Kabanata 34

20 4 0
                                    

Ilang araw ang lumipas na hindi nawala sa tabi ni Zafia ang mga kuya nito. Si Zaffiro ang nag-aasikaso kay Zafia tuwing umaga, si Lucas naman ang sa gabi. Hindi sila puwedeng magsabay dahil kung may makakahalata man sa kanila ay ang lahat ang maaapektuhan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising, ngunit mas bumubuti na ang kaniyang kalagayan at pinipilit nilang mas mapadali ang lahat. Ilang beses nang nirekumenda ni Lucas na ipagamot sa ibang bansa si Zafia ngunit tumutol si Zaffiro, mas lalo silang mahahalata at puwede silang masundan nila Rionard doon.

Maingat na pinupunasan ni Zaffiro ang bandang paanan ni Zafia, matapos no'n ay naglagay naman siya ng gamot sa mga peklat ni Zafia na unti-unti na ring gumagaling, bumabalik na ang katawan ni Zafia sa dati ngunit may kapayatan pa rin, kuminis na ang balat ngunit halata ang mga peklat na patuloy na ginagamot.

Lumabas na muna si Zaffiro para naman ayusin ang sarili dahil maya-maya ay aalis na rin siya. Sa paglabas ni Zaffiro ay unti-unting gumalaw ang daliri ni Zafia. Ang mga mata nitong unti-unting nagmulat na para bang ayaw pa itong buksan. Muli na namang gumalaw ang magkabilaang daliri niya at sa pagkakataong ito ay naimulat na niya ang kaniyang mata. Hindi na niya maiwasang ilibot ang paningin sa puting paligid dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya, dahilan para umingay ang makina.

Sa ilang sandali pa ay muling inalala ni Zafia ang pamilyar na senaryo, nasa isang kwarto siya noon, nakahiga at nakaposas ang magkabilaang kamay. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang paningin at iginalaw ang kanang kamay, hindi ito nakatali, nagawa niya pang itaas iyon para makumpirma kung nakaposas ba iyon, ngunit hindi, tanging nakakabit na makinarya lang ang naroon.

Mas dumoble pa ang kaba niya nang tuluyang pumasok ang kuya nito sa kwarto, nanatiling nakatalikod lang si Zaffiro habang inaayos ang kakainin ni Lucas. Literal na nanlaki ang mata ni Zafia at para bang gustong magsalita ngunit hindi niya magawa, tanging pagkawag ng paa at panginginig ng katawan ang nagawa niya dahil sa pag-aakalang si Rionard iyon.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Zaffiro kay Lucas na kararating lang.

"E, ngayon lang, e."

Kapwa silang nakatalikod kaya hindi nila nakikita si Zafia na takot na takot, ngunit agad ding nataranta si Zaffiro nang makita niya sa gilid ng paningin niya ang nangyayari sa kapatid kaya agad siyang pumunta roon.

"Z-Zafia! Sshhh—"

"Hmmm! Hmmm!" tanging bulong ni Zafia habang patuloy sa pagtataranta.

"Zafia?"

"Tawagin mo si Simon," mahinahong utos ni Zaffiro kay Lucas na agad ding sumunod. Ibinalik nito ang tingin kay Zafia na takot na takot na tumingin sa kaniya.

Walang nagawa si Zaffiro kundi ang haplusin ang buhok ng dalaga at maamong tinapik ito. "Sshhhh, si Kuya Zaffiro ito, you still know me? It's your kuya, Kuya Zaf," bulong nito at unti-unting namuo ang luha at natigil sa pantataranta.

"You are safe na, okay? Nasa amin ka na ng Kuya Lucas mo, don't worry we won't hurt you. Kuya won't hurt my Baby Zafia," garagal na pagpapakalma ni Zaffiro sa kapatid at mabilis na pinunasan ang luha.

"Anong nangyari?" bungad ni Simon dahilan para umayos ng tayo si Zaffiro at lumayo nang kaunti.

Natigil sa paggalaw si Zafia at muling tinitigan ang tatlong lalaki na nasa loob, si Lucas na titig na titig sa kapatid habang si Zaffiro ay umiiwas ng tingin sa kanila. Agad na inasikaso ni Simon ito, tiningnan ang mata at bahagyang kinakausap.

"I'm Simon Monteclaro, do you still know me?" marahang tanong ni Zafia na dahan-dahan niyang ikinatango.

"Good. And this is your Kuya Lucas—"

"Tumigil ka nga Simon! Hindi 'yan kinder! Sa ginagawa mo ako kinakabahan, e," iritadong anas ni Lucas na pabalik-balik sa paglalakad sa kwarto.

"Anyway, nandito ka sa hospital, don't worry ligtas ka rito, ang mga kuya mo ang nagbabantay sa 'yo, kailangan mong magpagaling agad Zafia, okay? May mga masakit ba sa katawan mo?" tanong nito.

Umiling si Zafia at tumango si Simon, marami pang katanungan ang nangyari habang ang dalawa ay nakikinig lang sa usapan ng dalawa. Inayos muli ni Simon ang pagkakahiga ni Zafia na titig na titig pa rin sa mga kinikilos ng kasama niya sa loob. Naniniwala naman siyang ang mga kuya niya iyon ngunit ang takot ay dala-dala pa rin niya.

"Bantayan ninyo na lang siya. May pupunta na nurse dito mamaya para kuhanan siya ng dugo, sa ngayon kausap-usapin ninyo na lang. Avoid those topic that related to that... basta hindi magdadala ng takot sa kaniya. I'll be back, kakausapin ko lang si Dred."

"Kailan ba magpapakita si Mildred?" tanong ni Lucas at sana napatingin si Simon sa relos.

"Mamaya nandito na 'yon, pero baka bukas siya makikipag-usap." Umalis na agad si Simon dahilan para sila na lang ang maiwan sa loob.

Naka-upo lang si Zaffiro malapit sa paanan ni Zafia, habang si Lucas naman ay marahang hinihilot ang paa ni Zafia.

"Siguro, one week ka pa rito bunso, depende kung mapapabilis ang pagpapagaling mo. Si kuya ang nagbabantay tuwing umaga tapos ako naman sa hapon hanggang madaling araw, alam mo namang busy 'yang kuya natin kaya kaunting oras lang ang ilalaan niya sa 'yo," bulong ni Lucas at sandaling napatingin kay Zaffiro'ng titig na titig sa kaniya ngunit hindi niya pinansin.

"Kapag natapos ka pala rito sa hospital, uuwi tayo sa bahay ni kuya, magiging palamunin muna tayo," nagpapapatawang sabi nito kaya kahit papaano ay napangiti si Zafia. "At saka, mag-ti-therapy ka rin, siyempre kasama mo pa rin kami. Tapos kapag okay ka na talaga, nagbabakasyon tayo sa ibang bansa, gusto mo 'yon? Sagot na ni kuya, uuwi tayo sa Spain since naroon ang mga ka-uri natin..."

Marami pang sinabi si Lucas kay Zafia para lang mapakalma ito, si Zaffiro naman ay hindi na nagawang umalis dahil mas pinili na lang niya na bantayan si Zafia. Wala silang binigkas na kahit na ano tungkol sa magulang nila na iniiwasan din dahil magulang din ang dahilan kung bakit napalayas si Zafia at sumama kay Rionard. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Zafia dahil nasa tabi niya lang buong araw ang dalawang kuya nito na bantay sarado sa kaniya.

Hanggang sa pagtulog ay hawak-hawak nito ang kamay ng kaniyang kuya habang si Zaffiro ay binabantayan ang dalawang kapatid.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now