Kabanata 48

19 2 0
                                    

Pumasok na ito sa loob ng bahay at iniwanan na lang ang kuya nitong panay ang pagtawa sa kaniya at pagkontra. Naupo ito sa tabi ng byenan nitong si Cecil at nakakunot na tumitig sa kaniya.

"Bakit mainit ang ulo ng buntis namin?" nakangiting tanong nito dahilan para magtinginan ang ibang mga taong nasa sala.

Halos lahat ng magulang ay naroon at sina Jairo na abala sa pagpapatulog ng pusa ay naroon din.

Magsasalita na sana ito nang pumasok naman si Zaffiro sa loob at agad na hinanap ang bunsong kapatid at lihim na ngumiti.

"Then why are you mad?" nakangiting tanong ni Zaffiro at may iniabot na papel sa tatay nito.

"Just tell her the truth that you love her-"

"I didn't say that."

"You did. Not that exactly but that's what you mean," seryosong anas ni Zafia habang himas-himas ang tiyan.

Nakalimutan na ata ni Zaffiro na buntis ang kapatid niya at madalas mawalan ng mood at nasaktuhan niya ito. Napahilamos na lang ng mukha si Zaffiro at natatawang naupo sa sofa katabi si Jairo na napangiti na rin, gano'n din ang iba ngunit halata ang pagtataka sa mukha.

Isa sa mga pinakamahirap talaga ay ang pakisamahan ang mga buntis at sumang-ayon na lang sa sinasabi nito dahil sa huli ay sasakit lang din ang kanilang mga ulo.

"What happened?" natatawang tanong ni Nieva rito.

"Gusto niya si Veron but he didn't want to confess! Or just tell to Veron that he have no plan for giving that girl, a chance. So selfish," bulong nito at masama pa rin ang tingin sa kuya nitong namumula na ang mukha.

Literal na nanlaki ang mata ng iba at lihim pang napangiti. Ang iba ay hindi na napigilan ang pagtawa dahil sa asta ni Zafia.

"She's pregnant dude, their pride is always number one priority," bulong ni Jairo na inilingan na lang ni Zaffiro.

Tumayo na ito at saka kinuha ulit ang mga papel sa mesa, dahil oras na rin ng meeting nito. "I'll go ahead," ngiting sabi nito at tumingin sa kapatid. "What?" dugtong nito.

Walang sagot si Zafia at nahiga na lang sa balikat ni Cecil na naiiling na lang dahil sa asta nito. Umalis si Zaffiro nang mainit ang ulo ng kapatid, ngunit nanatili siya sa sofa na iyon.

Kahit papaano ay naibsan ang pag-iisa niya at hindi masyadong nakapag-isip ng kung ano-ano. Nakatulong din ang kahit papaanong pang-aasar sa kaniya ng kuya nito. Kaunting tiis na lang at naipapanganak na niya ang kaniyang panganay kay Von. Mas mabuti rin na nasa puder siya ng mga matatanda para magabayan siya.

"Mom? Do you think, I am capable to take care my baby?" tanong nito kay Cecil.

Napatingin naman sa kaniya si Cecil at saka ngumiti. "Of course! Mas marami ka nga lang aaralin and for sure, you will learn a lot for being a mom," ngiting sagot nito.

"I'm scared, what if I fail?"

Umiling lang si Cecil at saka hinimas ang kamay ng manugang nito. "You will fail, but you will learn from that. Hindi ka pababayaan ng anak ko, he always looking forward for having a family. At sinabi niya na dapat ang bunsong Arcus daw," natatawang sabi nito na narinig ng iba.

Nailing na lang si Zafia at muling naisip ang mga pinagdaanan niya, alam niyang hindi siya pababayaan ni Von, alam niyang sa kanilang dalawa, si Von ang kayang humawak sa lahat ng sitwasyon.

"Lalabas lang po ako," pagpapaalam ni Zafia na tinanguan ni Cecil.

Pumunta na muna ito sa kusina at kumuha ng isang bote ng tubig, at dahil hindi naman masiyadong mainit at maraming puno ay hindi na ito nagdalawang-isip pang lumabas. Mas makakatulong sa mga buntis ang paglalakad upang hindi masyadong mahirapan ang mga ito lalo na sa bandang balakang nila.

Katamtaman lang ang hampas ng hangin, malamig ito sa balat kaya halos nabawasbawasan ang init ng ulo at pag-aalala nito sa kaniyang sarili. Hindi Kya maiwasang mapangiti nang makita nito ang mini playground nila noong bata pa siya.

Mapapangiti at mapapaisip ka na lang talaga kapag naisip mong parang noon lang ay naglalaro ka lang at ngayon ay ikaw na mismo ang may anak at sila na naman ang makakaranas ng mga bagay na naranasan mo noon.

Sobrang bilis tumakbo ng panahon. At sa sobrang abala ng mga tao, hindi na nila napapansin na tumatanda na sila.

"We're here Genesis," nakangiting usal ni Zafia sa paligid at ang bahagyang pagpikit na para bang pinapakiramdaman ang panganay. itong anak.

"Come here, I have something to tell you." Ngumiti ito at saka hinimas ang tiyan.

"Your brother's name is Vernon, you will become his ate na, if your were here, he will call you ate. Ate Genesis," mapait na bulong nito at saka muling lumakad sa kung saan.

Kahit papaano ay nawala ang sakit ng kaniyang katawan, hindi rin nito napansin ang kotse ni Zeren na paparating, para lang siyang nag-iisang tao sa mundo at kinakausap ang nawalay niyang anak.

Sobrang dami niyang plano noon pa. Ang pagkakaroon ng anak na babae na Genesis ang pangalan ay nakatatak na sa utak niya noon pa, at kahit si Lizandro ang ama nito ay hindi niya magawang magalit o mandiri sa panganay niya.

Dahil ano nga naman ang kasalanan ni Genesis?

"At the month of May, say hi to your brother okay? Whenever he's crying, gently tap his leg so he will be quiet." Bahagya itong natigil dahil sa kung anong malamig na hangin ang naramdaman nito sa kaniyang tiyan.

Kung noon ay natatakot siya dahil sa minsang hindi niya maintindihan ang mga pangyayari sa paligid, ay nasanay na lang ito, napangiti pa ito at mas lalong pinakiramdaman ang malamig na hangin na iyon sa kaniyang tiyan, na para bang hinahawakan ito at pinapakiramdaman.

"Thank you," bulong ni Zafia at ang unti-unting pagkawala ng malamig na hangin na iyon.

Nahinto ito sa may upuan at nanatili na lang doon, hindi na niya namalayan na malapit na ito sa dulo kung nasaan ang gate, nanatili na lang ito habang hawak ang isang bote ng tubig. Pinagmasdan niya lang ang paligid, sapat na ito para kumalma at maidlip na muna sa ilalim ng puno na iyon.

Ligtas naman doon at madali lang din siya nakikita ng sinumang dadaan dahil nasa bungad lang din siya. Tulala lang ito at ipinatong sa ibabaw ng tiyan ang bote, nakatitig sa hinahangin na mga damo. Maingat nitong inilapat ang ulo sa katawan ng puno at ipininit ang mga mata.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now