Kabanata 26

22 2 0
                                    

Mataman niya lang tinitingnan ang kaniyang sarili sa salamin habang hinihimas ang may kalakihan nitong tiyan, hindi pa maalis ang ngiti nito sa tuwing gumagalaw ang batang nasa loob, ngumiti sa tuwing nangyayari iyon ay napapalitan ito ng takot. Na para bang may hindi tama.

"You have a granddaughter now, Mom and Dad, and my two brother will be a tito soon," nakangiting saad niya at saka sinuklayan ang sarili.

Pero agad iyon nalukot nang maalala ang kaniyang pamilya, halos isang taon na niyang hindi nakikita at wala ng balita dahil ilang linggo na rin siyang hindi nakakalabas ng kabilang bahay at ng kanilang kwarto. Lumalabas lamang siya kapag sinabi ni Rionard o 'di kaya kapag may pupuntahan silang importante.

Sa sobrang daming gumugulo kay Zafia ay malayong-malayo na ang itsura nito noong dalaga pa siya, hindi na niya naaalagaan ang kaniyang sarili dahil mas pinagtutuunan na lang niya ng pansin ay kung paano makakalabas sa lugar na iyon at kung paano siya hihingi ng tulong sa labas.

Dahil habang tumatagal, unti-unti na niyang nararamdaman ang sinasabi ng matanda.

Sa gitna ng kaniyang pagsusuklay ay bumukas ang pintong nasa kaniyang likuran, kita niya sa repleksyon ang pagpasok ng asawa nitong nakangiting nilapitan siya. Ang hindi normal na pakiramdam ni Zafia ay muli na naman niyang naramdaman dahil sa paghigpit ng paghawak ng lalaki sa kaniyang tiyan at paulit-ulit na paghalik sa kaniyang balikat.

"Kumain ka na?" bulong nito na nginitian ni Zafia.

"O-Oo. May kailangan ka ba?"

"May gusto ka bang ipabili sa akin?"

Agad na naitikom ni Zafia ang bibig nito dahil sa tanong niya, nangunot pa ito ngumiti ngumiti rin at saka tinitigan ang kaniyang tiyan.

"Damit ni baby? Next month na siya lalabas," sabi nito at saka napalunok dahil ngayon na lang ulit niya iyon nasabi.

Hindi niya pa rin makakalimutan ang ginawa sa kaniyang panghahampas ng sinturon dahil sa pag-alok ni Zafia noon na bumili ng gamit ng bata, hindi niya rin makakalimutan ang sinabi ni Rionard tungkol sa batang hindi niya iyon tatanggapin.

"Magbihis ka na, bibili tayo ng gamit niya," bulong ni Rionard kaya mabilis na nagbihis si Zafia.

Ilang buwan na ang nakakaraan mula nang ikulong siya at hindi na makita ang labas dahil pati ang bintana ay sinara ni Rionard, hangga't maaari ay tinakpan ang mga bahay na napapasukan ng liwanag.

Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang unti-unting magbago ang ugali ni Rionard, ang madalas na pagiging mainitin ang ulo at kung minsan ay madalas na nanlalambing. May pagkakataong hindi pa siya maalala nito at tinatawag siyang Athena.

Ang babaeng aksidenteng napatay ni Zafia.

Kapit na kapit lamang si Rionard sa baywang ni Zafia na pirmi lang sa kaniyang tabi. Sa muling pagkakataon ay ngtaon na lang ulit kita makikita ang labas, ang mga damo na mas lalong dumami at hindi niya alam kung bakit pinagtakpan siya ng ilong ni Rionard gamit ang panyo nito. Mas dumami ang mga trabahador nito na balot na balot ang mukha at ang tuloy-tuloy na pag-aalis ng mga damo roon.

Agad silang sumakay sa kotse ngunit at umalis sa lugar na iyon. Habang pinagmamasdan niya ang lugar ay imposible ang iniisip niyang makatakas dahil sa taas ng haligi at ang entrada nitong napapalibutan pa ng ng armadong lalaking wala namang gano'n no'ng una siyang dumating dito.

Aminado si Zafia na maraning nagbago sa kaniyang paligid, naging tahimik na lang siya at ayaw nang magtanong dahil baka maulit na naman ang noon. Mabilis lang silang nakarating sa mall, marami ang mga tao at para bang may hinahanap si Zafia. Habang si Rionard ay pirmi lang sa isang daan.

Ruinous Deal | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon