Kabanata 49

24 3 0
                                    

"Can I?" malambing na bulong ni Von sa asawa nitong nagsusuklay.

Kanina pa nakakunot si Zafia at hindi maintindihan ang ginagawa ng asawa niya.

"Do whatever you want," simpleng sagot nito ngunit hindi natinag si Von at nanatiling dumikit sa asawa nito at saka pinindot-pindot ang tiyan.

"What are you waiting for? Just go," pantataboy ni Zafia at tumayo na mula sa kama nito.

"I'll be staying here," sagot ni Von sa asawa nitong literal na nagtaas ng kilay.

"Ano ba talaga? Kanina mo pa ako kinukulit kung puwede ka bang uminom tapos ngayong pumayag ako hindi ka na aalis?" inis na sabi nito dahilan para mapatawa si Von.

Walang nakuhang sagot ito kay Von at inayos na lang ang sarili, habang ang asawa ay nakatitig lang sa kaniya. Dahil nalalapit na ang panganganak nito ay nagpasiya si Von na manatili na lang sa mansyon kasama ang misis nito.

"I thought Lana, will be moved to Madrid?" pagtatanong ni Zafia na hindi pa rin tinitingnan ang asawa niya.

Tumango na lang si Von at muling nangunot ang noo. "I don't know why she refused the contract. Okay naman ang trabaho niya sa kumpanya nila," seryosong sagot nito at saka tumayo at mariing niyakap ang asawa.

Humalik ito sa pisngi at nanatili sa leeg ng asawa. "Why? Iba na ang plano?"

"I don't know. Ask your sister, she must grab the opportunity."

"Yeah, but I'm worried since she has a heart failure."

"So?" Pagtataas ng kilay ni Zafia.

"Baka kabahan siya at bumigay ang puso niy— aww!" natatawang anas nito dahil sa panghampas sa kaniya ni Zafia.

"Don't say that! Your sister is passionate about what she's doing. You must give her support."

"Of course, but if she doesn't want to accept, then I have nothing to do with that matter." Mariing humalik si Von at saka inalalayan ang asawa nito sa paglalakad pababa papunta sa sala.

At dahil buwan ng Mayo at kabuwanan na ni Zafia at nasaktuhan pa na nagbabakasyon ang iba sa mansyon kaya mas lalong walang takas si Zafia at panay si Von ang nagpapakalma rito. Nang makarating sila sa ibaba ay imbes na naupo ay dumiretso ito sa mga libro na nakahilera sa mesa at kinuha ang libro sa ibabaw roon.

Isa sa mga kaya niyang gawin ay ang maintindihan ang binabasa kahit na maingay ang paligid.

Si Von ay nanatiling nakatayo at hinintay ang asawa na bumalik sa kaniya, titig na titig lang ito kay Zafia na titig na titig din sa libro. Nang maabot nito ang baywang ng asawa ay naupo agad sila at iyon na naman ang mahinang paghimas ni Von sa buhok ng asawa.

"About politics?" pagtataka ni Von.

Nagkibit-balikat si Zafia. "Obviously, but doesn't matter."

Natahimik na lang si Von at saka nakinig sa mga pinag-uusapan ng ilang mga kasamahan nila sa mansyon tungkol sa pag-alis ni Nikasha na hindi man lang nagpapaalam at ang madalas na hindi pag-uwi ni Zeren sa mansyon dahil noon naman ay napapadalas ito roon.

"May problema kaya sa tatlong 'yon?" tanong ni Asher na tinawanan lang ni Keus.

"Gano'n naman na talaga si Nikasha, si Zeren naman dad baka may ginagawa lang ang ayaw magulo, tapos si Veron magulo talaga," natatawang sabi nito na hinampas agad ng kaniyang ina.

Pati si Von ay natatawa na lang habang si Zafia ay panay ang reklamo dahil sa tawa nh kaniyang asawa. Maya-maya pa ay panay ang pangalabit ni Zafia rito, isinara nito ang libro at saka pabalag na hinagis sa center table dahilan para mapunta sa kaniya ang atensyon ng iba.

"What?" bulong ni Von at sinalubong ang pagsimangot ng kaniyang asawa.

Bahagyang nag-angat ng tingin ang buntis saka ngumuso sa kusina. "Luto ka," bulong nito at panay hila sa manggas ng asawa.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Von at humarap sa asawa. "Ng alin na naman?" natatawang usal nito.

Literal na nasampal ni Zafia ang pisngi ng asawa nito dahilan para tumingin ang iba sa kanila. "Anong na naman?"

Imbes na sagutin ay nailing na lang si Von habang himas-himas ang kaniyang pisngi at saka tumayo. "Anong lulutuin?" tanong nito habang nilalabanan ang titig ng asawa.

"Steak," tipid nitong sagot.

Ngunit nag-alangan na pumunta sa kusina si Von at naghintay pa ng sasabihin ng asawa.

"Iyon lang?"

"Oo."

Tumalikod na si Von at napatingin na lang sa mga kababata nitong palihim na natawa. Himas-himas pa rin nito ang kaniyang pisngi at agad na bumalik ng tingin kay Zafia na nakakunot sa kaniya.

"Come with me."

"Why?"

"Baka kasi magbago isip mo," nakangiting sabi nito na pilit na hinahabaan ang pasensya sa asawa.

Walang nagawa si Zafia kundi ang sumunod sa asawa nito na pilit siyang pinapalakad. Natatawa na lang ang ilan dahil dito. Sumama si Zafia at naupo sa upuan, nakatitig lang ito sa asawa na hinahanda na ang kailangan.

Si Zafia naman ay panay ang pagtingin sa mga prutas at ang bahagyang pagnguso nito.

"Vo—"

"Fruit salad?" pagpuputol ni Von na agad na tinanguan ni Zafia dahilan para mapabuntonghininga si Von.

Pinatay agad ni Von ang stove at saka lumapit sa asawa at bahagya itong hinalikan sa noo.

"Fruit salad na talaga?"

"Yes, I'm sorry," ngiting sabi ni Zafia saka hinalikan ang asawa.

"I love you," bulong ni Von saka kinuha ang mga prutas.

Sinimulan nang gawin iyon ni Von, wala naman siyang narinig na kahit na ano sa dalaga. Kaunting gatas lang ang inilagay nito dahil mabilis magsawa ito sa matamis. Matiyagang naghintay si Zafia at nilibang-libang ang sarili sa pamamagitan ng pagtatapik ng daliri sa tiyan nito.

Matapos ang ilang minuto ay lumapit na ang asawa nito saka inilagay na sa kaniyang harapan ang pinagawa sa kaniya. Tinitigan pa iyon ni Zafia at paulit-ulit na hinalo, habang si Von ay tinabihan ang asawa at inayos pa ang buhok.

Napakunot na lang si Von dahil sa ginagawa ni Zafia na pang-aamoy dito at ang isa-isang pagkain ng maliliit na prutas. Maya-maya pa ay inurong na niya ito sa kaniyang asawa.

"Thank you," bulong ni Zafia at humalik sa pisngi.

"Okay?"

Tumayo na si Zafia at saka inayos ang damit. "I want to sleep, just eat that." Turo nito sa pagkain at saka umalis sa harapan ng asawa.

Halos mapayuko na lang si Von at matulala sa ginawa ni Zafia at mahilamos ang kamay sa mukha. Literal na natawa ito dahil sa mga nangyayari sa kaniya. Walang nagawa si Von kundi ang ubusin iyon at ligpitin ang kalat sa kusina saka pumaroon sa sala.

"Sarap maging asawa at ama?" natatawang tanong ni Keus na sinuot na ang coat nito

Umirap lang si Von at inayos ang ilan sa mga librong kinuha ni Zafia.

"Anong nangyari sa pagkain?"

Huminga nang malalim si Von at saka ngumiti. "Pinaubos niya sa akin, tapos that k you raw," sagot nito na tinawanan ng lahat.

"Mas mahirap kapag lumabas na ang bata. Beware," singit ng ama nito na inilingan niya lang.

Nagpaalam na ito at saka umakyat sa kwarto nila. Nadatnan nito ang kaniyang asawa na nakahiga kaya hindi ito nagdalawang-isip na tabihan ang asawa. Habang tumatagal ay mas lalo lang din siya natatakot dahil sa puwedeng mangyari sa mag-ina nito.

"I love you," bulong ni Von at saka binalot ng yakap ang mag-ina.

Ruinous Deal | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon