Kabanata 2

84 7 0
                                    


Hindi na makatiis si Zafia sa kaniyang kinauupuan, kaya nagpasiya itong umuwi nalang. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang mga nangyari kanina, alam niyang hindi siya tatantanan ng lalaking iyon at ilang linggo na rin siyang hindi pinapatulog dahil sa papeles na kaniyang pinirmahan.

Bakit nga ba hindi? Kung iyon lang naman ang magliligtas sa kaniya, ni hindi siya puwedeng humingi ng tulong sa pamilya niya dahil ayaw niyang mas lalong mamroblema ang magulang nito.

Ngunit imbes na sa sariling bahay umuwi, dumiretso ito sa mansyon kung nasaan ang magulang niya. Gusto naman ni Zafia na makita nag magulang nito kahit papaano para maibsan ang mga naiisip niyang kung ano-ano. Unang bumungad sa kaniya si Lana na seryosong-seryoso sa pagguhit ng disenyo ng damit.

Nangunot naman ang noo ni Zafia, dahil sa laki ng mansyon ay gumagawa ang kababata nito sa mismong pintuan.

"Excuse me? What are you doing here?" maarteng tanong nito na ikinaangat ng tingin ni Lana saka umusog para naman makaraan si Zafia.

"Maingay sa loob dahil maraming shokoy. Can't you see?" Pantuturo nito sa likuran ni Zafia kung saan naroon ang hindi mabilang na kotse.

Paniguradong nasa loob nga ang mga kababata nito dahil naririnig na ni Zafia ang ingay at napailing naman si Lana na pinagpatuloy ang ginagawa.

"Then go to library. Wala rin naman sigurong abala roon, Lana. There's a lot of mosquitoes here that might bite you."

"Wow? Concern ka today?"

"Whatever!" Blangko ang mga mata nitong nilampasan ng tingin si Lana, at saka nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Mayroon lamang siyang dalawang araw upang magpahinga, maraming kliyente ang gustong makipagsosyo sa kumpanya nila't lalo na sa mga ibang karatig bansa sa Europa. Tila para siyang robot, walang kapaguran at sa anumang oras ay puwedeng sumabog.

"Zafia? You're here," boses ng ama nitong kababa lang at sinalubong ang unica ija ng halik sa noo.

"I missed you," tanging usal ni Zafia saka sumubsob sa dibdib ng ama. "Where's mom?"

"Salas. Have you eaten? Tapos na ang mga meeting?"

Hindi na iyon sinagot ni Zafia at nginitian na lang ang ama. Hindi naman niya alam kung anong isasagot niya sa kaniya ama na halos lubos na nag-aalala at nakipagtalo pa sa asawa kung ipapaubaya ba kay Zafia ang puwestong iyon, na dapat na si Lucas ang gumagawa.

Ngunit dahil mataas ang tingin ni Nieva sa kaniyang mga anak, hindi siya nagdalawang-isip na ibigay iyon sa dalaga. Pinanindigan niya ang paniniwala niya na ang lahat ng babaeng Acuin, ay kailangang may mataas na katungkulan sa kahit na anong larangan. Hindi papayag si Nieva na magpahuli ang ka-isa-isa niyang anak na babae.

"Sorry dad, but I want to sleep." Huniwalay ito sa kay Zack na kunot-noong pinagmamasdan ang anak.

Sanay naman si Zack sa gano'ng pustura ng anak— blangko ang mga mata, madalas na tikom, ngunit ang oras na makita niya ang anak niya ay parang may kakaiba. Ni hindi na lang siya magawanv magtanong kay Zafia, dahil halata ang pagod dito.

"Okay. I'll wake you up before dinner."

Kinabukasan sinadya nitong maagang gumising para naman maayos pa ang sarili. Hindi naman niya gustong pumunta sa hotel na iyon para makipagkita sa babaeng halos patayin niya na sa kaniyang isipan. Masiyado pang maaga kaya nagsuot na lang siya ng simpleng damit, lumabas agad ito ng kwarto upang makapag-almusal dahil hindi niya gugustuhing kumain sa harap mismo ni Olivia na halos itarak na ni Zafia ang tinidor sa babaeng iyon no'ng huli silang kumain dahil sa pinag-usapan nila.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now