Kabanata 39

15 3 0
                                    

It's his time to tell...

"You are not my child! You have no right—"

"Laurel! Huwag mo namang saktan ang anak mo! Huwag mo sabihin 'yan!" Pang-aawat ni Floresca sa asawa nitong may hawak na namang bote.

Lagi na lang. Lagi na lang naririnig ni Lizandro ang sinasabi ng kaniyang ama na wala siyang karapatan sa kahit na anong bagay dahil hindi niya ama ito, na anak siya sa pagkakamali.

"Isa lang ang anak ko Floresca! At hindi 'yan! Bakit mo ba kasi pinanganak 'yan? Sinabi ko sa 'yong ilaglag mo—" Isang malakas na pagsampal ang ginawa ni Floresca sa asawa nitong natigilan sa mga sinabi.

Walang ina ang papayag na sabihin iyon sa sarili nilang mga anak. Halos magkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa, nagbabangayan ar kitang-kita ni Lizandro ang pananakit ng kaniyang ama sa nanay nitong kinakaladkad ang buhok paibaba ng hagdan, habang naririnig ang nakabibinging sigaw ng kaniyang ina.

Halos tulala lamang si Lizandro at ngumiti na lang ng wala sa sarili, hindi nito alam kung ano ba dapat ang mararamdaman lalo na't lagi naman iyon sinasabi sa kaniya ng tatay niya. Nagpasiyang pumunta na lang sa kwarto si Lizandro at doon manatili. Sa ikatlong palapag kung saan siya lamang ang tao roon kasama ang mga lumang gamit na halos patapon na.

Agad itong pumasok sa kwarto niyang puno ng kalat, ang mga kumot na hindi nakaayos at ang mga papel na may iba't ibang disenyo na nasa dingding. Umupo agad ito sa upuan at saka kinuha ang naninilaw na papel sa ilalim ng mesa.

8/22/19xx

Sabi ni papa sana hindi na lang ako pinanganak ni mama. Namatay na lang daw sana ako. Pero ayoko silang iwan, kaya mas maganda kung mauuna sila.

Lizandro P.

Blangko lamang ang emosyon nito, halos hindi maipaliwanag kung dapat ba siyang magalit o maawa sa sarili dahil halos alipin kung ituring siya ng kaniyang ama. Humarap ito sa salamin at pinagmasdan ang sariling itsura, suot ang lumang damit, ang magulong buhok at walang buhay nitong mga mata. Agad niyang kinuha ang palako na madalas niyang ginagamit sa tuwing inuutusan siyang tumulong sa pag-aalis ng mga damo na hindi niya alam ay pinagbabawal na droga pala.

Dumiretso ito sa ibaba hindi para magtabas ng mga dahon, kundi para isa-isahing kitilan ng buhay ang mga taong saksi sa kung paano siya ipagtabuyan ng kaniyang ama. Sa mabilis na panahon lang ay nagkalat ang mga laman at dugo sa mala kristal nilang sahig, ang ilang mga katawan na halos hiwa-hiwalay na sinisigurado na walang makakaligtas.

"L-Lizandro, ijo?" anas ng isang babaeng matanda na titig na titig sa binatang halos hindi siya nilingon at tuloy-tuloy lang sa pag-akyat sa hagdan papunta sa kwarto ng kaniyang mga magulang.

Ang matandang babae ay imbes na humingi ng tulong ay umalis nito na para bang walang nangyari.

Sa isang iglap lang ay nawala ang ingay, ang bulyawan ay hindi na maririnig pa dahil tinanggalan na sila ni Lizandro ng karapatang huminga. Malinis na na-ialis ang lahat ng bangkay, walang naka-alam at pinilit na itago sa lahat ng tao at pinalabas na massacre ang nangyari, hindi nahuli ang krimen dahil wala man lang bahid ng pakikilanlan ng suspek ang lumutang.

Dahil ang mismong suspek ay kusang humingi ng tulong sa isa niyang kapatid na may tatlong taong mas matanda sa kaniya. Hindi nagdalawang-isip si Rionard na tulungan siya at kupkopin habang nililinis ang problema.

"What happened, Lizandro? Maybe, you can help with this case," banayad na tanong ni Rionard ngunit nailing lang si Lizandro.

Matapos no'n, hindi na muling hinalungkat ang kaso ng mga magulang at nanatili si Lizandro sa puder ni Rionard sa Maynila. Hindi masyadong kilala si Rionard dahil hindi ito sanay sa publiko, tanging mga nakakasama niya lang sa trabaho ang kilala siya dahil ang secretary nito ang madalas na nagpapakita sa mga pagpupulong. Tahimik na binata lang si Lizandro at hindi rin masiyadong nakikipaghalubilo sa mga tao, naroon lang siya sa malaking bahay at pinag-aaralan ang kilos ng kuya nitong si Rionard.

Ruinous Deal | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon