Kabanata 28

21 3 0
                                    

Nang magising ito ay pinilit niyang hindi gumalaw sa puwesto, nakadilat lang ito at tinitingnan nang maiigi ang kaniyang asawa na may mga kalmot sa braso at may markang pula sa polo nito. Hindi na lang niya iyon pinansin at nanatili na lang sa kama. Bahagyang napaharap sa kaniya si Rionard na hindi man lang siya tinitinganan at agad na dumiretso sa banyo.

Roon lang siya nagdesisyong tumayo at ayusin ang sarili. Tiningnan agad ang katawan at ang kaniyang tiyan na bahagyang gumalaw ang bata sa loob dahilan para manlaki ang kaniyang mata at ang kaunting pagngiti nito. Sinimulan na niya ang pag-aayos ng kama at kahit masakit ang balakang ay pinilit niya pa ring gumalaw. Pagkalabas ni Rionard na nakabihis na pang opisina ay parehas silang tumingin sa isa't isa. Ngumiti lang si Zafia at iniwas agad ang paningin.

"Mag-asikaso ka na para makapag-almusal tayo," mahinang utos ni Rionard saka kinuha ang bag nito.

"Aalis ka?"

"Oo. Baka hindi ako maka-uwi. Maiiwan ka mag-isa rito," sabi nito na ikinatulala ni Zafia.

Umaktong lumukot ang mukha nito ngunit sa totoo lang ay hindi niya maipaliwanag ang saya. Mas gugustuhin na lang niya na wala ang kaniyang asawa sa bahay. Dumiretso agad ito sa banyo at saka inayos ang sarili. Mabilis ang kilos ni Zafia at sinusubukang maabutang bukas ang pinto ng kwarto.

Nang makalabas ay gano'n na lang ang ngiti niya nang nakabukas nga ang pinto. Pero hindi siya lumapit, alam niyang nasa loob pa ng bahay si Rionard. Dumiretso siya sa kaniyang kama at sinubukang hanapin ang selpon nito. Ngunit gano'n na lang ang pagkagulat niya dahil sa pag-awang ng pinto at pagsilip ni Rionard.

"Let's go downstairs."

"S-Susunod ako," mabilis na sagot ni Zafia at nang maabot ang selpon ay inilipat niya ito ng puwesto.

Ngunit hindi pa rin umalis sa puwesto si Rionard kaya nagdesisyon nang tumayo si Zafia. Ngumiti na lang ito ng pilit na nginitian lang din ni Rionard. Sabay silang bumaba, halos lahat ng gamit ay wala na. Nakakapanibago, gusto nitong magtanong pero pati iyon ay kinakatakutan na niya.

Wala na ang mga mini library na nasa sala lang noon, tanging sofa na lang ang naroon at ilan sa mga cabinet na wala na ring laman sa loob, maliban sa isang litrato ni Zafia. Litrato niya na hindi nito alam kung saan nakuha ni Rionard. Dinala sila ng kanilang mga paa sa mismong kusina na gano'n pa rin naman ang puwesto ng mga gamit.

"Bakit wala ang mga kasambahay?" Hindi na napigilan pang magtanong ni Zafia at saka naupo sa upuan.

"Pinaalis ko na. Wala naman na silang gagawin dito," simpleng sagot ni Rionard.

Natuyot ang lalamunan ni Zafia nang ibaba niya ang kaniyang tingin sa braso ni Rionard na puro kalmot. Mga sugat na hindi niya alam kung saan nakuha.

"Wala na akong kasama?" tanong ni Zafia.

Ngunit tumingin si Rionard sa anak nitong nasa tiyan ng asawa. "Kasama mo naman ang bata," sagot nito.

Nagsimula na silang kumain. Tahimik lang at hindi maiwasang iiwas ng tingin ni Zafia ang paningin nito sa asawang titig na titig lang sa kaniya. Halos gusto niyang masuka dahil sa mga naiisip niya at binubuo ng utak nito. Ang mga nalaman niya at ang halos nabasa nitong mga papel na kaniyang nakuha.

"Kailan ko makikita sila mommy?"

Sa tanong na iyon ay roon lang natigil si Rionard. Bahagya siyang ngumiti at saka naging seryoso. "Hindi mo na sila makikita Zafia. Nangako ka sa akin na rito ka lang 'di ba?"

"Rio—"

"Hindi ka rin naman makakalabas dito. Kahit na anong gawin mo. Sasamahan mo ako rito," matigas na sabi ni Rionard at saka hinawakan ang kamay ni Zafia na nasa mesa.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now