Kabanata 4

50 6 0
                                    

Halos ibagsak ni Zafia ang kaniyang katawan sa malambot nitong kama, hinayaang pinikit ang mga mata habang ang lumalakbay ang isipan, habang unti-unting iniisip ang sinabi ng kaniyang kuya na mas malalim pa pala na higit sa kaniyang inaasahan. Hindi naman niya akaling gano'n kaseryoso sumagot ang kuya nito dahil nagbaka-sakali lang naman siya.

Agad siyang nag-asikaso ng kaniyang sarili, sinigurado niyang lahat ng ilaw ay nakabukas sa bahay nitong hindi naman gano'n kalaki. Dahil na rin sa nasanay siyang nasa mansyon ay matapos pa lang makapagtapos ng pag-aaral ay tumira na agad siya sa bahay na binigay ng kaniyang ama. Naniniwala siya na kailangang niyang mabuhay nang mag-isa upang hindi masanay na nasa tabi niya lang parati ang kaniyang mga magulang.

"I need some loopholes," bulong nito nang mapasulyap sa isang bahay na nakasilid sa isang garapon.

Maliit na bagay lang iyon na animo'y butones na may pakpak sa gitna ng bilog... na mayroong mga dugo. Isang ebindensya na hindi niya alam kung saan nanggaling pero nasa kamay iyon ng babae na nahulog pa no'ng buhatin iyon ni Rionard upang isakay sa kabilang kotse. Dahil sa takot ay nagawa niya pang pulutin iyon.

"How can she died easily from that?" tanong nito nang mahubaran na niya ang kaniyang sarili.

Napairap na lang ito dahil sa panibagong tanong na kailangan na naman niyang ilista sa kaniyang utak. Wala itong saplot sa buong katawan nito ngunit nagawa niyang lumakad papuntang kusina para lang makakuha ng kaniyang inumin. Pinusod nito ang kaniyang buhok saka nahiga sa sofa habang nakabalandra ang ganda ng kaniyang katawan.

Madali niya lang na na-kontak ang kaibigang si Mildred na isang pulis na paniguradong makakasagot sa mga tanong niya.

[Hey,] bungad ni Mildred, saka napangisi so Zafia.

"Did I disturb you?" tanong nito saka simiim ng alak.

[No. Kakahiga ko lang, why?]

"Straight to the point, Dred, but, is it possible to dead the person who got car accident?" mabilis na tanong nito saka ini-angat ang ulo.

Nakakunot lang siya habang pinapakiramdaman ang ginagawa ni Mildred sa kabilang linya.

[It's a yes and no. Depende sa impact, care to elaborate?]

"Segundo lang ang pagpapaandar ng kotse, then the girl came and accidentally bumped and after that, she's dead. Is that possible?" tanong niya muli na para bang normal lang ang pinag-uusapan nila.

Muli siyang kumuha ng alak sa bote at saka lumakad. Wala namang masama kung magtatanong siya dahil noon pa man ay nagsasalitan na sila ng tanong tungkol sa mga itong nga bagay.

[No. Kararating niya lang, and maybe injured na siya that time. Pero hindi puwedeng sabihin na gano'n lang, dahil depende iyon sa tama. Puwedeng dahil sa pag-preno at malakas ang impact and there's a possibility for that. Lalo na kung sa semento tumama ang ulo niya,] mahabang pagpapaliwanag nito kaya siya dahan-dahang napatango.

"Okay. Thank you. Just forget this conversation."

[Okay. Just clean everything, Zafia. And everything will be fine. Good night.]

Nawala ang boses sa kabilang linya na para bang may ibig sabihin, ngunit hindi naman gano'n katanga si Zafia, para hindi malaman ang bagay na iyon. Napailing na lang ito ngunit kung sakaling alam nga ni Mildred ang totoo ay hindi naman iyon magsasalita.

Sa paglapag niya ng baso ay napasulyap siya sa litrato ng kaniyang ina kung saan buhat-buhat pa siya nito. Hindi niya maiwasang mapangiti lalo na't iyon ang mga panahong wala pa siyang muwang at ang tanging alam niya lang noon ay ang paghawak ng baril na nakasanayan na niya... na kung puwede niya lang gamitin muli ay gagawin niya.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now