Kabanata 3

62 6 0
                                    

Mabigat ang hangin sa loob, bukod sa kulob ay halos walang nagsasalita, nagpapalitan lang ng tingin at nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita. Ngunit masisisi ba si Zafia? Kailangan niyang isipin nang mabuti kung ano ang itatanong niya at kailangan ay wala siyang masabing iba.

"Okay, so... may sinabi ba si Olivia tungkol sa kontrata?" panimula ni Zafia, saka bumaling sa binata.

Agad na umiling si Von, sa dalaga na mukhang hindi pa kumbinsido. "Wala naman. Nagpasama lang siya sa akin since tinanong niya rin ako tungkol sa 'yo, si Mr. Vergara sana ang magpapakita pero may kinailangan siya ng kapatid niya. Why?"

Agad na napalunok si Zafia, dahil sa narinig niya. Si Mr. Vergara na kapatid mismo ng tatay na kaniyang napatay. Ngunit imbes na ipakita ang gano'ng ekspresyon ay nanatili itong blnagko. Sadyang malalim ang ugnayan ng mga Fornacier sa mga Vergara kaya hindi maiwasang mag-ingat ni Zafia, lalo na't lumaki itong walang tiwala sa lahat. Kahit sa kaniyang sarili.

"They wanted to sign the contract, ni hindian lang nila tiningnan ang background namin," bulong nito ngunit tumawa lang si Von, na napailing na lang. "What?! I'm serious here, then you were just laughing."

"Look, they were not checked your background because we all know, Zafia, that your mom's company was literally chased them."

"Ano namang kahabol-habol sa kumpanyang panay laruan?"

"Your words, Zafia. Maraming bata sa mundo, matataas ang kalidad ng mga ginagawa ninyo, kaya hindi nakapagtataka kung bakit umaangkat pa sila mula rito, you have many branch outside of this country."

Tuluyan nang natikom si Zafia dahil doon. Hindi naman sa minamaliit niya ang kumpanyang iyon na halos isugal ni Nieva ang pagkatao niya para lang makuha ang kaisa-isang naiwan ng kaniyang ina. Noong mga panahong magulo pa ang mundo nila.

Kasalukuyan silang nasa kalsada habang pinagmamasdan ang mga sasakyang halos magkakamukha na. Wala na rin naman silang oras para makapag-usap dahil kinailangan talaga ni Von na kausapin si Olivia, para sa ibang mga usapin. Patungkol sa mga Hotel at resorts ang hinahawakan ng mga Fornacier, na halos malawakan din ang sakop, kaya isa sa mga tinitingnang dahilan ni Zafia, na madalas silang magkasama ay dahil sa mga ambassador. Kung nais mong mapatakbo nang mabuti ang kumpanya at makilala ito, kailangan mong gumamit ng matatas na tao.

"Ahm, can I ask?" pagbabakasakali ni Von sa dalaga.

"What do you think you are doing?" sagot nitong napatitig pa sa binata na napatawa na lang nang mahina.

Mabuti na lang at mahaba ang pasensya ng panganay na Fornacier, sa dalaga. Hindi rin naman nakapagtataka dahil sabay na silang lumaki sa iisang bahay.

"Kliyente mo si Mr. Pramoso, diba?" marahang tanong nito na nagpahinto sa dalaga.

Dahan-dahan itong tumango saka nagdesisyong kunin na lang ang pulang pamahid nito sa labi, nang paandarin na ni Von ang sinasakyan nila.

"Yeah. Why?"

"Wala lang. They had a meeting before, he's actually a nice person, mukhang magkakilala kayo dahil bukambibig ka niya sa akin. His smiled like he likes you."

Sa salitang binitawan ni Von ay napangisi na lang ang dalaga. Imposibleng mangyari iyon dahil una sa lahat ay baliw ang lalaking iyon, na bigla na lang sumusulpot kung nasaan si Zafia, at kung ano-ano ang ibinubulong dahilan para mas lalong magulo ang utak mo Zafia. Kung alam lang ni Von ang dahilan kung bakit pati siya ay ginugulo ni Rionard. Kung bakit pati si Von ay kailangang sumali sa laro.

"He's my client. That's it."

"Sobrang laki ng halagang binibitawan niya para lang makuha ang resort sa Gozon, gusto ko munang maka-usap si dad, dahil matao ang lugar na 'yon, baka maka-apekto sa iba."

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now