Kabanata 20

23 3 0
                                    

Isang matamis na ngiti lang ang ibinigay ni Zafia sa isang babaeng nakipagkamay sa kaniya at iniabot ang isang papeles na kailangan ni Rionard. Hindi niya rin kasi alam kung saan pumunta ang asawa niya at basta na lang siya iniwan sa opisina. Dahil wala na rin naman siyang ginagawa ay nagpasiya na lang siyang kalikutin ang selpon nito na halos bihira niya lang magamit.

Imposibleng may makarating na mensahe o tawag sa kaniya mula sa kaniyang pamilya dahil hindi na iyon ang selpon na ginagamit niya noon, sinadya niyang iwanan ang luma niyang selpon. Walang ibang laman na numero ang selpon na hawak ni Zafia kundi ang numero ng kaniyang asawa. Tanging iyon lang.

Kaya imposible ang iniisip niyang may makakaalala sa importanteng araw ng buhay niya.

Napabuntonghininga na lang siya na muli na namang tunanaw sa binatana, malapit nang magdilim at hindi niya alam kung saan hahagilapin so Rionard, wala rin naman siyang karapatan magtanong sa driver nito dahil wala itong salita na inilalabas, para bang nag-iingat sa mga sasabihin sa asawa ng kaniyang amo.

Roon lang napatingin sa selpon si Zafia nang tumunog ito. Agad niyang tiningnan iyon at wala nang ibang inasahan kundi ang kaniyang asawa.

Rionard:
Hindi siguro ako makakauwi ngayong araw. Puwede ka munang pumunta ng mall kung gusto mo. Buy anything what u want. Umuwi ka lang ng maaga. I love you.

Na naman. Ilang beses na siyang iniiwan ni Rionard sa opisina at umuuwing mag-isa, ilang araw na hindi umuuwi si Rionard at nagpapakita lang tuwing gabi. Halos mabaliw na ito dahil wala man lang siyang nakakausap. Wala man lang siyang nalalapitan dahil kahit ang mga kasambahay ay bihira lang din magsalita at kung minsan ay natatakot pa sa kaniya.

Zafia:
Okay.

Nagsimula nang maglakad si Zafia kasunod ang driver nito na nasa likuran lang. Halos diretso lang ang tingin ni Zafia na nakasuot ng black pencil skirt at navy blue long sleeve na halos bumagay sa balingkinitan niyang katawan at ang maikli nitong buhok.

"Sa mall tayo," walang ganang saad ni Zafia.

Nakatingin lang ito sa malayo at muling inalala ang huling taon kung kailan niya ipinagdiwang ang kaarawan nito kasama a g buo niyang pamilya, simpleng dinner lang ang nangyari noon at ang pagbati sa kaniya ng mga kababata niya sa mansyon ng mga Ficarro. Napaka-simple pero mukhang hindi na iyon mauulit. Sino na nga ba siya sa mata ng mga magulang niya? Wala rin namang saysay ang lahat matapos siyang pagtabuyan.

Siguro, tama ang asawa niya, na ginamit lang siya para patakbuhin ang kumpanya ng kaniyang ina. Siguro mali talaga siya, na gusto siyang maging kapantay ng sarili nitong ina dahil siya lang ang nag-iisang babae sa mga Arcus.

Nang makarating sa mall ay nagmadali itong bumaba. Tutal, wala naman ang asawa niya at binigyan siya ng sobrang pera ay wawaldasin na lang niya ito, wala namang naging problema si Rionard sa tuwing nakikita niya ang mga pinamili ng asawa niya. Damit, sandals, alahas at kung ano-ano pa ang kaniyang binili para lang maging makuntento.

Ngunit niloloko niya lang ang kaniyang sarili. Ang magkabilaang kamay ng kaniyang driver ay may mga hawak na paper bag, ngunit hindi niya pa rin magawang ngumiti. Hindi niya pa rin masabing masaya siya. Sa huling shop na kaniyang napasukan ay pinilit na lang niyang ngumiti, sa isang lalagyanan kung nasaan nakalagay nang maayos ang mga alak na apelyido nila ang mismong brand, kumuha ito ng isa. Walang sarilitang naglabas ito ng pera na para bang hindi nauubusan.

"Keep the change," bulong ni Zafia saka umalis sa shop na iyon.

Kumpleto na ang lahat. Nabili na niya ang mga bagay na nireregalo sa kaniya ng kaniyang pamilya. Ang puting rosas na binibigay ni Lucas sa kaniya ay mayroon din, ang kuwintas na regalo ng kaniyang ama ay binili niya rin. Ang alak na si Zaffiro mismo ang nagtitimpla, nabili na rin niya. Ang bag na madalas iregalo ng kaniyang ina sa kaniya, ay naroon din. Lahat ay kumpleto, para lang masabi na naroon sila sa tabi ni Zafia.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now