Kabanata 40

19 3 0
                                    

"Hi babe! How's my baby's work?" malambing na bati ni Athena sa nobyo nitong napangisi sa dalaga.

"I'm fine, but tired."

Pero kung sa pagpapanggap ay hindi ito mapapagod. Dalawa lamang ang nakakaalam ng tungkol sa kaniya, ang sekretarya nito at ang doktor nitong halos walang angal, wala rin namang magagawa na ang sekretarya nitong si Steve dahil sa laki ng halagang perang ibinigay niya at kaligtasan ng pamilya nito.

Kahit wala na ang totoong Rionard ay hindi pa rin iyon napansin ni Athena dahil nalaman ni Lizandro na hindi naman pala sila gano'n kadalas magkita dahil sa pagiging abala nito sa pag-aaral at ang pag-aasikaso ni Rionard sa negosyo, kaya nakatulong din iyon sa pagtatago ng krimen.

"Are you sure that Lizandro is okay at your townhouse? I mean, he's alone there, kasambahay lang ang mga kasama niya," tanong ni Athena na maka-ilang beses na niyang itinanong dalawang taon na ang nakakaraan.

"Yeah, he's okay there. Don't worry about him." Tumayo ito at saka lumapit kay Athena at mahinang hinalikan ang leeg nito. "Want?" bulong nito saka pinisil ang baywang ni Athena.

Agad na napalayo si Athena at kunot-noong tumingin dito. "Seriously, babe? You told me before that you want me to graduate first and be a lawyer?" natatawang sabi nito saka naupo sa sofa at tinitigan ang pagtitig sa kaniya ni Lizandro na para bang nawawala sa sarili.

"Yeah, but we can do that things safely," sabi nito saka muling lumapit kay Athena.

Sinimulang gawin iyon ni Lizandro kahit pa ayaw ni Athena. Ilang beses na nangyari sa kanila iyon at habang patagal nang patagal ang relasyon nila at ang pagpapanggap ni Lizandro ay tuluyang nang nagtataka si Athena. Dahil alam niyang hindi gano'n ang totoong Rionard. Hindi ito namimilit.

Ang totoong Rionard ay mas inuuna ang kapakanan ng iba. Hindi ang sarili, hindi iyon magagawa ng Lizandro dahil ilang taon siyang nagpa-alipin sa magulang nitong dapat na nag-aalaga sa kaniya. Kinalimutan na niya ang mahinang Lizandro dahil kung hindi siya magbabago, tuluyan siyang masisiraan ng bait.

"Sir? Paano po ang appointment ninyo kay Ms. Arcus?" magalang na tanong ni Steve rito.

Two years ago bago mamatay si Rionard ay nakipag-usap na ito kay Nieva para sa ilang mga supply na ipapadala nila sa Inglatera at sa bansang Hongkong kung saan naroon ang karamihan sa mga tunatangkilik sa negosyo ng mga Arcus. Kaya gano'n na lang ang madalas na pagpapaalala ni Steve kay Lizandro dahil si Rionard na ang nagsabing malaking bagay ang pagtutulungan ng Arcus sa kanila.

"Bakit ba paulit-ulit ka? Sino ba 'yang Arcus na 'yan?" inis na sabi nitong binato ang mga papeles at iritadong niluwagan ang kwelyo.

"Si Madam Nieva Arcus po ang nakausap noon ni Sir Rionard tungkol sa pakikipagsosyo, tayo po kasi ang makikipag-ugnayan kay Mr. Zhou, aayusin na lang po ang kontrata. Willing pa rin naman po si Madam Arcus, 'yon nga lang po ang makakausap na natin dito ay ang anak niya na kasalukuyang nagpapatakbo ng kumpanya niya," mahabang paliwanag nito na ikinapikit ni Lizandro at isinandal ang likod sa upuan.

Titig na titig sa kamay at sa litrato ng totoong Rionard sa mesa nito. Kahit na baliktarin ang mundo, kahit magaya niya ang ngiti ng kuya nito, hindi maitatangging pilit lang ang lahat.

"Sinong anak?" tanong nito at saka yumukong naghihintay ng sagot.

"Zafia Arcus po, Sir. Ito po ang background niya." Binigay nito ang isang folder at saka tuluyang lumabas nang sumenyas si Lizandro.

Hindi interesado si Lizandro sa pagkatao ng ibang tao, ngunit mula nang pag-aralan niya si Zafia ay para bang may kakaiba itong naramdaman, lalo na't nalaman nito na kabilang siya sa pamilyang nasa hanay ng negosyo lalo na ang tatay ni Zafia na si Zack. Ngunit walang malinaw na hakbang si Lizandro sa negosyong iyon. Kay Athena lang siya interesado, tanging iyon lang at sa pagpapanggap bilang Rionard.

Ruinous Deal | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon