Kabanata 46

22 2 0
                                    

Dahil sa nangyari ay wala sa planong napapunta sila sa mansyon. Dahil hindi na rin mapakali si Zafia at ayaw naman ni Von na may mangyaring masama na naman na maapektuhan ang anak niya ay hindi na ito nagdalawang-isip na pumunta roon. Tahimik lang ang dalawa, habang si Zafia ay nakatingin lang sa malayo, hinihimas ang tiyan na hindi alintana kung kumikirot na.

"S-Si Mildred-"

"Papunta na siya hon, just calm done here. Malapit na tayo okay?" mahinahong pagpapakalma nito kay Zafia na hindi man lang sumagot.

Kahit si Von ay kampanteng nasa kulungan si Lizandro dahil wala naman siyang nakita, at alam nitong epekto lang iyon ng trauma ni Zafia kaya mas pinili siyang maging kalmado. Nang makarating sila sa mansyon ay unang bumungad doon ang nanay ni Zafia na kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito, nang mahawakan niya agad ang kamay ni Zafia ay agad niya itong hinilot upang kumalma.

"Stay here, please? Just stay here for a while," bulong ni Nieva sa anak na hindi pa rin nagsasalita. "You're bearing your child, just calm okay? Forget what happened, we're here don't worry."

Tumango lang si Zafia sa mga sinasabi ng kaniyang ina. Hindi na masyadong nagsalita pa si Zafia at naupo lang sa kama, sa isang kwarto kung saan siya madalas matulog no'ng bata pa. Nakatingin lang siya sa larawan niya na buhat-buhat ng kaniyang nanay. Gusto niya ring maranasan iyon sa anak nila Von kaya hangga't maaari at iniiwasan niyang makaramdam ng hindi kaaya-aya. Lalo na't maselan siya.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at bumungad doon si Von at si Mildred na halatang kalmado lang din, nauna nitong tiningnan ang tiyan at maingat na ngumiti.

"Care to share what happened earlier?"

"Mildred, stop," bulong ni Von at napahilamos ng mukha.

Kunot-noong napalingon sa kaniya si Mildred na tinaasan siya ng kilay. Naiintindihan naman ni Mildred ang sitwasyon ng mag-asawa at alam nito ang kalagayan ni Zafia. Muling lumingon si Mildred kay Zafia na nakatingin lang sa kaniya at agad na nag-iwas ng tingin.

"Nakita ko siya kanina, nakasuot siya ng polo, n-nakangiti sa akin, pati sa baby ko," mahinang tugon ni Zafia na ikinatango ni Mildred.

Kalmado lang si Mildred na pinapanood si Zafia'ng kumilos at magsalita, kahit papaano ay hindi ito katulad ng dati na halos hindi makapagsalita o makatingin sa kaniya, hindi na ito ang sobrang nanginginig ng larawan dahil kaya na niyang kontrolin ito kahit papaano.

Inilabas ni Zafia ang laptop nito at pinakita ang kulungan ni Lizandro kung nasaan siya, natutulog ito at literal na naroon lang sa loob ng preso. "He's sleeping. Nandiyan lang siya sa loob. Hindi polo ang suot niya. Malinis din ang loob ng preso kaya walang dahilan para makalabas siya," pagpapaliwanag ni Mildred at nagawang ipatingin iyon kay Zafia.

Lahat silang tatlo ay nanahimik, tinitingnan ang kilos ni Lizandro at panay ang pagkurot sa daliri nito.

"Any concern?" tanong ni Mildred saka tumayo.

"N-None. I'm fine."

"You must. Kung hindi ka pa rin panatag puwede mong puntahan doon but If I were you, stay here. Mas ligtas ka rito, mas marmaing tao at secured. Hayaan mo muna ang asawa mo ang lumabas-labas, iwasan ang stress at kung ano pa. Just a little bit, Zaf, lalabas na ang baby mo," ngiting pagpapakalma ni Mildred saka kinuha ang laptop at inayos na.

"Another one Von Alejandro, take care of her, hangga't maaari kung kayang gawin ang trabaho rito kasama siya gawin mo. Be mindful sa mga taong nakakausap mo particularly to those client that you will meet. I have to go."

Naiwan na lang silang dalawa sa kwarto at agad na tinabihan ni Von ang asawa. Ngumiti lang si Zafia rito at saka tumayo.

"I'm sorry," bulong ni Zafia.

Umiling lang si Von at saka ngumiti. "It's fine. Kapag may problema sabihan mo ako agad."

"And don't listen to her, you can do your job at your office, I'm safe here. Nandito naman sila mommy," sabi pa nito na tinawanan lang ni Von at hinalikan ang noo ng asawa.

"Noted."

Lumipas ang buong maghapon na nanatili lang si Zafia sa loob ng kwarto, kagaya ng dati ay ugali na niyang magbasa-basa ng libro at kahit pa nabasa na niya noon ay inuulit niya pa rin. Mas lalo itong tinamad at walang ibang ginawa kundi ang makinig ng kanta, at kapag nagsawa ay kakain ng pagkain at matutulog.

Nang gabing din iyon ay abala si Zafia sa pag-aayos ng kaniyang sarili dahil na rin sa pananawa sa loob ng kaniyang kwarto, ngunit bago pa man niya masuklayan ang kaniyang sarili ay agad na bumukas ang pinto ng kwarto dahilan para kumalabog ang puso nito.

"Sabi ko kumatok ka muna!"

"Excuse me?! Ikaw ang nasa harap ng pinto, duh!"

Halos mapapikit na lang si Zafia dahil sa kilos nila Lana at Veron na isinara ang pinto na para bang walang nangyari. Agad na pumunta sila sa kama at saka ngiting-ngiti na tinitigan ang tiyan ni Zafia.

"You almost killed me!" sigaw ni Zafia dahilan para tumaas ang kilay ni Veron.

"Ayang bayaw mo ang anuhin mo. Anyway! Kumusta ka na? True ba na rito ka na muna hanggang sa manganak ka?" ngiting tanong ni Veron habang pinagmamasdan ang mukha ni Zafia na diretso ang tingin sa salamin.

"Yes. Malapit ka rin naman. Ayoko rin naman kayong kasama," sagot nito na ikinatawa ni Lana.

"Excuse me lang, hindi mo puwedeng ilayo sa akin ang pamangkin ko."

"Puwede kong ilayo sa 'yo, hindi sa kuya mo," depensa ni Zafia na mas lalong ikinatawa ni Lana.

Kahit papaano ay naibsan ang pag-iisa ni Zafia dahil sa dalawa niyang kababata na kung ano-ano ang pinag-uusapan. Titig na titig lang si Zafia sa dalawa lalo na kay Veron na panay ang pang-aasar sa katawan niya na kesyo mataba na ito at si Lana na panay ang pagtanggol.

"Ano ulit pangalan ng baby mo?" tanong ni Veron dito at saka hinawakan ang tiyan ni Zafia.

"Vernon," tipid nitong sagot na ikinangiti nilang tatlo.

"Sana hindi mo kamukha, kaumay mukha mo- aray ko!" Literal na sinabunutan ni Zafia ang buhok ni Veron dahil sa pang-aasar nito.

"Wala kang pakialam kung kamukha ko o hindi, kung gusto mo ng anak, gumawa kayo ni kuya," sabi ni Zafia.

Ngunit dahil alam ng lahat kung gaano kapatay na patay si Veron sa kuya nito ay agad itong nanahimik at inayusan ang sarili gamit ang mga kagamitan ni Zafia.

"Magiging bayaw din kita soon, Zafia, chill lang. Ginagawa ko naman ang best ko para mabuntis ako ng kuya mo, so don't be excited. Anyway, looking forward sa baby Vernon mo. Sayang talaga 'yong panganay mo, kahit naman na tatay no'n ang demonyo, welcome pa rin siya sa amin," ngiting sabi ni Veron at tumayo na.

Tinanguan naman siya ng kapatid ng asawa ni Zafia bilang pagsang-ayon. "She's right. Walang kasalanan si Genesis, but be happy! At least hindi siya magsa-suffer. Ipapanganak pa naman siya, pero sa ibang panahon at deserve niyang pamilya, so smiles!"

Hindi na napigilan ni Zafia ang mapangiti. Kahit papaano, kahit na iritado siya sa mga kababata niyang babae ay inaamin niyang sila ang nagpapagaan ng lahat. At sa sinabi ni Lana ay may punto ito, na baka hindi lang iyon ang tamang oras ng anak ni Zafia, baka hinanda lang siya bilang isang ina.

Ruinous Deal | CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora