Kabanata 6

47 4 0
                                    

Halos lantay ang katawan ni Zafia nang magising siya. Nailibot niya ang kaniyang paningin at nalaman na nasa sarili niyang kwarto ito, sa mismong bahay nito. Hindi niya maiwasang mapangiwi ang maramdaman ang bandang gitna niya. Ni hindi niya alam kung bakit nagkaganoon iyon kahit pa naaalala niya ang mga nangyari.

"What kind of finger was that?" tanong nito sa sarili.

Alam niyang daliri lang ng binata ang dumapo roon, sigurado siyang ni hindi nilabas ni Von ang sandata nitong halos  wasakin ang suot nito sa pang-ibaba ngunit nagawang pigilan ang sarili. Dahan-dahang tumayo ito upang makapag-asikaso agad. Wala na ang bakas ni Von at hindi man lang nag-iwan ng kahit na ano. Matapos niyang makapagbihis ay halos napapapikit pa ito, mabagal lamang ang pagkakalakad niya hanggang sa marating nito ang kusina. Nangunot pa ito nang makita ang mga bagong luto ng ulam dahil sa amoy nito na umaabot kay Zafia.

"Looks like my husband," natatawang anas ng dalaga saka naupo roon.

Tinitigan pa ang mga ulam na pamilyar naman sa kaniya at hindi niya alam kung saan nakakuha ng mga sangkap si Von, dahil wala namang gano'n sa ref niya. Hindi naman sanay magluto si Zafia ngunit marunong naman siya. Hindi pa man lubos na nauubos ang pagkain ay agad na tumunog ang telepono niya, pangalan ng nanay nito ang rumihistro kaya agad niya iyon sinagot.

"Mom?"

[Be ready, wear any comfortable dress. We have an appointment with Mr. Lim, I'll wait you in Fornacier's Office.]

"Time?"

[Be there at least after thirty minutes,] nagmamadaling saad ni Nieva sa anak nitong napabuntonghininga na lang.

"Okay. Bye," sabi nito na nagpaalam din ang kaniyang ina.

Walang kaganang-ganang kumain ito at hinugasan ang mga ginamit. Nang matapos makapaglinis sa bahay nito ay nagpalit na lang ito ng damit, nag-asikaso naman na siya kanina. Kailangan lang niyang umaktong maayos siya kahit na ang totoo, ay masakit pa rin ang katawan nito. Ang mga pulang markang nagkalat sa dibdib nito at mabuti na lang ay maninipis lang sa leeg ng dalaga kaya hindi halata, puwede naman niyang tapalan ang mga ito. Suot ang pulang bestida nitong may kanipisan at hapit na hapit sa kaniyang katawan.

Nagmadali itong pumunta at mabuti na lang ay hindi masyadong mabigat ang trapik, may kalapitan lang naman ang kumpanya ng mga Fornacier, kaya wala pang kinseng minutos ay nakarating agad ito. Diretso lamang ang tingin nito sa daan habang ang ibang mga kalalakihan ay pinagtitinginan siya. May natitira pa siyang sampung minuto para makapunta sa opisina na iyon. Nang matanaw na niya ang pintong pamilyar sa kaniya ay agad itong lumapit upang kumatok, ngunit wala pang ilang segundo ay pinagbuksan agad siya ng pinto.

Blangko lamang ang tingin na ibinigay ni Zafia kay Von na ilang beses pang lumunok bago bigyan ng daan ang dalaga na hindi man lang siya nagawang batiin. Bumungad kay Zafia ang magulang nito at ang kaniyang Kuya Zaffiro na prenteng nakaupo sa gawing kanan, ang tatay ni Von na nasa gawing kaliwa. Nasa gitna naman si Mr. Lim na mukhang ngayon pa lang nakilala ni Zafia.

"Good morning," bati ng dalaga na binati rin ng iba.

Halos katapat lang ni Zafia si Von habang umaandar ang diskusyon, ang mga matatanda lamang ang nagsasalita at kung minsan ay hinihingi ang opinyon ng iba. Pinag-uusapan lang naman nila ang tungkol sa mga proyektong kanilang gagawin, ngunit dahil wala namang paki-alam si Zafia ay nanatili lang siyang nakinig at tahimik.

May sariling problema ang dalaga at itong ang kailangan niyang ayusin. Maya-maya pa ay hindi sinasadyang inangat ni Zafia ang paa nito dahilan para tumama sa hita ni Von. Alertong napatingin si Von dito at pinipilit na panatilihin ang ekspresyon ng mukha. Napapikit na lang ito nang marahang itaas baba ni Zafia ang paa nito sa hita ng binata. Kung hindi pa nagsalita si Von ay hindi pa titigil si Zafia dahil sa pamumula ng mukha nito.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now