Kabanata 41

17 4 0
                                    

"Pinutulan ako ng kuryente sa bahay, mga tanga," iiling-iling na bungad ni Lucas nang makapasok sa sala.

Suot ng lahat ang kanilang makakapal na jacket panlaban sa lamig dahil sa nagnyenyebeng paligid. Malapit na silang mag-isang taon sa bansang amerika para na rin ipagpatuloy ang pagpapagamot ni Zafia na tuluyan nang gumaling.

Napatawa naman nang mahina si Zafia at kunot-noong sinundan ng tingin ang kuya nito. "Why? Baka hindi mo sinabi," sabi nito na sinuot ang gloves.

"Mga tanga na nga, bingi pa—"

"Watch your words, Lucas!" sigaw ni Nieva na nasa kusina at naghahanda na ng pagkain.

Literal na nanlaki ang mata ni Lucas at mahinang natawa. "Eh, kasi naman mom, sabi ko putulin muna nila, tapos magpapadala sila ng noticed na ilang buwan na raw akong hindi nakakabayad ng tubig, e, wala pa naman sa isang daan ang bill ng tubig ko," sigaw niya rin at saka tumingin kay Zafia. "Ang bobo 'di ba?"

Napirmi na lang ito habang si Zafia ay malayang tumitingin sa litrato sa selpon nito. Iniwasan niyang makipag-usap noon sa mga tao sa mansyon na naintindihan naman ng iba. Unti-unti na rin niyang natanggap ang lahat at naging panatag nang malaman niyang nasa loob na ng kulungan ang dati nitong asawa at hindi na inalam ang totoong nangyari. Kuntento na siya at ayaw nang mangialam pa.

Napag-usapan na rin nila ang balak na pag-uwi nilang lahat sa Pilipinas dahil may mga buhay pa silang kailangang balikan, hindi naman puwedeng lagi na lang silang nagtatago at matakot sa piligid. Ngayong Enero lang kasi ulit nabisita si Zafia ng mga kuya niya dahil madalas na si Nieva ang nag-aalaga sa kaniya. Si Lucas ang kasalukuyang humahawak sa kumpaniya ng nanay nito habang wala si Nieva.

"Kailan ka na ba uuwi, bunso?" tanong ni Lucas na humigop ng kape.

"Don't know. This month siguro. Why?"

"Wala lang. Anong gagawin mo pagbalik sa Pinas?"

Tumingin sa kaniya ang kapatid at saka naninigkit ang mata. "Uuwi sa mansyon, alangan namang mag stay ako sa airport?" paninigurado ni Zafia na inirapan lang ng kaniyang kuya.

Masasabi ring bumalik na sa dating ugali si Zafia ngunit hindi maaalis ang takot na dinala sa kaniya, na kung minsan ay naaalala pa rin niya sa tuwing mag-isa siya sa kwarto, kaya hangga't maaari ay hinahayaang nakabukas ang mga bintana roon kapag nandoon siya.

"Pupunta pala dito si tanda mamaya," usal ni Lucas saka tumayo dahil tinawag siya ng nanay nito.

Hindi na lang pinansin ni Zafia iyon dahil alam niyang nang-aasar lang ang kuya nito, kilala naman ni Zafia kung sinong tanda ang tinutukoy nito, at madalas ding sabihan ni Lucas na darating ang taong iyon ngunit wala naman. Nag-uusap pa rin naman sila ng lalaking iyon at habang buhay siyang magpapasalamat dahil sa pagtulong no'n. Ang taong iyon ang naghatid sa kaniya rito sa amerika at hindi na rin nanggulo pa.

Muling bumalik si Lucas dala ang ilang meryenda kasabay ang nanay nito. Napangiti pa si Lucas dahil sa titig ni Zafia sa kaniya na para bang pinapaalala ang mga sinabi nito kanina.

"Ano?" natatawang tanong nito.

"May sinasabi ka kanina," sagot ni Zafia.

"Tungkol sa?"

"Seriously, kuya?"

Parehas na nagtitigan ang dalawa habang si Nieva ay nailing na lang at umakyat sa itaas para tawagin ang asawa nito. Naiwan ang dalawang magkapatid na halatang nag-aasaran pa.

"Tungkol saan kasi? Si tanda?"

"Stop calling him tanda." Umirap ito ngunit natigil sa pagtitig sa kuya. "What about Von?"

Binigyan ni Lucas nang mapang-asar na tingin ang kapatid at saka tumawa nang malakas dahilan para magtakip ito ng tenga.

"Darating daw siya mamayang gabi, kahapon kasi nasa flight na siya," sagot ni Lucas at binigyan ng mainit na sabaw ang bunso.

"What time?"

"Malay ko, magtetext naman 'yon sa akin," pang-aasar ulit nito.

"Bakit daw siya pupunta?"

"Para sa 'yo ata? Since busy siyang tao para magliwaliw at lumandi sa mga babae rito?" sabi ni Lucas na sinabayan nito nang pagkindat.

Hindi na sumagot si Zafia dahil narinig na niya ang boses ng magulang nito. Hangga't maaari ay ayaw niyang pinag-uusapan si Von sa harap ng magulang nito, hindi lang siya sanay lalo na't pakiramdam niya ay wala na siyang karapatang magmahal ulit dahil nadumihan na siya.

"Bakit ang tahimik ninyo?" bungad ng daddy nila na naupo agad sa tabi ni Zafia.

"Wala dad, pinag-usapan lang namin si Alejandro the great," natatawang sagot ni Lucas na inirapan ni Zafia.

Nagkatinginan ang mag-asawa at nanahimik lang si Nieva. Alam naman nila Zack ang tungkol sa kanilang dalawa ni Von bago pa dumating si Rionard sa kanila. Alam nilang may namamagitan at hindi lang sinabi dahil sa sarili nilang trabaho.

"Ilang taon ka na Lucas?" tanong ni Zack sa anak nito.

"Twenty-eight, dad."

"Walang girlfriend?" tanong muli nito na tinawanan ni Nieva.

Napairap na lang si Lucas at saka umiwas ng tingin. "Yuck, kadiri."

Nabalot ng tawanan ang sala na iyon dahil sa isinagot ni Lucas. Kahit kailan ay hindi naman nila nakitaan ng pagiging interesado sa mga babae, dahil madalas niya lang naman na nagiging kaaway ang mga ito.

"Si Zafia na lang po tanungin ninyo. Wala namang masama sa second chance, basta kilala namin 'yong taong 'yon," pagpaparinig ni Lucas dahilan para mas lalong makurot ni Zafia nag kaniyang daliri.

Hindi nagsalita ang mag-asawa ngunit nakikiramdam sila. Hindi naman dapat gawing big deal iyon ngunit alam naman nila ang kilos ng isa't isa.

"We're fine with him," usal ni Nieva dahilan para mangunot ang noo ni Zafia.

"Yes. He's good and has a well-mannered that can control you," natatawang dugtong ni Zack. "Honestly, his parents raised him well, so yeah."

Lahat ay natahimik. Tanging kindat lang ni Lucas ang nagpapainit sa ulo ni Zafia. Tikom pa rin ang bibig nito at ayaw magsalita dahil baka kung ano ang kaniyang masabi, at baka magkaibang ang taong iniisip nila.

"Kahit naman na badtrip ako sa tanda na 'yon, okay siya sa akin," bulong ni Lucas dahilan para magpintig na naman ang tenga ni Nieva.

"Will you please stop calling him tanda? Ibabato ko 'tong hawak ko," sabi ni Nieva sa make na natatawa lang.

"Kasi naman mom, ang hilig magmahal ng bata," tawang-tawa na usal nito. "Pero seryoso bunso, okay siya sa amin, si Von Alejandro na pransiskano," dugtong ni Lucas at kitang-kita ang pagliwanag ng mukha ni Zafia.

Para lang siya ulit na naging dalaga dahil sa lagay na iyon. Gusto niyang kalimutan ang mga nangyari noon at sumubok ulit. At alam niyang sa pagkakataong ito at nasa tama na siya. Totoo na ang lahat at hindi na lang naka-base sa isang papeles.

At mas lalo pa siyang nakahinga nang malalim dahil sa isiniwalat ni Steve na peke ang nangyaring kasal. Si Rionard mismo ang nag-utos kay Steve na ayusin ang kasal kaya't ginawa nitong peke ang lahat na pinaniwalaan ni Rionard. Sa kabila ng lahat, hindi tinuring ni Zafia ang lalaking iyon bilang kaniyang asawa.

"I'm just go upstairs," bulong ni Zafia ngunit agad na naputol ang balak niya nang makatanggap ito ng mensahe sa selpon nito.

From: Von
I'm here in front of your house.

Isang malakas na kalabog ang narinig ni Zafia sa dibdib nito kasabay nang paulit-ulit na pag-doorbell.

"Oh well, kami na lang ang aakyat sa itaas, sumunod ka na rin sa amin Lucas."

"But—"

"Talk to him, just like the old days."

"O-Okay, thanks."

"As long as you're happy with him," bulong ni Zack saka nito inginuso ang isang lalaking nakangiting bumungad sa kanila.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now