Kabanata 10

32 2 0
                                    

Panay ang pagbibigay puri ng ilang mga tao sa mansyon kay Zafia na pormal na nakaayos, halos ang mga Arcus at Fornacier ay nakabihis din, maliban kay Lucas na panay ang pang-aasar sa kaniyang kapatid. Ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil nagpaalam na ang mga ito na mauuna na dahil marami pa silang kailangang mabati at kailangan ang kanilang presensya roon.

Muli na namang naurong ang dapat na pag-alis nila Zafia at Von dahil sa mga nangyayari, para bang pinagkaitan na si Zafia ng pagkakaroon ng pahinga. Binagsakan din siya ng ilang mga trabaho at negosyanteng kailangang kausapin, sa awa ng diyos ay hindi naman nagpakita o nanggulo si Rionard kaya kahit papaano ay guminhawa na ang lagay ng utak nito. Naging maayos din naman sila Von kahit na nakakahalata na ang Kuya Lucas nito sa mga kilos nila. Mabuti na lang ay hindi pa nagtatanong si Lucas dahil hindi alam ni Zafia kung itatanggi ba niya o hindi.

Nang makarating sa mismong venue ay sinalubong agad ni Zaffiro ang pamilya nito, inalalayan agad ang kapatid na si Zafia habang si Zack ay sa asawa nitong si Nieva. Ang lahat ay nakasuot ng itim na damit dahil sa nakasanayang tradisyon ng mga negosyante at ng namununo rito. Bumungad agad sa kanila ang maaliwalaa na lugar, maraming mga pa-ilaw at ang mga mamahaling babasagin na gamit at mga tela ay naroon din. Diretsong naglakad ang pamilyang Arcus sa pulang carpet na hindi makayanang tingnan iyon dahil naaalala niya ang babaeng nakaratay sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Ang mga dugong iyon.

"Namumutla ka," bulong ni Zaffiro sa kapatid nitong bumaling agad.

"Ha?"

"Namumutla ka," pag-uulit nito kaya hinahawakan agad ni Zafia ang pisngi nito saka umiling.

"Because of make up, I guess. Hmm, hindi naman tayo magtatagal dito, diba?" tanong ni Zafia.

"I don't know, why? Naiinip ka agad? Darating naman si Von, so stay here- what?" Panlalaki nito ng mata dahil sa pangungurot niya sa braso nito.

Nasa likuran lang kasi sila ng mga magulang nila at alam ni Zafia na matalas ang pandinig ng mga ito. Inginuso ni Zafia ang mga magulang niya na nakuha naman agad ni Zaffiro ang ibig sabihin ng kapatid. Nailing na lang si Zaffiro at hindi na muling nagsalita.

Alam naman ni Zaffiro ang tungkol doon, ngunit hindi niya ugaling mangi-alam kung alam naman niyang nasa mabuting kamay ang kapatid niya. Mapagkakatiwalaan si Von, lumaki sa maayos na pamilya... kaya walang dahilan para sumalungat si Zaffiro sa relasyon ng dalawa kung meron man.

"Dating?" tanong ulit ni Zaffiro na hindi pinansin ni Zafia. "Basta nalang kayo nagmahalan—"

"No! Okay? He always kissed my forehead and says I love you Zafia or honey or so whatever," sagot ni Zafia.

Bahagyang nanliit ang mata ni Zaffiro sa kapatid na halos hindi tumitingin sa mga tao. Hindi makapaniwala ang kuya nito sa sinabi ng kapatid.

"Alam na ng kuya mo?" pagtutukoy nito sa isang kapatid nilang si Lucas.

"I guess," simpleng saad niya na agad na ngumiti dahil sa paghinto ng mga magulang nila sa kanilang harapan at sandaling pagtitig.

"Nag-aaway ba kayo?" seryosong tanong ni Nieva sa mga anak.

"N-No we're not," agad na sagot ni Zafia na tinawanan ni Zaffiro nang mahina.

Nahinto sila sa mga grupo ng mga matatandang negosyante, panay naman ang tingin ng mga kalalakihan kay Zafia na nagbibigay puri din naman, habang si Nieva at hindi maalis ang ngiti habang ipinagmamalaki ang kaniyang unica ija.

"I'm looking forward to working with you, Arcus. For now I'll just bow with you," natatawang sambit ng isang matandang lalaki. "Zafia is too young with this field but good thing that she's capable to handle that," ngiting dugtong niya na ngayon ay nakatingin na sa dalaga.

Pinilit na ngumiti ni Zafia, ngunit walang tigil ang pangungurot niya sa kaniyang daliri. Gusto na lang niyang umuwi dahil panay kasinungalingan lang naman ang sa tingin ni Zafia ang mga sinasabi nila. Ilang minuto rin silang nakatayo saka nagpasiyang maupo. Nagsimula na ang lahat, halos si Zafia ay wala namang maintindihan kaya nilaro-laro na lang nito ang hawak niyang baso na may kaunti ng laman.

Halos dalawang oras din siyang nakaupo. Panay lang ang buntonghininga niya dahil sa sobrang pagkaburyo. Kagaya niya, peke ang tingin nito sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Ngunit sandali itong natigil nang may lumapit sa kanilang isang pamilyar na lalaki na titig na titig sa kaniya.

"Oh! Where's your paren—"

"Sa harapan tayo, bakit kayo nandito?" natatawang anas ni Cecil na kadikit ang asawang si Ponce.

"Excuse me? We didn't even see you before." Tumayo si Nieva na inalalayan ng asawa nito.

Dahil may pupuntahan ang mag-asawang Arcus at Fornacier ay naiwan ang tatlo sa isang mesa. Prenteng nakaupo si Zaffiro habang tinititigan ang binatang naupo sa tabi ni Zafia. Ang dalaga naman ay titig na titig sa dalawang lalaking limang taon ang tanda sa kaniya.

"I want to talk your sister," ngiting sabi ni Von na magkadikit ang mga palad.

"Then find another place, sa akin ang puwestong ito." Ngiting sabi ni Zaffiro saka ngumuso sa malayo. "Go there or somewhere," sabi nito na ikinairap ng kapatid.

Naunang tumayo si Von at walang salitang hinawakan ang kamay ni Zafia. Si Zaffiro naman ay titig na titig lang sa mga ginagawa nila. Nailing pa ito nang ngisian ni Von ang kuya ni Zafia.

"Where are we going?" pagtataka ni Zafia dahil papunta sila sa isang pasilyong mas kaunti ang tao.

"I'm tired, hon. I know you don't want here, right?" malambing na sabi ni Von na nagpatawa kay Zafia, dahil mukha nga itong pagod.

Halos antok na antok si Von at halatang pipikit na. Kung hindi lang siya nakahawak sa bewang ng dalaga ay paniguradong natumba na ito. Nakarating sila sa mismong kwarto na mukhang nakahanda na dahil may susi nang dala si Von.

Malaki ang kwartong iyon at paniguradong bayad na. Naghahalo ang kulay itim at pula sa kwartong iyon at ang maaliwalas na liwanag. Naupo agad si Von sa kama at sumandal sa dingding nito. Halata ang pagod sa mga mata ni Von na hindi man lang alam ni Zafia kung ano ang kaniyang gagawin.

"Hmm, you want to sleep?" tanong ni Zafia na nanatiling nakatayo sa harap ni Von na bahagyang tumango kahit nakapikit.

Hindi na muling nagsalita si Von, titig na titig lang si Zafia sa binatang unti-unting lumalalim ang paghinga. Napalingon pa ang dalaga sa likuran kung nasaan ang pinto na nakasara lang. Sigurado namang naka-lock iyon.

Maya-maya pa ay humarap ito sa binata at saka dahan-dahang yumuko at dinampian ng halik ito. Hindi na niya inisip kung magigising si Von, dahil ang importante ay magawa niya iyon sa binata. Ilang linggo na silang hindi nagkikita dahil sa trabaho.

Mas lalong lumalalim ang halik ni Zafia, roon lamang napamulat si Von at akma na sanang lalayo nang kunin ni Zafia ang kamay nito at inilagay sa kaniyang dibdib mismo.

Unti-unting napapayuko ang dalaga, ngunit si Von na ang humatak sa dalaga sa mismong kama.

"I want to sleep, hon," humahangos na sabi nito habang unti-unting gumagapang ang kamay sa dibdib ng dalaga.

"I just want to kiss you," bulong ng dalagang halos mapapikit na dahil sa ginagawa ni Von.

"Okay? Then why are you held my hand and put it on your... ahm." Imbes na sabihin ay tumingin na lang ito sa dibdib ng dalagang nasa mismong harapan niya.

"My boobs is your stress reliever, so why not? Squeeze these until you satisfied," ngising bulong ni Zafia nagpakurap sa binata.

Halos mapamura na lang si Von dahil unti-unting ibinaba ni Zafia ang suot nitong pang-itaas, at dahil ibaba lang naman ang zipper ay mabilis na bumungad sa binata ang totoong anyo ng dibdib nito.

Nailing na lang ang binata at saka inihiga si Zafia, nakatagilid ito at nakaharap naman sa dalaga si Von... habang nilalaro ang dibdib ng dalaga dahilan para mapasinghap si Zafia. Imbes na makatulog si Von ay mas lalo pa siyang nagising kaya gano'n na lang ang pagtawa ng dalaga sa kaniya. Nag-usap ng kung ano-anong bagay maliban sa trabaho.

Sa sandaling iyon ay para bang nagkaroon muli sila ng oras sa kanilang sarili. Nakalimutan ang mga problemang bumabalot sa pagkatao nila. Sa sandaling iyon at para bang walang makakapigil sa dalawang nagmamahalan nang patago... pagmamahal na ipinagbabawal.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now