Kabanata 22

20 4 0
                                    

Hindi mapagkakailang kumikinang ang buong pagkatao ni Zafia dahil sa suot nitong magarang damit at napapalibutan pa ng mga kumikinang na alahas. Ang buhok nitong hanggang dibdib niya at ang balingkinitan nitong katawan, ang namumula nitong balat na lumitaw dahil sa suot niyang pulang mahaba ngunit manipis na tela na litaw na litaw ang kaniyang likuran. Natigil ito sa pagtitig sa sarili nang maya-maya pa ay may isang kuwintas ang lumapat sa kaniyang leeg.

Ang asawa nitong unti-unting napangiti nang magtama ang kanilang mata sa isang salamin. Bagay na bagay. Halatang nagkakasundo ang dalawa at nagagawa nang ngumiti pa.

"Ready my wife?" malambing na tanong ni Rionard na kinuha ang kamay ng dalaga at dahan-dahang hinalikan kasabay ang pagtango ni Zafia.

"You don't have to ask me about that. I'm always ready Rionard," ngiting sabi nito na sinadyang hawakan ang kamay ni Rionard kaya ito hinigpitan ng asawa.

Nagpasiya nang umalis ang dalawa. At dahil ala-sais ng gabi magsisimula ang event na kanilang pupuntahan ay bumyahe ba sila. Tahimik at kampante ang dalawa lalo na't maliwanag pa naman sa labas, naka-upo sila sa likuran at mahigpit na hawak ni Rionard ang kamay ng kaniyang asawang tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Ang mga nadaraanan nilang mga nagtataasang gusali na para lang siyang nasa syudad.

Unti-unting napatitig si Zafia sa kamay nitong hinahaplos ni Rionard. Para itong nasilaw dahil sa pagtitig niya sa singsing na halos magkadikit pa. Kahit na ilang buwan na silang magkasama ay hindi niya pa rin ma-isip na mayroon na siyang asawa. Noon pa man ay hindi niya naiisip ang gano'ng bagay. Kung naiisip man niya ay paniguradong sa isang partikular na lalaki lang iyon. At iyon ang taong hindi siya pinaniwalaan o pinakinggan.

"If you want to go home, just tell right away," bulong ni Rionard sa asawang nakahiga sa balikat nito.

Nangunot naman si Zafia ngunit hindi natinag sa pagkakahiga roon. "Why? You told me that the event there is going to be fun, and now you think about me going to our home," natatawang usal ni Zafia na tinawanan lang din ni Rionard.

"Nothing, just incase. Madali naman akong kausap. Hindi rin naman tayo magtatagal doon, my friend wants me to introduce you in front of the other business person."

"Why? Is that okay with him?"

"Yep. He don't mind that, I mean, everyone's there are known each other so why not to introduce you? Just hold my hand tightly, my wife."

"As you wish," naiiling na sabi ni Zafia saka sila huminto sa may kalakihang gusali.

May dalawang naglalakihang katawan ng lalaki ang nakabantay sa entrada na kung saan nakalapat ang red carpet. Inalalayan ni Rionard ang asawa nito na nakakapit lang sa kaniyang braso. Nakipagsabayan sila sa pagpasok ng ilang mga kilalang negosyante na halos mamukhaan ni Zafia, dahil ang iba roon ay nakatrabaho na ng kaniyang ina at ng tatay nito.

"Something wrong?" bulong ni Rionard nang makapasok sila sa loob.

"Some of them are familiar with me."

"I told you."

Maraming ilaw ang nagkalat sa isang malawak na unang palapag kung saan naroon ang mga tao na nakatayo lang sa katapat nilang mesa, ang ilan ay naka-upo na hababg hinihintay ang ibang dumating. Mahabang pa naman ang oras kaya malaya ang lahat na maglibot-libot at ipakilala ang sarili.

"Mr. Pramoso," ngiting bungad ng isang Singaporean na nakalahad pa ang mga kamay.

"Mr. Zhou." Pagkikipagkamay nito. "Ah, my wife, Zafia. Zafia, he's my one of the investors," pagpapakilala nito.

Napatingin ang negosyante kay Zafia na agad niyang hinalikan sa pisngi at nagngitian. "Nice meeting you, Mrs. Pramoso. We'll enjoy the night here, I heard a news that you will be having a right spot here later," natatawang sabi nito na sinabayan ng mag-asawa.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now