Kabanata 30

25 4 0
                                    

"Hindi mo na inaalagaan ang sarili mo," usal ni Rionard habang sinusuklayan ang asawa sa kama.

Titig na titig lamang si Zafia sa kaharap nitong repleksyon kung saan kitang-kita niya ang asawa nitong masusing pinagmamasdan ang kaniyang buhok.

"Kapag hindi na ako busy sa trabaho, pupunta tayo sa malayo. Mas malayo rito, 'yong tayo lang ang makakaalam," nakangiting bulong nito dahilan para mag-umpisa na naman sa panginginig ng katawan ang si Zafia.

Sa tuwing naririnig niya ang gano'ng klaseng tono ng pananalita ng asawa at hindi niya maiwasang matakot, hindi na niya magawang labanan ang gano'ng asta ng asawa.

"R-Rionard..."

"Sshhhh, magigising si Thana," bulong ni Rionard saka inamoy-amoy ang leeg ni Zafia dahilan para puwersahang umalis sa puwesto si Zafia.

"Nasaan ang anak ko? G-Gusto ko siyang makita—"

"Hindi ko alam. Hindi ko siya nakita. Bigla siyang nawala—"

"Sinungaling ka!"

Sa pagkakataong iyon, iyon pa lang ang unang beses na narinig si Zafia na sumigaw at manlaki ang mata sa kaniya ni Rionard. Marahas itong tumayo habang si Zafia ay lumakad pa-atras.

"Kapag sinabi kong hindi ko alam, hindi ko alam. Wala ang bata sa morgue... at hindi ko na problema 'yon dahil patay na siy—"

"Sinungaling ka! Hindi na ako maniniwala sa mga sinasabi mo. Ipapakulong kita, Rionard, I want to kill you but I want to see you screaming in jail!"

Malakas na napatawa si Rionard at saka napasabunot sa sarili. "Ikaw ang makukulong Zafia. Pinatay mo si Athena at ang anak mo," mariing bigkas ni Rionard at matalim na tumitig dito.

Ang kanilang mga tinginan ay hindi na normal. Hindi na tinginan ng mag-asawa at mas lalong punong-puno ng pagsisisi at sumbatan ang dalawa.

Unti-unting napangiti si Zafia. "Maniniwala na sana ako kung walang ebidensiya. Sana talaga noon pa lang ay pinatay na kita, Rionard."

"Hindi mo ako mapapatay," pangahas na sagot ni Rionard kaya napatango si Zafia.

"Dahil ba patay na ang totoong Rionard?" natatawang bulong ni Zafia at saka napatawa pa ng malakas.

Sa pagkakataong iyon ay natahimik si Rionard. Para bang nagpalitan ang kanilang tauhan dahil sa mga inaasta nila. Ang mga kamao ni Rionard ay tuluyang naikuyom at ang mga mata nitong nagtataka.

"Ang mga pananalita mo Zafia—"

"Matalino ka nga Rionard. Napaikot mo lahat ng tao sa mga pananalita't itsura mo. Sobrang galing mo." Pumalakpak pa si Zafia ngunit hindi naalis sa kaniyang puwesto na may kalapitan kay Rionard na titig na titig sa kaniya.

"Anong gustong mong palabasin, Arcus?" mariing tanong ni Rionard na patuloy pa rin sa paniningkit ng mga mata.

"Ano pa bang palabas ang mayroon ka, Pramoso?"

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang lumapit si Rionard kay Zafia at hinigit ang leeg ng kaniyang asawa. "Wala akong pinatay Zafia, dahil kung meron man, ikaw lang ang taong iyon. Huwag mong hinahanap sa akin ang anak mo dahil hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka—"

Isang pagdura ang ginawa ni Zafia ngunit binawi iyon ni Rionard sa pamamagitan ng malakas na pagsampal sa asawa, ang halos bumaliktad na mukha ni Zafia dahil sa ginawa ni Rionard at agad na lumabas ng kwarto. Doon lang nakahingang maluwag si Zafia at pinipigilang humikbi dahil wala na siyang pag-asa pang makita ang anak niya.

Hindi nakakandado ang pinto ngunit hindi niya piniling lumabas. Naupo ito sa kaniyang puwesto at tuluyang niyakap ang sarili. Sinuyod ang buong kwartong magulo, wala na halos ang mga gamit maliban sa mga nakaayos na libro na kailanman hindi ginalaw ni Rionard at hindi hinagis kay Zafia.

Lumipas ang buong magdamag na walang Rionard ang dumating sa kwartong iyon, nangangalam na ang sikmura ni Zafia at ilang araw ng walang kinakain nang maayos. Nagmadaling bumaba si Zafia pumunta sa kusina at sinipat ang kanilang refrigerator ngunit panay tubig at alak lang ang naroon. Agad nitong binuksan ang isang lalagyanan ng mga delata at tarantang kinuha ang mga iyon. Hindi na nag-abalang lutuin pa iyon at nagmamadaling kainin, gutom na gutom at kailangan niyang mag-isip ng maayos kaya wala itong tinira sa lata.

Nang matapos ay kumuha ito ng matulis na bagay at umakyat ng kwarto, inayos ang sarili at pinilit na maligo. Naghilom na ang tahi sa kaniyang tiyan kung saan binawi ang kaniyang anak niya. Ngunit hindi pa rin maalis sa puso nito ang galit sa mga taong hindi siya tinulungan. Sa mga taong halos luhuran na niya at tiningnan lang siya. Mas lalong nadaragdagan ang poot sa kaniya.

Yakap lamang ang unan na dapat ay anak niya. Ang makapal na kumot na nakabalot sa kaniyang katawan at nanatili lang sa gilid ng kama. Pinipilit na matulog at kahit na naririnig ang iyak ng bata. Paanong umiiyak ang isang patay na. Hindi niya pinangarap magkaroon ng anak ngunit ngayon ay nangungulila siya.

Kinabukasan, paggising nito ay wala siyang nadatnang kahit na sino. Dahan-dahang na-upo sa kama at yakap pa rin ang sarili. Ang mahaba nitong buhok, mabilis na pagkapayat, ang balat nitong namumutla at iba't ibang marka ng mga sugat at pasa ay nagkalat doon. Malayong-malayo na siya sa nakaraang sarili niya kung saan kinakatakutan at kaiinisan siya ng ilan.

Marahil siguro ang mga nangyayari sa kaniya ay karma na at resulta ng padalos-dalos niyang desisyon noon. Pero hindi ba't masiyado naman atang malala? Nang dahil lang sa nangyari nang gabing iyon at pumirma sa kontrata ni Rionard ay nasira na nag buhay niya.

Kung sumama kaya siya sa kuya niya no'ng gabing iyon, mangyayari pa kaya ito? Kung hindi lang nataranta si Zafia sa mga nangyari at sa babaeng nakabulagta sa sahig na iyon, magagawa niya kayang mabasa ang kontrata at maaring hindi pumirma?

Kung nakilala na niya noon si Rionard na may dalawang taon nang patay bago niya pa makilala iyon... naghihirap pa kaya siya ngayon?

Sobrang daming tanong sa utak nito na sinira ang buo niyang pagkatao at dahilan para hindi na magtiwala pa. Ang mga taong inaasahan niyang iintindi at pakikinggan siya ay sila pang tumaboy sa kaniya.

Basement 02:00/17

Naalala na naman niya ang nagpakitang mga numero sa kaniya. Ang isang taong nagbigay ng papel sa kaniya sa pamamagitan ng bintana na naka-awang ang haligi nito. Kung kuya man niya iyon ay paanong nakapasok ito sa kinaroroonan niya samantalang puno ng armadong mga lalaki ang entrada ng bahay. Paano kung kagagawan lang ito ni Rionard? Nililinlang siya dahil isa nga siyang duwag.

"I-I don't want here anymore..." Walang tigil sa pagtulo ng luha si Zafia.

Wala na siyang lakas para humagulhol, pagod na pagod na ang mga mata niya at ang utak nitong halos hindi na rin gumana sa pagkatuliro.

Kahit na nahihirapan ay pinilit niyang ikilos ang sarili. Ang mga gamot na nakakalat sa sahig at hindi niya sinubukang inumin dahil iyon ang ibinigay sa kaniya ng asawa. Wala na siyang tinatanggap pa mula kay Rionard at sa taong narito. Ngunit ang papel na kaniyang natanggap ay kakaiba at tanging mga tao lang sa mansyon ang may alam na gano'ng klaseng pag-uusap.

Agad niyang kinuha ang isang bag na nasa ilalim ng kama at inalis ang mga nakalagay na gamit doon na hindi naman importante. Agad na kinuha ni Zafia ang mga gamit niya sa aparador. Ang mga papel na nahanap niya noon sa isang kwarto at ang mga mahahalagang papeles.

Alam niyang imposible ang gusto niyang mangyari, tinuruan siya kung paanong protektahan ang sarili na puwede niyang magamit sa ibang tao... Huwag lang kay Rionard dahil alam ng lahat na siya lang ang puwedeng masisi.

Nang makita niya ang isang maliit na punyal na itinago niya sa mga libro ay iyon lang ang hindi napansin ni Rionard. Iyon lang ang mayroon siya ngayon dahil ang lahat ng matulis na bagay ay nawala na. Nang mailagay na niya ang lahat ay muli niya itong itinago sa ilalim ng kama, tinitigang maiigi ang kalendaryo na nasa mesa nito at binilang ang natitirang araw.

Mayroon na lang siyang dalawang araw. Kung si Rionard man ang madatnan niya roon sa basement, wala na siyang magagawa kundi ang patayin ito at umamin sa kasalanang nagawa, tutal, kinuha naman na ang lahat sa kaniya.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now