Kabanata 8

27 3 0
                                    

Isang mariing pagpikit lang ang nagawa ni Zafia nang mabasa niya ang mga impormasyon tungkol sa dalagang si Athena. Ngayon na lang ulit siyang naglakas loob na tingnan ang detalye ng babaeng anak ng Gobernador sa lugar nila. Alam ni Zafia kung gaano karuming lumaban ang pamilyang Hudson. Halos ngayon na lang nagkaroon ng oras si Zafia para sa pag-iimbestiga na halos hindi na niya alam kung paanong gawin. Masyado ng maraming laman ang kaniyang utak at hindi na niya kaya pang isiksik ang kaniyang nababasa.

"Atty: Athena Hudson," bulong ng dalaga sa malaking screen.

Halos malula siya sa kaniyang mga nababasa. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon at base sa mga nababasa ng dalaga ay ang nobyo nito ang huli niyang nakasama na patuloy pa ring inaalam kung saan nagtatago.

Ngunit malaking palaisipan, kung bakit nagtatago ang nobyo, na kung tutuusin ay SI Zafia ang nakapatay sa babaeng ilang buwan nang pinagkakaguluhan.

Muli pang nagbasa si Zafia, napunta ito sa mga kasong hinahawakan ni Athena at napag-alam niyang isang Criminal lawyer ang dalaga kaya gano'n na lang ang tinitingnang anggulo ng mga pulisya na baka kagagawan iyon ng mga sindikatong naapakan niya.

Maraming mga paratang ngunit ang suspek ay nagawa pang basahin ang mga iyon. Wala man lang nakatama sa lahat ng nakasulat sa mga artikulong iyon. Napasandal na lang si Zafia sa upuan na iyon at isinara ang laptop nito.

Dumagdag pa sa ibang isipin nito si Rionard na halos wala man lang siyang alam tungkol sa lalaki, liban na lang na isa niyang Pramoso at negosyanteng bumibili ng malalaking lupa at hangga't maaari ay pribado. Nakakapagtaka lang dahil ang mga malalaking kumpanya at tao ay madalas na nakikita lang sa kung saang artikulo o magazine, samantalang ang lalaking iyon ay wala. Walang wala.

Nahinto ito sa paghihilamos ng mukha nang tumunog ang selpon nito. Napasilip agad siya at nakita ang mensahe ng binatang ilang araw na niyang tinataguan.

Von:
Can we talk personally? Or answer my call? Nag-aalala na ako, hindi mo man lang tinatawagan ang mga kuya mo, even your Mon and dad. Pls reply.

Masakit man ang katawan ay pinilit niyang kunin iyon at mahiga sa kama. Pati ang binata ay hindi na rin niya tinatawagan at panay pagpapalusot ang sinasabi na kesyo may sakit ito o ano, na ngayon ay nagkatotoo na dahil sa taas ng kaniyang lagnat.

Zafia:
I'm okay. Busy with some matter.

Von:
Can I call? Just 1 minute. I want to hear you.

Mahirap man ay umayos na lang ng upo ang dalaga para naman kahit papaano ay maayos pakinggan ang boses niya.

Zafia:
Okay.

Wala pang ilang segundo ay agad na tumunog ang selpon ng dalaga na sinagot naman nito. Narinig agad ni Zafia ang pagsara ng pinto sa kabilang linya ngunit hinintay niya ang boses ng binata.

[Hon? Please talk,] nag-aalalang panimula ni Von sa dalagang ngumiti nang kaunti.

"I'm not Hon, I'm Zafia," sagot ng dalagang nagpahinga nang maluwag kay Von na tumawa nang kaunti.

[I missed your voice. You sure you okay? I have more time to go with you, I-I don't want to force you if you don't want,] nakangiting sabi ni Von.

Umiling lang ang dalagang hindi maalis ang ngiti habang yakap ang unan. "I'm okay. Just want to relax my mind. Ahm, about the last night—"

[It's okay. We are in a business field, so I understand. I have also an ongoing negotiations with him,] pagtutukoy ng binata nay Rionard.

Ngumiti na lang si Zafia na naikagat ang pang-ibabang labi. Kung alam lang ng kuya nitong si Zaffiro kung ano ang namamagitan sa kanila ni Von na kaibigan ng kaniyang kuya, ay paniguradong maraming tanong na naman ang matatanggap niya. Ayaw niyang magsalita ngunit kung tinatanong man siya ay doon lang siya sumasagot.

Ruinous Deal | CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang