Kabanata 5

44 5 0
                                    

Aligaga lamang si Zafia sa loob ng kaniyang opisina, kailangan niyang sulitin ang panahong wala si Rionard upang makapag-isip at magawa ang mga gusto niya. Imbes na ipahinga ang utak ay kung ano-ano pa ang pumapasok dito. Naupo na lang ito sa kaniyang swivel chair dahil wala naman na talaga siyang gagawin. Hindi niya rin alam kung bakit pa siya pumunta roon.

"Oh! My god!" bulalas nito na parang may naalalang gawin kaya agad niyang kinuha ang  selpon nito at tinawagan ang kababata nitong si Veron.

Tapik-tapik ang makintab na mesa habang sinasabay ang paa nitong lumilikha ng ingay dahil sa suot nitong sandals. Napakagat na lang ito ng labi nang sa wakas ay sagutin na iyon ni Veron.

[Bakit future bayaw ko?] masayang sabi ng babae sa kabila na pinandirihan agad ni Zafia.

Sumandal ito sa swivel chair nito at saka huminga nang malalim. "How to—"

[Tagalog please?]

"Fine! Paanong mang-akit ng lalaki?" diretsong sabi nito saka pinaikot ang upuan dahilan para tumapat siya sa babasaging dingding kung saan tanaw halos lahat ng gusali.

[A-Ano?! Owemji! Bakit? For what?] gulat na gulat na tanong ni Veron.

"Just tell me, can you? and the other one is, o don't have any trust in goggle. That's why I came to you because I know you are expert in this flirty things," nakangising sambit ng dalaga na hindi niya alam ay hiyang-hiya na ang kausap nito na halos hindi na makapagsalita. "Just tell me, I'll go with kuya to convince him to pay you attention—"

[Hindi ako attention seeker, 'no!]

"I didn't say that."

[Para saan ba kasi?] inis na tanong ni Veron na mas lalong nagpasimangot kay Zafia, dahil hindi naman ito sanay na pinaghihintay.

Isa lang naman ang dahilan niyan. Hindi naman siya nahihiya o di kaya'y nakakaramdam ng kahit na ano dahil gusto niya rin naman, kahit papaano ay gusto niya ring umamin pero sa ganitong paraan niya lang nakikita.

"Kay Alejandro! Is that fine?! C'mon! Inaantok na ako, plus I'll make a drive!" inis na sabi nito na nagpatawa nang malakas kay Veron sa kabilang linya.

[Kahit na ano lang ang gawin mo. Depende na 'yan sa 'yo. At saka hindi mo matutukso 'yon, pinalaki siyang maayos ng magulang niya.]

"So, ikaw hindi?" pamimilosopo ni Zafia rito.

[Bahala ka, sayawan mo na lang, at saka nakakahiya ka, naririnig ng mga tao rito sa sala!]

Isang malakas na pagkalabog ang nagawa sa puso ni Zafia dahil sa sinabi ni Veron. Alam na alam ni Zafia kung gaano karami ang tao roon at naroon madalas ang mga tita niya. Alam niyang hindi nauubusan ng tao roon. Mabilis niyang ibinaba ang telepono at animo'y parang nawalan ng hangin.

Tulalang kinakagat-kagat ang labi at halos masabunutan ang sarili.

"Fvck you Veron! Agh!"

Nakakahiya. Iyan na lang siguro ang magandang panglalarawan sa nararamdaman niya. Iniisip na nito ang mga posibleng sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Ngunit puwede rin naman niyang hindi sagutin ang tawag na iyon o 'di kaya'y hindi na lang pumunta sa mansyon. O kaya ang magsinungaling, tutal doon naman siya magaling.

Nagpasiya na lang siyang umuwi ng kanilang bahay at matulog doon, hapon pa lang naman, mahaba pa naman ang oras niya lalo na't mag-isa lang siya. Tahimik lang siya at pinapakiramdaman ang telepono nito kung may tatawag man.

Nang makarating na sa kaniyang bahay ay tinanggal agad nito ang kaniyang suot, nasanay na lang siyang walang saplot sa tuwing nag-iisa dahil pakiramdam niya ay magaan ang kaniyang sitwasyon. Kumuha agad ito ng wine at akma na sanang iinom nang tumunog naman ang doorbell nito. Inis na napalingon ito sa labas at napansin ang isang lalaking nakatalikod mula sa kaniya, hindi niya masyadong maaninag dahil sa kapal ng kurtinang nakaharang at hinahangin pa ito.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now