Kabanata 45

23 2 0
                                    

"What will be his name?" tanong ni Zafia kay Von na nakayakap sa pitong buwan nitong tiyan na kanina pa pinapakiramdaman kung gagalaw ba ang anak o hindi.

"Vernon, simple but sounds good, and he will call by his younger siblings, Kuya Vernon, what do you think?" natatawang rekomenda ni Von sa asawa nito.

Matapos ang pagiging abala nila sa lahat ng bagay nitong nagdaang mga buwan ay sa wakas ay binigyan na nila ng oras ang kanilang sarili. Matapos ang simpleng kasal nila na ginanap sa hasyenda ng mga Ficarro. Tanging sila lang at kaunting mga kakilala ang imbitado ngunit masasabing masaya.

At dahil ganap na silang mag-asawa katulad nang gusto nila ay nananatili na ngayon si Zafia sa puder ni Von, sa tuwing wala si Von ay ang dalawang kasambahay nila ang kanilang inaasahan sa pagbabantay kay Zafia, lalo na't kailangang maging maingat sa muli nitong pagbubuntis dahil maselan pa, ngunit hindi naman halatang nahihirapan si Zafia dahil sanay na ito.

"Kuya Vernon?" natatawang pag-uulit nito kaya siya binalingan ng asawa.

"Yap! Sounds cool. Matutuwa siya kapag may kapatid, kung nandito lang si Genesis, siguro mararanasan niyang tawaging ate," ngiting sambit ni Von dahilan para mapangiti si Zafia.

Isa sa mga nagustuhan nito kay Von ay ang pagtanggap sa kaniya ng buong-buo. Na kahit sa kabila ng mga nangyari sa kaniya noon ay hindi iyon ang dahilan para magbago si Von o ang palitan siya. Tinanggap niya lahat pati ang pagkakaroon ng anak sa bumaboy dito.

"Hindi pa lumalabas ang panganay mo, iniisip mo na ang kapatid?"

"Why not?" pang-aasar ni Von dahilan para mahina siyang sambunutan nito.

Dahil maaga pa naman ay ugali na nila ang manatili sa kwarto at pag-usapan ay kung anong bagay na gusto nilang pag-usapan. Minsan ding itinanong ni Zafia ang tungkol sa nangyari sa kumpanya nang mawala siya, at ang nangyari kay Rionard.

Kasalukuyan ngayon nakakulong si Rionard dahil sa kasalanan nito at ang pagkakakulong niya ng habambuhay. Nagawang naipanalo ni Mildred ang kaso dahilan para mas lalong maging mapanatag ang ilan, hindi na nangialan pa ang pamilyang Arcus sa kaso dahil ang mas nagdiin dito ay ang pamilya ni Athena na isa sa mga biktima.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ay mabilis na tinapik ni Zafia ang pisngi ni Von, dahil sa may naalala na naman ito.

"Why hon?" Napatitig pa si Von sa asawa nitong gusot na gusot ang noo.

"Is kuya and Veron has a relationship?" pagtataka nito at inaabangan lang ang magiging sagot ng asawa.

Literal na nangunot si Von at umayos pa ng pagkakaupo, pumantay ito sa pag-upo sa asawa ngunit himas-himas pa rin ang tiyan ng asawa.

"I don't know, it's not my business though—"

"Ask him! Ask kuya or Veron," iritang utos ni Zafia kay Von na hindi pa rin umiimik.

"Why?" natatawang anas ni Von. "Pumupunta si Veron sa opisina, but it doesn't mean they have a connection."

"Ask them, okay? I want Veron for my kuya, only her even she's so desperate," bulong ni Zafia saka humiwalay sa asawa.

Nailing na lang si Von dahil sa kilos ng asawa nito na dapat sana'y sanay na siya sa gano'ng gawain, gustuhin man din niyang matulog dahil halos wala na siyang tulog buong araw dahil sa pag-aalaga kay Zafia, ang madalas na pagiging mainitin ang ulo, sa buong pagbubuntis ni Zafia ay halos magbago ang nakasanayan ni Von, mas lalong tumaas ang respeto nito na halos hindi na makapagsalita kapag nag-iingay na ang asawa.

Habang nasa banyo ni Zafia ay naglinis na ng kwarto si Von, inayos ang mga dapat na ayusin at pinaghandaan ng damit ang asawa. Nang makalabas si Zafia ay tiningnan lang siya nito kaya mas lalo pa siyang natakot, hindi nito alam ang gagawin sa tuwing tahimik si Zafia dahil may kapalit iyon.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now