Kabanata 53

19 2 0
                                    

"Yehey! You excited?" ngiting tanong ni Zafia nang makapasok sila sa loob ng kotse.

Napatawa pa silang dalawa dahil sa madalas na pagsayaw ni Vernon, may kalakihan na rin ito dahil ilang buwan na rin siya at mas lalong nakikita ang pagkahawig kay Zafia maliban sa mata nitong kuha kay Von. Inalalayan ni Zafia ang anak nito dahil sa sobrnag kulit at panay ang pagtayo sa hita nito.

"Traffic pa naman," bulong ni Von at napahinga nang malalim saka tiningnan ang anak na nakangiti sa kaniya. "Don't want to cry?" nakangiting tanong nito na sinimangutan ni Zafia.

"Kapag umiyak ito, ako ang magmamaneho," sabi ni Zafia saka pinilit na paupuin si Vernon sa kaniyang hita.

Sobrang kampante ni Von na sa kaniya magmamana ang ugali ng kaniyang anak, kaya nga hangga't maaari ay sinasama niya si Vernon sa lahat ng bagay at iniwan si Zafia sa loob ng bahay nila para asikasuhin ang ilang gawain.

Dahil araw ngayon ng check-up ni Vernon ay lumiban muna sa trabaho si Von. Kaya naman ni Zafia mag-isang pumunta ngunit mapilit ang asawa.

"Are they fine?" tanong ni Zafia sa kalagitnaan ng pagmamaneho ni Von.

Nangunot ang asawa at panandaliang tumingin sa kaniya. Paniguradong tungkol na naman iyon doon dahil kasama ang kapatid nito sa pinaghihinalaan kung may alam ba s amga nangyari.

"What do you mean?" tanong ni Von.

"Your sister, Veron and kuya, why are they acted like that at the airport last three months?" kuryusidad nito saka hinalikan ang pisngi ni Vernon.

"I don't know. Wala namang sinasabi si Lana—"

"But my kuya, I guess something wrong happens. Sabi nila noon hindi sila pupunta sa Spain but then umalis sila. Tapos si kuya, ina na ang kilos niya, tulala siya lagi," mahinang saad ni Zafia na hindi pinansin ni Von.

Alam ni Von ang nangyari, ang dahilan kung bakit halos lahat ngayon sa mansyon ay nagkakagulo, ang ilan ay piniling umalis na muna dahil na rin sa mga problema roon na kailangang lutasin. Alam ni Von ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang kuya ni Zafia ngunit dahil kaibigan niya iyon, nangako itong walang pagsasabihan.

"Gano'n lang siguro ang kuya m—"

"He cries in front of Veron in airport, he's not like that Von. May mali. May relasyon ba sila?"

"I'm not in their position to answer that, honey. We're here," seryosong sabi nito saka inalalayan ang mag-ina.

Hindi na muli nagtanong si Zafia tungkol doon, nagdesisyon na lang itong intindihin ang anak ngunit hindi ibig sabihin ay kalimutan ang mga nangyari sa nakalipas na tatlong buwan mula nang umalis ang kapatid ni Von at ang kababata nilang si Veron, dahilan para mag-iba ang kuya ni Zafia.

May mali na hindi niya lang pinapansin.

Naging mabilis lang ang pag-uusap nila sa doktor kaya naka-uwi rin sila ng maaga. Imbes dumiretso sa mansyon ay tumuloy na sila sa bahay ni Von, ilang buwan na rin silang nanatili roon dahil tuluyan nang gumaling si Zafia, may kasambahay rin naman para hindi masyadong maburyo ang mag-ina sa loob ng bahay.

Kaunting pahinga lang ang nangyari at saka pinaubaya ni Zafia ang bata sa asawa. Siya na ang nagluto kasama ang matandang kasambahay, habang nagluluto pa ang mga ito ay rinig na rinig nila ang pagtawa ng bata at ang maingay na hampas ng tubig.

"Nang? Pakisilip naman kung anong ginagawa nila sa pool," utos ni Zafia.

Dahil patapos na rin naman siya ay hinanda na niya ang pagsasalinan para makakain na rin sila. Ipinagtabi na rin niya ang kasambahay, hindi rin naman iyon bago sa kanila dahil kamag-anak sila ng mga tauhan ni Nieva sa kumpaniya.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now