Kabanata 17

22 3 0
                                    

Hindi na normal kay Zafia ang pag-alis sa syudad at pumunta sa iba't-ibang lugar. Ngunit ang byaheng ito ay sadyang kakaiba. Hindi nito maintindihan kung bukal ba sa kalooban niya ang mga nangyayari pero isa lang ang malinaw sa kaniya. Gusto na niyang lumayo. Magbagong buhay at tanggapin na lang siguro ang mga nangyari at mangyayari.

Dalawang oras lamang ang kanilang byahe, parte pa rin naman ng kanilang bansa ang pinuntahan nilang lugar na parang syudad lang din, ngunit mas malayo. Kung sa may Maynila ay halos lahat ng negosyante roon ay kalaban ang tingin sa isa't-isa, sa lugar naman nila Rionard ay sila ang diyos. Malaki ang bayan nila at mahahalintulad din sa syudad, ngunit mas malaki ang sakop ng mga pag-aari.

Hapon na nang makababa sila ng eroplano. Nakakapit lamang si Zafia sa kamay ni Rionard na hindi ito binitawan. Panay ang lingon ni Zafia sa paligid habang si Rionard ay kampante na kampante lang. Isang maleta lang ang hawak at mukhang papeles lang ang naroon at kaunting gamit ni Zafia.

"You okay?" tanong ni Rionard.

"Yes. Let's go home, I want to sleep."

"Take a nap here—"

"I'm not comfortable."

Tumango si Rionard. "Sure."

Nagsimula na itong magmaneho. May nakasunod na isang kotseng itim sa likuran nila na sa una ay hindi pinansin ni Zafia, pero hindi rin siya nakatiis. Kinalabit nito si Rionard na takang napatingin sa kaniya.

"They following us. Who are they?"

"Don't worry, they're my bodyguards."

Napakunot si Zafia. Bodyguards. Nakakapagtaka lang dahil wala namang bodyguard na nagbabantay kay Rionard no'ng nasa syudad pa sila. Hindi na lang iyon pinansin ni Zafia dahil mukhang masasanay naman siya. Tutal, ayaw naman niyang paki-alaman ang mga nangyayari sa paligid. Kailangan niya lang talagang mabuhay.

Huminto sila sa malaking bahay. Malawak ang bakuran at halos nagkalat ang mga hardinero doon dahil na rin sa paglilinis ng mga damo. Malawak ito ngunit mas malawak ang mansyon ng mga Ficarro, kung tititigan nang mabuti. Simple lang ang lahat. May iba na naglilinis na lang dahil malapit nang magdilim at puwede na silang umuwi.

Sa main door ay may naghihintay roon sa kanila, hindi pamilya kundi ang mga katulong na nakasuot ng uniporme kaya mabilis lang silang makikilala.

"Let's go?" Hinimas ni Rionard ang kamay ng dalaga saka ito tumango.

Nang makalabas sa kotse ay roon niya lang naramdaman ang sariwang hangin. Sobrang sariwa na masasabi niya talagang nasa ibang lugar na siya. Mahigpit ang naging hawak sa baywang niya si Rionard saka inalalayan sa pagpasok. Ang lahat ay bumati ngunit hindi sila pinansin ng lalaki, si Zafia na lamang ang ngumiti bago sila huminto sa Salas.

Sobrang lawak. Pagpasok pa lang sa main door ay bungad na ang lahat. Ang hagdanan nitong nasa magkabilaan at ang mala-terrace na second floor, maaninag mula sa kinatatayuan nila kung sino ang naglalakad sa itaas. Sa ibaba naman ay ang malawak na sala, at sa dulo nito ay ang swimming area. Sa handbag gilid nila ang kusina at may kung anong daan pa sa kung saan.

"I'll take you to our room," bulong ni Rionard kay Zafia na patuloy ang pagtingin sa lahat.

"And?" dugtong ni Zafia.

Humarap naman ang asawa nito sa kaniya nang dahan-dahan silang maglakad sa hagdanan.

"What do you mean by and?"

"You just take me to our room, that's it?"

"Yeah? Why? You need anything? Honeymoon?" pagtataka ni Rionard na unti-unting ikinapula ng mukha ni Zafia.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now