Kabanata 42

19 3 0
                                    

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Zafia ang magulang nitong nag-iimpake na para sa pagbabalik sa Pilipinas, habang kausap nito sa telepono si Mildred at nagbibigay lang ng mga karagdagang paalala sa pagbabalik. Wala namang dapat na ikatakot dahil maayos naman na ang lahat, nakakulong na si Rionard at magiging maayos na ang buhay nito.

"Thanks, noted." Ibinaba na nito ang telepono saka tumango sa magulang nitong nginitian siya.

Maiiwan kasi siya sa bahay na iyon at mauuna na ang mga magulang niya at si Lucas. Mayroon naman silang inaasahan na magbabantay kay Zafia. Gusto rin naman iyon ni Von at may pagkakataon pa silang mag-usap. Hindi maiwasang mapangiti si Zafia dahil sa sinabi sa kaniya ng binata, hindi paliwanag ang gusto ni Zafia kundi ang pananatili sa tabi nito. Lalo na nang marinig niya ang sinasabi ng kaniyang magulang ng hapon na iyon.

"Take care yourself, mamaya nandito na rin si Von, kapag may problema tumawag ka agad kay Mildred." Humalik ang nanay nito sa kaniyang pisngi na agad niya ring tinanguan.

"I know, I'll take care myself."

"You must. Von will do the same of course," bulong ni Zack na nginitian lang ni Zafia.

Nagpaalam na sila sa isa't isa, ngunit naroon pa rin ang pagdadalawang isip ni Zafia kung isasara niya ba ang pintong iyon. Malinaw pa rin sa kaniya ang lahat, malinaw pa rin ang isang kwartong pinaglagyan niya na akala niya noon ay ligtas.

"Hey, Genesis, can you hear your mommy?" nakangiting bulong ni Zafia sa kawalan habang naglalakad papuntang kusina.

Nakagawian na niya ang pakikipag-usap sa anak nito sa tuwing nag-iisa siya, pakiramdam niya ay kasama niya ito at nakikinig sa mga sinasabi nito. Kumuha ito ng isang basong tubig at prutas.

"You know what, I'll be moving back in Philippines, maybe I will continue my life there. Be happy with me, okay?" nakangiting bulong nito saka naupo at pinagmasdan ang larawan ng kaniyang anak.

"And, one more thing, there's a guy that I really wanted to be with. I hope you're okay with him for me. If you knew what happened before, he find you just to be with me again, he did everything for us Genesis."

Habang buhay niyang tatanawin ang utang na loob na iyon kay Von. Ilang buwan na sinikmura ang pananatili sa mansyon ng mga Pramoso at buhatin ang mga damong ginagamit sa droga, ilang beses na pinahirapan at pinagamit ng kung anu-anong droga... lahat iyon ay tiniis ni Von para lang bantayan si Zafia at magawa ang planong alisin siya roon kahit na ikamatay niya.

Sobra sobra na ang nagawa ni Von para kay Zafia, ngunit parehas silang nakikiramdaman na may mga pagkukulang sila.

"Wait, Let me text him," panimula nito at dali-daling kinuha ang selpon.

To: Von
Are you coming here? Please do let me know

Umayos ng upo si Zafia at hindi pa naibaba ang selpon ay nakatanggap na ito ng mensahe.

From: Von
Almost there. Why? Anything need?

To: Von
Nothing

Naghanda na agad ng pagkain si Zafia. Hindi naman niya nakasanayan ito pero mabuti na lang at madalas niyang makita ang mga kuya nito na nagluluto kaya may alam din siya, ang Kuya Lucas nito ang madalas magluto at nagturo sa kaniya. Simple lang ang inihanda nito, agad niyang nilinis ang mesa at inayos ang lahat nang tumunog agad ang doorbell nito.

Hindi na niya naayos ang sarili at basta na lang binuksan ang pinto at napatingala pa dahil sa tangkad ng lalaking nakakunot siyang tinititigan.

"Hi," bungad ni Zafia saka maingat na kumaway na hindi naman talaga niya nakasanayan.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now