Kabanata 44

14 2 0
                                    

Ilang linggo na ang nagdaan at naging maayos ang lahat, nagagawa na ni Zafia na pumunta ng mall ng mag-isa, ang tumira sa bahay nito at matulog nang mahimbing at ang pakikipag-usap sa ibang tao na hindi man lang naiilang, ngunit ibang usapan na kung tatanungin siya kung ano ang ngayari noon, dahil literal na ngingiti lang siya.

Maingat itong nagmaneho at agad na bumaba sa parking lot, may takot man ay diretso lang ang tingin nito hanggang sa makasakay ng elevator. Dala ang regalo at cake kay Von para supresahin ito dahil kaarawan niya, nang makatuntong sa palapag ng opisina ng binata ay dumiretso agad ito sa dulong bahagi at nakangiting binati siya ng matandang sekretarya ni Von na agad siyang pinapasok.

"He's in meeting right now?" mahinahong tanong ni Zafia na tinanguan ng matanda.

"Yes Ma'am. It will be done in just 15 minutes." Ngumiti ang matanda saka iniwan si Zafia sa loob ng opisina.

Inihanda niya na ang cake na maingat niyang hinawa nang kaunti at ang paboritong wine ng binata. Inayos niya lang ito sa mesa ni Von at saka naupo lang nang maayos, ang regalo nito ay maingat niyang inilagay sa tabi ng cake, nakalagay iyon sa maliit na kahon at isang pares ang laman.

"I hope he will be glad about this idea," bulong ni Zafia sa kaniyang sarili at saka pinahinga ang likuran dahil sa madalas na pagsakit na ito na normal lang pala sa mga katulad niyang may kasalukuyang pinagdaraanan iyon ngayon.

Lihim itong napatawa dahil madalas niyang maalala ang sinabi ng dalawang kuya nito kay Von matapos nilang umuwi sa mansyon noon, lalo na si Lucas na halos hindi nakatulog matapos niyang makita si Von at Zafia na may ginagawang kababalaghan sa terrace na iyon. Tanging si Lucas lang ang halos mabaliw at magalit kay Von dahil ang parehas na magulang nila ay maayos naman na, wala naman silang problema kung desisyon iyon nila Von at Zafia dahil una sa lahat ay malalaki na sila.

Kilala ng mga Arcus kung anong klaseng tao si Von, kaya panatag ang mga ito. Si Lucas lang talaga ang masyadong mababaw sa lahat.

Maya-maya pa ay nakarinig na ito nang pagbukas ng pinto kaya agad itong napatayo at ngiting bumungad sa kaniya si Von na hinihingal pa. Yumakap ito kay Zafia at saka hinalikan ang noo ngunit ang mga mata ay nasa mesa na.

"Happy birthday!" masayang bati ni Zafia ngunit halik ang isinagot ni Von.

"You don't have to bring these."

"But I did. Just accept."

"Yeah sure. Kanina ka pa rito?" tanong ni Von na nakayakap pa rin kay Zafia na bahagyang tumango.

"Medyo? But it's fine, nakapagpahinga pa rin naman ako. Anyway, let's have a toast for your 30th birthday," natatawang usal ni Zafia na sinimangutan ni Von.

"Are you laughed because of my age?" seryosong tanong ni Von na lumayo nang kaunti kay Zafia.

Natatawang tinalikuran siya ni Zafia at kinuha ang dalawang baso ng wine at ibinigay sa seryosong Von na naghihintay pa rin ng sagot.

"I'm not okay? Why are you so serious? Anyway, happy birthday!" Itinungga ni Zafia ang baso nito sa baso ni Von na naiiling na lang na nainom.

Titig na titig lang si Zafia kay Von na patuloy na iniinom ang lahat ng laman na iyon at saka tumitig kay Zafia. "Even if I reach senior stage, I can still give you numerous children, Zafia," seryosong anas ni Von na mas lalong ikinatawa ni Zafia.

Halos mangunot na lang si Von dahil hindi naman gano'n ang babaeng kaharap niya, tumatawa ito pero hindi gano'n katagal. Hinalikan na lang niya ang pisngi ni Zafia at nakuha ang atenyon ng isang kahon kaya agad niya iyon nilapitan.

"Is this your gift, hon?" Tinitigan nito ang hawak na kahon at saka tumingin kay Zafia na tumango. "Can I open?"

Tumango ulit si Zafia at saka inabangan ang magiging reaksyon ng binatang halos magusot ang noo dahil sa pagtataka. Maingat nitong tinanggal ang pulang ribbon at ni hindi man lang nag-abalang tinganan si Zafia na sikretong kinukuhanan ng video si Von.

"N-No! Oh my god!" Naitakip na lang ni Von ang kamay nito sa bibig na parang babae habang ang kamay nito ay nakahawak sa kahon.

Halos matawa pa lalo si Zafia dahil sa pamumula ng mukha ni Von at skaa kinuha ang maliit na sapatos sa loob ng kahon na iyon at ang maliit na papel kung saan nakasulat ang ‘It's my shoes daddy’.

"Are you even serious?" gulat na gulat na tanong nito saka tuluyang napangiti.

"Yes."

"But how? We did that in just one day."

"Yap, one day, whole day." Kumindat si Zafia dito dahilan para parehas silang nagtawanan.

Hindi na napigilan ni Von ang mayakap si Zafia na halata rin ang saya at tuwa. Ibang-iba ang sitwasyon ngayon sa kung paano nagbuntis at pinaalam ni Zafia kay Rionard na buntis siya, sa nangyayari sa kanila ngayon ni Von. Agad na inihinto ni Zafia ang video na iyon at hinayaan lang niya si Von na yakapin ito at paulit-ulit na hinalikan ang kaniyang noo.

Nagpasiya ang dalawa na dumiretso sa mansyon upang ipaalam iyon sa mga tao roon lalo na sa mga magulang nito. Hindi nakakaramdam ang dalawa ng kaba dahil literal na gusto nila ang nangyari, kahit pa sobrang bilis ng lahat. Masyado na silang maraming nasayang na panahon, kilala na nila ang isa't isa at sigurado sila sa desisyong ginawa nila.

Nang makapunta sa mansyon ay inginuso agad ni Asher ang itaas na tinutukoy siguro ang magulang ng dalawa. Nakangiti lang ang iba samantalang nagtataka naman ang ilan, agad silang umakyat doon at pumunta sa mismong library kung saan may maluwag na espasyo, nasa baywang ni Zafia ang kamay ni Von na halatang nanlalamig ang katawan dahil inaalala nito ang sasabihin ng magulang ni Zafia at ng kaniyang magulang.

"Just calm, you know my parents naman," bulong ni Zafia kay Von nang malapit na sila sa pinto.

"How can I calm if I knew your parents?" seryosong tanong ni Von pabalik para matawa na naman si Zafia.

Malaya silang nakapasok sa loob kung saan naghihintay ang magulang nilang nakangiti, si Zack naman ay halatang pinipilit na maging seryoso para lang matakot ang magiging manugang nito.

"So, what's the proposal all about?" bungad ni Zack na titig na titig kay Von.

Parehas na nagkatinginan ang dalawa at saka napalunok pa.

"Don't be nervous," bulong ni Zafia.

"I'm not—"

"Nilalamig ang kamay mo," pagpuputol ni Zafia dahilan para marinig ang tawa ni Ponce na tatay nitong si Von.

"We're waiting. Business people didn't want to waste their time—"

"I'm pregnant, and we're gonna marry soon at possible," mabilis na saad ni Zafia dahilan para matigilan ang lahat.

Ang magulang ni Zafia na titig na titig lang sa kaniya habang sila Cecil at Ponce naman ay halos tumayo sa upuan nila dahil sa sobrang saya ng mga ito.

"Really?! Oh my god! We must fix it now! As in right away!" aniya Cecil na ikinangiti ni Zafia.

Si Von ay tulala lang din sa mga magulang ni Zafia na tahimik pa rin hanggang ngayon.

"Mom, dad?" tawag ni Zafia sa mga ito.

"Wait, it's fast! I mean, don't get me wrong okay? I'm okay for both of you, were fine with it. But hmm, hindi ba masyadong mabilis?" tanong ni Nieva na inilingan ni Cecil.

"Okay lang naman ah, Zafia is in the right age for bearing a child again, and we all know that they like each other ever since. It's just that, thw situation before was really fvcked up," bulong ni Cecil na tinaguan ni Zack.

"Yeah, I guess, wala naman mali sa pagpapakasal agad, ang akin lang, bakit nagkaroon ng baby?" seryosong tanong ni Zack na tinawanan ni Ponce.

"Of course, they made it Zack, have a common sense," pamimilosopo ni Ponce dahilan para magtawanan ang lahat sa kanila.

Kahit papaano ay gumaan ang loob ng bawat isa. Sinabi ng dalawa ang totoo tungkol sa mga plano nila na hindi na pinalagan pa ng mga magulang, at dahil malinaw na sa kanilang lahat ang mangyayari ay sinimulan na nila ang plano.

"Let's be simple yet special the ceremony that will happen next week?"

"Next week," sagot ni Von sa asawa nito, na hindi alintanang maraming trabahong naiwan sa opisina para kay Zafia.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now