Kabanata 16

20 3 0
                                    

Isang matamis na paghalik ang ibinigay ni Rionard, kay Zafia sa loob ng maluwag na opisina kung saan saksi ang pari at ang sekretarya ni Rionard sa kasalanang naganap. Sapat na ang apat na ang dalawang saksi bilang katunayan na may naganap ngang kasal. Mayroon namang papeles, kaya paniguradong detalyado ang lahat.

"Congratulations Mr and Mrs Pramoso," bati ng pari sa kanila na kanilang kinamayan naman.

"I owe you, Father. Steve? Please assist him," utos ni Rionard sa sekretarya nito at saka bahagyang yumuko.

Tanging ngiti lang ang isinukli ni Zafia sa pari bago nila narinig ang pagsara ng pinto, dahilan para sila na lang ang maiwan sa loob ng opisina. Tila parang naghihingalo si Zafia habang tinititigan ang lalaking kaharap niya.

Ang kaniyang asawa.

Hindi ito ang pinangarap niya noon at isang lalaki lang ang madalas niyang naiisip sa tuwing tinatanong siya ng mga kapatid niyang lalaki kung sino nga ba ang tipo nito. Ngunit anong magagawa niya? Pinagsamatalahan niya ang lalaking iyon gamit ang nararamdman sa kaniya ng binata na ngayon ay tinaboy rin siya.

Pero ito na ang bago niyang buhay, ang bagong pangalan at ang bagong siya.

Zafia Pramoso–Arcus.

Hindi mai-alis ni Rionard ang tingin sa dalaga dahil sa kakaiba nitong itsura, sa loob lang ng sandaling panahon ay nagbago ang lahat. Ang mahaba nitong buhok noon ay hanggang balikat na lang niya ngayon, wala masyadong alahas sa katawan maliban na lang sa singsing na nakakasilaw tingnan. Ang kulay puting suot nitong hapit na hapit sa kaniyang katawan dahilan para makita ang hubog ng kaniyang katawan. Ano pa ba ang maihihiling ni Rionard, ngayong nakuha na niya ang babaeng gusto niya?

"So beautiful," mapang-akit na bulong ni Rionard sa dalagang napapalunok na lang dahil sa binata.

"T-Thank you," nauutal na sabi nito habang titig na titig kay Rionard.

Kahit na ituring na demonyo ni Zafia si Rionard at hindi naman niya puwedeng lokohin ang mga mata nito na pinagpala rin kahit papaano si Rionard, moreno ang balat at may katangkaran. May kung anong lahing Brazilian. Suot ang puting polo nito na mas lalo pang nagpaganda dahil sa katawan nitong mukhang inaalagaan nang maayos.

"Anyway, pupuntahan pa pala natin ang parents mo, dahil sa papeles. Makikipag-usap ka ba sa kanila? Kung gusto mo, ayos lang sa akin." Mabilis na pinatalikod ni Rionard si Zafia upang mayakap niya ito mula sa likuran. Nakasubsob na ngayon ang mukha nito sa leeg ng dalaga.

"They're still your parents, but it can't change the fact that they were pushed you away from them," dagdag pa nito.

Naitikom na lang ni Zafia ang kaniyang bibig at dahan-dahang umiling. "No, I don't want. You can talk to them or just give those documents and... and we can leave, no more discussion," malamig na sabi ni Zafia na tinanguan ni Rionard.

"Noted, wife."

Tanging halik lang sa pisngi ang ginawa ni Rionard, at nginitian lang siya ni Zafia. Si Rionard na ang bagong buhay at pamilya niya kaya wala na siyang dapat na ika-arte, kung pipilitin niyang maging makasarili, at patuloy na pairalin ang pride nito ay walang mangyayari sa kaniya.

Kagaya ng kanilang napag-usapan ay makikipagkita sila sa mag-asawang Arcus, o kahit si Rionard na lang dahil sa tuwing naaalala lang niya ang ginawa ng kaniyang magulang sa kaniya ay mas lalo lang nasisira ang pagkatao nito. Ang lahat ng kanilang madaanan ay nagsusiyukuan sa kanila, kung ituring ay parang Hari at Reyna, bahagyang ngumiti si Zafia, kapansin-pansin iyon dahil noon naman ay nagmamaldita ito sa mga empleyado niya.

"If you're not comfortable in holding hands, just tell me."

"No it's okay. This is better thou," malambing na saad ni Zafia na halos magpangiti kay Rionard.

Ngiting puro na walang halong kasamaan o ano.

Magkahawak lang ang kanilang kamay hanggang sa makarating sila sa sasakyan. Hanggang doon na lang ang pagsunod sa kanila ng sekretarya nito dahil nasa isang sasakyan ito. Napag-usapan nila na si Steve na lang ang magpapakita sa magulang ni Zafia, at aalis lang kapag naayos na ang lahat.

"We're leaving after this, are you sure you don't want to talk your parents? I can give you a time, Zafia. But make sure that you will come with me after that—"

"I'm fine, Rionard. Just give it and leave. Magiging maayos naman ang buhay ko sa 'yo, 'di ba?" malumanay na tanong ni Zafia sa lalaking sandaling tumingin sa kaniya.

"Of course, coz I love you. I'll give whatever you want just to see you smile. Pero tanga lang ang piliin mo ang pamilya mo na itinakwil ka. Hope you know that, wife," ngising sabi ni Rionard na hindi na lang pinansin ni Zafia.

Gabi pa lang ay inasikaso na ni Rionard ang lahat. Kinausap ang sekretarya ni Zafia noon na naninilbihan kay Nieva na mabilis na pumayag sa pakikipagkita upang ibigay ang pag-aaring sa kanila naman talaga. Hindi na lang sinabi iyon ni Rionard, dahil alam niyang pagod na ang dalaga, at gusto na lang niyang matapos ang lahat at ilayo si Zafia sa mga magulang nito.

Tutal, si Zafia lang ang makakaligtas sa kaniya. Habang sa pagkakaalam ni Zafia ay si Rionard ang tanging taong tutulong sa kaniya.

Sa paghinto ng kotse ni Rionard, ay tanda na ito na naroon na sila sa lugar kung saan muli na naman niyang makikita ang kaniyang magulang. Hindi na nitong maiwasang lumingon nang bumaba na sa kotse si Steve dala ang envelope na naglalaman ng kanilang kailangan. Paulit-ulit na kinukurot ni Zafia ang kaniyang mga daliri na hindi rin nagtagal dahil hinaplos iyon ni Rionard. Ngumiti lang ang binata na sensyales na magiging maayos din ang lahat.

Walang ekspresyon ang mukha ng dalaga nang makita niya ang kaniyang magulang na balisang tumitingin sa kung saan. Lalo na nang makalapit si Steve sa mesang iyon. Inilahad ni Zack ang kamay nito dahilan para maupo si Steve sa tapat nila.

Nagkaroon ng kaunting diskusyon ang tatlo at habang tumatagal ay naninigkit ang mga mata ni Zafia na para bang pinipilit na pakinggan ang usapan kahit na sobrang imposible niyang marinig iyon. Nasa kotse lamang sila si Rionard, habang ang tatlo ay nasa loob ng restaurant.

"What they are talking about?" bulong ni Zafia.

Nagkibit-balikat naman si Rionard at saka lumingon sa dalaga. "I thought, your weren't interested?" natatawang usal ni Rionard dito.

"I'm just curious. Daddy looks mad," bulong na naman ni Zafia at saka nagpasiyang sumandal sa likuran nito.

Nakayuko lamang si Steve habang may sinasabi ang tatay ni Zafia, habang si Nieva naman ay masama ang titig sa sekretarya ni Rionard. Nang mapagtanto na ni Steve na lampas kinse minuto na sila roon ay nagpasiya na itong umalis dahil dali-dali itong lumabas at sumakay sa kotse.

Ngunit natauhan na lang din si Zafia nang umandar na ang sasakyan at taliwas iyon sa daan na dinaanan ni Steve. Alam nilang susundan nila Zack si Steve upang malaman kung nasaan ang kanilang anak. Ngunit sadyang mautak si Rionard na nauna nang iniliko ang daan patungo sa airport kung saan ang kanilang huling destinasyon.

Hindi niya maiwasang maisip ang itsura ni Zack, ang mahal nitong ama. Hindi naman niya sinisisi ang tatay niya dahil hindi niya naipaliwanag ang lahat. Ngunit sa kaniyang ina, na kinaladkad siya palabas ng mansyon na iyon habang si Lucas na pinipigilan siya ay piangbantaan din ni Nieva.

Pakiramdam nila ay nasa malayo agad sila. Halos hapon na kaya mas lalong dumarami ang mga tao sa kalsada at parang baliw na lumilingon sa kung saan si Zafia na baka may makakita sa kaniya. Habang si Rionard at kampante lang sa pagmamaneho at maya't maya na tinitingnan ang dalaga.

"Here." Inabot agad ni Rionard ang malinis na tela sa dalagang hindi na namalayan na lumuha na pala.

Walang pagdadalawang-isip na kinuha iyon at pinunasan agad ang kaniyang luha at pakalmahin ang sarili. Mababaliw lang siya kapah nandito siya sa lugar kung saan puwede siyang mahanap ng kaniyang mga magulang. At isa pa, ano pa bang mukhang ihaharap niya? Walang-wala na ito. Ubos na ubos na siya.

"You will be fine, wife. Trust me. Just stay with me, and I'll give the best life that you deserve. Just trust me."

Ruinous Deal | CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz