Kabanata 15

25 4 0
                                    

"Zafia, we're here, wake up," bulong ni Rionard sa dalagang tulog na tulog na nakasiksik sa bintana ng kotse nito.

Maka-ilang beses nang ginising at tinapik nang mahina ang dalaga ngunit hindi pa rin ito gumagalaw, hinawakan naman nito ang pulso ay tumitibok pa naman. Baka dahil ito sa sobrang pagod at halos hindi makatulog sa dami ng mga nangyari.

Dahil ayaw na niya pang magising si Zafia at siya na ang kusang nagbuhat nito, sa laki ng kaniyang katawan ay wala na lang sa kaniya ang timbang ng dalaga. Sinikap niyang hindi magising si Zafia at pumasok sa bahay nitong pagkalaki-laki, mahahalatang bago dahil lagi itong nililinisan kahit wala namang dumi.

Bumungad agad ang mga katulong doon na bahagyang yumuko sa kanilang amo na dire-diretso lang sa paglalakad hanggang sa makarating ito sa itaas, sa mga kwartong wala pang nakakagamit. Dahan-dahan niyang inilapag ang dalaga sa malambot na kama. Ngunit ang dapat na pag-alis niya para makuha ang gamit sa kotse ay natigil nang mapansin niya ang katawan ng dalaga, ang perpektong hubog ng katawan nito na isa sa mga dahilan kung bakit halos baliw na baliw ito sa babae. Ngunit kinuha niya agad ang first aid kit nito at saka naupo sa paanan ni Zafia.

Kanina pa niya tinititigan ang paa ng dalagang natuyo na ang dugo roon, maingat na inalis ang nangingintab na sandals nito at saka sinimulang linisin ang paa.

"Sinasaktan mo lang ang sarili mo, mahal ko," naiiling na sabi ni Rionard saka muling kinumutan ang dalaga.

Napatitig ito kay Zafia na halos wala yatang balak na gumalaw. Ilang minuto rin siyang nakatitig sa dalaga, inisip ang mga nangyaring nagpahirap kay Zafia na imbes kaawaan ni Rionard ay mas lalo pa siyang natuwa. Sa wakas, nasa kaniya na ang totoong kailangan niya.

Lumabas ito ng kwarto at saka sinigiradong hindi iyon mabubusksan ng dalaga at saka nagdire-diretso sa pagbaba.

"Ready the dinner for my wife. I'll be back in hour. If you hear anything, just ignore." Nilagpasan nito ang apat na katulong tikom agad ang bibig, na ginawa agad ang pinapagawa sa kanila.

Halos isang oras din ang inabot ni Rionard matapos bumili ng mga kakailanganin ni Zafia, kinuha rin nito ang ilan sa mahahalagang dokumento at tinapos na ang usapan sa isang abogadong matagal na niyang kausap.

Bumalik ito sa bahay nito at naabutang nakahanda na ang pagkain. Ngunit mas pinili niyang umakyat sa taas. Unti-unting lumawak ang ngiti ni Rionard nang marinig niya ang pagsigaw ni Zafia at ang paghagis ng kung ano sa pinto.

"Mahal ko," usal ni Rionard nang buksan nito ang pinto.

Tumambad sa kaniya ang dalagang mariing nakatingin sa kaniya, dahan-dahang binitawan nito ang kaniyang dala at saka akmang lalapit nang sugurin siya ni Zafia at paulanan ng malalakas na suntok sa dibdib.

"What the fvck are you doing?! Anong ginawa ko sa 'yo para umabot sa ganito?! Tahimik lang ang buhay ko noon! Bakit kailangan mong gawin sa akin 'to? Huh? Bakit?!" sigaw ng dalagang halos mapaos na.

Literal na wala siyang malibas na boses dahil sa kasasalita at pagsigaw sa binata. Ni hindi nagawang gumalaw ni Rionard at hinayaan lang ang dalagang sapakin ang dibdib nito hanggang si Zafia na ang sumuko. Walang emosyong nakatingin lang si Rionard kay Zafia na pagod na pagod nang umiyak. Napapagod na.

"What do you want Zafia?" mahinang tanong ni Rionard na dahan-dahang bumababa ang tingin dahil sa pag-upo ni Zafia sa kama.

Umiling ang dalaga. Nakatingin ito sa sahig habang kuyom ang mga kamay. "Ibalik mo na sa kanila ang lahat, ayoko na nito Rionard, isumbong mo ako sa pulis, sasabihin kong napatay ko si Athena, ibalik mo lang ang lahat sa kanila," bulong ni Zafia ngunit nanginginig ang boses nito dahilan para mapakunot si Rionard.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now