarin ka palabas ng mansyon na iyon at mapagtanto na nasa kalsada na lang at hindi alam kung saan pupunta... teka mali, alam nito kung saan pupunta ngunit hindi niya alam kung puwede ba. Hindi sanay si Zafia na laging pinagtitinginan ng kung sino man lalo na kung wala namang koneksyon sa kaniyang trabaho. Ngunit hindi niya talagang kayang pigilan ang mga luha niya lalo na't sa tuwing naaalala niya ang mga nangyari kanina. Kung paanong itaboy siya ng kaniyang ina at pigilan sila ng kuya nitong si Lucas.

"What!" sigaw ni Zafia sa mga taong tumitingin sa kaniya.

Halos umiwas ng tingin ang ibang mga tao dahil sa nangyari, mas binilisan niya ang paglalakad niya habang ang telepono ay nakasalampak sa kaniyang tenga, naghihintay na sagutin ni Von ang tawag nito.  Ngunit ilang minutong na niyang ginagawa iyon ay wala pa ring Von ang sumasagot. Ngunit hindi niya alam kung suwerteng bang maitatawag na natanaw na niya ang kumpanya nila Von bago magdilim? Ngunit mabilis na bumagsak ang malakas na ulan kaya hindi ito naging alerto, inilibot niya pa ang kaniyang paningin para makahanap nang masisilungan, kaya naman dumiretso ito sa parking area kung saan kaunti lang ang mga tao at may kadiliman.

Ayon na naman ang panginginig ng kaniyang katawan, kaya hangga't maaari ay binilisan niya ang pagpunta sa elevator na naroon kung saan may nagbabantay doon na guwardiya na bahagya lang yumuko sa kaniya. Kilala na rin naman siya roon kahit pa hindi makilala ang kaniyang itsura. Basang sisiw at hindi malaman kung dahil ba iyon sa ulan o sa kaniyang luha na natuyo na.

Ditetso lang ang tingin ni Zafia sa sahig. Hindi niya iyon teritoryo kaya wala siyang karapatang manggulo roon, dahil base sa mga sinabi ng kaniyang ina ay nadamay na ang pamilyang Fornacier. Gusto na lang niyang magpaliwanag at humingi ng tawad. Ngunit kung ano man ang mangyari sa kanilang dalawa, wala na siyang magagawa. Umaasa pa rin naman siya na pakikinggan siya, dahil si Von iyon, ang lalaking nagsabing handa siyang makinig at pipilitin na intindihin ang lahat.

Nanginginig ang mga kamay na inilapag niya iyon sa mismong mesa ng sekretarya ni Von, na takang nakatingin sa kaniya ngunit pinipilit na maging propesyonal.

"M-Ma'am, I'm sorry, but Sir Fornacier is in the meeting now," magalang na saad ng babae na hindi magawang tingnan ni Zafia.

Hindi siya sanay na ganito ang itsura niya. Nakakapanibago, ang dating naglalakad na taas-noo ay ngayo'y nananatiling nakayuko.

"I can wait."

"You can go to his office Ma'am," ngiting pilit ng sekretarya nito.

Tumango lang si Zafia at pumasok doon. Alam naman ng sekretarya ni Von na may ugnayan sila kaya gano'n na lang ang dahilan kung bakit pinapasok si Zafia kahit na mahigpit na ipinagbibilin na walang papapasukin doon nang walang sinasabi ang binata.

Inilibot ni Zafia ang paningin nito. Hindi niya magawang maupo dahil basa ang kaniyang magarang damit na may mga talsik na ng putik. Nakatayo lamang habang tinititigan ang mesa ng binata na wala na roon ang litrato nila, parang no'ng huling punta niya roon ay nakalagay pa ang litrato nilang dalawa.

"I-I'll be honest... be honest Zafia," usal nito kasabay ang paghigpit niya sa palad na nanginginig.

Ilang minuto lang siyang pinaghintay dahil pumasok na rin ang lalaking hinihintay niya. Mas lalong kumalabog ang puso nito nang lagpasan lamang siya ni Von at nagdire-diretso sa kaniyang mesa, ngunit nanatili lang itong nakatalikod.

"V-Von, I'll explain everything you wanted to hear, j-just listen, okay?" garagal na pagsusumamo ni Zafia na titig na titig sa lalaking abala sa paghahanap ng mga papeles.

Hininga nang malalim si Zafia at saka napayuko na lang. Naikagat pa nito ang labi saka matunog na napangisi.

"I killed someone. I-I don't know if it's that an accident or what, t-then Rionard was the only one who saw everything," nanginginig ang boses na huminga ito nang malalim. "I-Isusumbong niya raw ako tungkol sa mga nangyari at idadamay ang pamilya ko, sila mommy, I was scared that time because... because of my mom. H-Hindi ko alam pero sinabi niyang wala siyang pagsasabihan once na pumirma ako, so I did. I signed those papers. P-Pero hindi ko alam kung tungkol saan iyon. T-Trust me Von, hindi ko alam kung ano iyon—"

"I'm okay. You can now go home, Zafia. I have a meeting after five minutes," mahinang sabi ni Von na parang hirap na hirap pang magsalita.

Tuluyan na lang natutop si Zafia, ang mga kamao niyang kaninang nakayukom sa harap ng kaniyang ina ay latay na latay na ngayon. Para bang nawalan na ng saysay ang lahat at maski ang presensya niya ay wala na lang din.

"V-Von, makinig ka muna sa akin—"

"I listened to you, wala na rin namang magagawa kung magpaliwanag ka dahil magulo na. J-Just get out, Zafia, please? Marami pa akong gagawin—"

"Thank you," ngiting sabi nito saka dahan-dahang lumapit sa mesa ni Von.

"Thank you for pushing me away. I promised to fix this problem, but can you do me a favor?" mapaklang tanong ni Zafia saka muling tumulo ang kaniyang luha.

Nanatiling nakatalikod si Von habang unti-unting namamasa ang mga mata nito. Nakatingin lamang siya sa litrato nila Zafia na nakatago sa malaking frame sa mismong kinatatayuan niya.

"Next time we will meet, just ignore me. Act like I didn't exist, and I will think that we didn't love each other." Isang salitang umalingawngaw kasabay ang isang pagtunog ng isang bagay na bumagsak sa mismong mesa ni Von.

Pulang-pula ang mukha at halos hindi matigil ang pagragasa ng mga luha ni Zafia nang sikapin niyang lumabas sa opisina ang binata.

Naiwan si Von na halos wala sa sariling humarap at natanaw ang isang singsing na kaniyang ibinigay sa dalaga. Tapos na sila. Tapos na ang lahat at nagawa na ni Zafia ang kailangan niya. Wala nga lang nakinig at naniwala.

Diretsong naglakad si Zafia at kung kanina ay halos matamlay ang kaniyang itsura, ngayon naman ay binalot ng gamit ang mukha nito. Nanlilisik ang mga matang hinang-hina na. Hindi na niya sinisisi ang kaniyang sarili dahil sa dahilang wala namang nakinig at sila na ang may kasalanan ngayon.

Hinang-hina na tumingin sa kung saan si Zafia nang makarating siya sa parking area, hindi nito alam kung saan pupunta dahil wala naman talaga siyang mapupuntahan na. Inis na sinabunutan niya ang kaniyang sarili at saka muling kinuha ang teleponong halos basang-basa na dahil sa pag-ulan kanina.

Ngunit pipindot na sana ito nang mas lalo siyang manlumo dahil sa mensaheng kaniyang natanggap mula sa iba't-ibang bangko at ang lahat ng kaniyang ari-arian. Tuluyan nang nawala ang lahat sa kaniya matapos angkinin ni Nieva ang lahat sa kaniyang anak. Ang pera, bahay, alahas at kung ano-ano pa.

"I fvcking hate you!" sigaw niya sa kaniyang telepono.

Kinuhanan na siya ng karapatan. Sarili na lang niya ang kaniyang kakampi. Mula sa kinatatayuan niya ay bigla na lang inalala ng kaniyang utak ang mga nangyari noon, ang boses ni Rionard at ang pangako sa kaniya.

"Gawin mo ang gusto ko Zafia, gawin mo. Ililigtas kita."

Tila parang umurong ang lahat ng luha niya at dahan-dahang natigil sa kaniyang ginagawa. Ililigtas? Ang lalaking iyon ang magliligtas sa kaniya, nakakatawa lang dahil iyon ang naglagay sa kaniya sa ganitong sitwasyon. Literal na nabuhayan ng loob si Zafia, akala niya ay tapos na siya pero may makakapitan pa pala itong patalim, kakapit ito sa dulo ng patalim.

To: Rionard
Rionard, can we talk?

Hindi pa man umiinit ang daliri ni Zafia ay nakatanggap agad ito ng mensahe, ngunit mas lalo lang namuo ang luha nito. Desperada na siya, wala na siyang malalapitan pa.

Rionard:
I have work. I will call you later after this.

To: Rionard
I need you Rionard. Please? I don't fvcking know what to do!

Ngunit hindi na muling sumagot si Rionard. Kulang na lang ay durugin na niya sa kaniyang mga kamay ang selpon nito habang naglalakad, hinahayaan lamang niyang kumalat ang dugo sa kaniyang daliri sa paa, dahil normal na lang ito. Nakapatay na siya, ano pa bang ikakatakot niya sa pagdurugo ng paa?

Ngunit natigil ito nang tumunog muli ang kaniyang selpon, at ilang beses na binasa ang mensahe roon.

Rionard:
I'm on my way.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now