Kabanata 47

20 2 0
                                    

Halos tanghali na nang magising si Zafia, agad nitong hinawakan ang kaniyang tiyan na halos ilang kilo na ang bigat. Magulo ang buhok at habang tumatagal ay nawawalan na ito ng ayos sa kaniyang sarili, lalo na tuwing umaga na napapadalas ang pagsakit ng kaniyang katawan habang palapit na nang palapit ang buwan kung kailan siya manganganak. Suot ang manipis nitong damit ay maingat niyang ibinaba iyon at dali-daling pumunta sa banyo upang umihi.

Isa sa pinaka kinakainisan ng mga buntis ay ang pag-ihi na halos maya't maya nilang ginagawa.

"My goodness!" mahinang bulong nito at napapikit na lang dahil sa pakiramdam nitong parang lalabas na ang bata na normal na lang sa kaniya iyon.

Napasandal ito sa dingding upang hilutin ang kaniyang tiyan, at nang kumalma ay agad ding nag-asikaso ng sarili. Napanguso na lang ito dahil halos lahat na lang ay nakakalimutan niyang kunin dahilan para magpabalik-balik ito.

"Last! Last na!" iritableng sabi nito saka pumunta sa kabinet at kunin ang damit.

Hindi na niya kailangan mamili pa roon dahil si Von na mismo ang naghahanda ng damit na susuotin niya dahil napansin ni Von na madalas mairita si Zafia sa tuwing may hinahanap na bahay na hindi niya makita, at sa mabagal kumilos. Ngunit bago pa man siya maka-alis sa kwarto ay napansin nito ang isang sticky note na nakadikit sa dingding, dali-dali niyang kinuha iyon at saka binasa.

Hey hon, good morning. I'll be gone for this day but will send you an update. Love you always.

Von

Ang kaninang kunot ni Zafia at napalitan ng ngiti, imbes na itapon niya iyon ay pumunta ito sa mini library nito at inilagay sa pinakadulong kahon ang note na iyon kung saan iniipon ni Zafia iyon. Kahit si Von ay natatawa na lang at hindi na pinapansin ang ginagawang gano'n ni Zafia.

"I love you," bulong ni Zafia sa kaniyang tiyan at pumasok sa banyo.

At dahil wala naman ang kaniyang asawa ay paniguradong kailangan na naman niyang pumunta sa ibaba para makipag-usap at maging panatag, wala rin naman masyadong tao dahil nasa trabaho ang karamihan. Kailangan lang niya ng sariwang hangin at ang dumikit sa kahit na kanino dahil hindi niya gustong mag-isip ng kung ano-ano.

Ngunit dahil hindi lahat ng swerte ay na kay Zafia, nanliit ang mata nito nang makita niya si Veron na marahang nilalagyan ng lipstick ang labi habang naglalakad. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit dahil sa katawan.

"Excuse me?" mahinang sabi ni Zafia dahil nakaharang si Veron sa daanan.

Agad naman na napatingin sa kaniya si Veron at ngiting-ngiti na humalik kay Zafia.

"Good morning! Tulungan na kitang bumaba?" tanong nito na tinawanan ni Zafia.

"Hindi ako lumpo, buntis lang ako."

"Alam ko, mukha ba akong tanga?"

"Medyo," sagot ni Zafia saka niya ito nilampasan.

At dahil pinilit ni Zafia na bilisan ang paglalakad niya para lang hindi makasabay si Veron ay naabutan naman nito si Lana na may kung anong nginunguya. Ngiting kumaway ang dalaga sa buntis at dumiretso sa kaniya.

"Tanghali ka laging nagigising, tapos mamaya matutulog ka na naman," komento ni Lana rito na inirapan lang ni Zafia.

"Kapag nabuntis ka, ganito din ang mangyayari sa 'yo," bulong ni Zafia saka dumiretso sa kusina na nakasunod pa rin si Lana sa kaniya.

Pinagmasdan lang ni Lana si Zafia kung paano nito timplahin ang gatas, kumuha lang si Zafia nang ilang pagkain at nanatili sa kusina habang si Lana at nakatitig pa rin sa kaniya.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now