Kabanata 19

22 4 0
                                    

Mabilis na lumipas ang linggo na naging maayos ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Walang naging away at walang duda na nagkakasundo sila. Naging gawain na nila na gumising nang maaga lalo na kung pupunta ng trabaho at para maka-uwi nang ala-syete ng gabi. Si Zafia ang nagluluto ng almusal habang si Rionard ang nag-aasikaso sa gabi, nakasanayan na nilang hindi kumain ng tanghalian dahil nasa opisina sila ng gano'ng oras, si Zafia ang nagsisilbing alalay ng asawa at si Rionard na ang nagsabing hindi na dapat pang manghimasok si Zafia sa negosyo ng asawa niya.

Dahil literal na ginawa lang siyang alalay sa trabaho, ayaw na niyang bigyan ng posisyon si Zafia roon. Ayaw maging makasarili ni Rionard, binibigay niya ang gusto ng asawa niya ngunit kung negosyo ang usapan at ang pamilya ng babae at nagmamatigas ito.

"Better?"

Maingat na umiling si Rionard at saka dahan-dahang naupo muli sa kama.

"Ilang araw ka nang hindi nakakalakad nang maayos, bakit ayaw mong magpatingin sa doktor?"

"As I said, I have personal doctor."

"Then where is he? Titirik na lang 'yang mata mo na wala man lang dumarating," kalmadong sabi ni Zafia na naupo sa kama sa tabi ng kaniyang asawa.

Napabuntonghininga na lang si Rionard at saka dahan-dahang humiga. Apat na araw matapos pagbabarilin ang sinasakyan ni Rionard, mabuti na lang at iniwan niya noon si Zafia sa opisina at pinasuyo may Timothy. Ilang beses na nagtanong si Zafia sa kung ano ang nangyari at kung bakit siya tinatambangan at wala naman siyang nakuhang sagot.

Minsan pang inakala na parte ng sindikato si Rionard na tinawanan lang siya ng lalaki.

"I'll call him later. Can you bring me some soup? Or anything na makakain," sabi ng lalaki at dali-dali naman siyang iniwan nito.

Diretso lamang si Zafia sa kusina at ininit ang kaninang almusal nila, dahil nag-aasikaso na rin ang iba ng pagkain doon at hinintay na lang niyang maluto ang iba roon. Wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan ang mga kasambahay sa gawain at tanawin ang mga hardinero na madalas na may inaani na kakaibang dahon, nakapagtataka lang dahil balot ang katawan ng mga iyon at talagang hindi sila makikilala maliban na lang sa mga letra na nakatatak sa gilid ng kanilang damit. Iyon ang nagsisilbing pangalan ng mga hardinero.

"Ma'am? Okay na po ito," mahinang sabi ng matandang kasambahay dahilan para mapatingin si Zafia roon.

"Thanks. Kumain na rin kayo," sagot nito saka kinuha ang tray.

Maingat lang siyang naglakad at pilit na inalis ang iniisip niya. Nang makapasok sa kwarto ay nadatnan niya roon si Rionard na nakaupo sa upuan at may hawak na papeles. Dahan-dahan na inilapag ni Zafia ang pagkain sa mismong mesa.

"Have you eaten?" tanong ni Rionard.

"Busog pa ako. Mauna ka na."

"Okay. Can you give it to my secretary? Ipapahatid na lang kita sa driver," mahinang usal ni Rionard na inurong ang envelope.

Tinitigan iyon ni Zafia saka nagtaas ng kilay. "Ibibigay ko lang 'yan?"

"Yes. May gusto ka bang ibang gawin?" kunot-noong tanong nito a
na dahan-dahan siyang tumayo.

"Wala naman. I'll take a shower first," sabi ni Zafia na tinalikuran ang asawang titig na titig sa kaniya.

Habang naliligo si Zafia ay saka naman may kinuha sa wallet na pera si Rionard at inilagay iyon sa ibabaw ng envelope. Wala itong ibang ginawa kundi ang lumakad nang lumakad para muling masanay ang kaniyang paa.

"Bilhin mo ang gusto mo—"

"No, it's okay. Wala naman akong gustong bilhin—"

"Just accept it, wife. Bilhin mo ang gusto mo, bag, make-up, anything what you want. Umuwi ka lang dito okay?" malambing na bulong ni Rionard habang paulit-ulit na hinahalikan ang balikat ng dalaga.

"Wala naman akong mapupuntahan. Na sa 'yo ang passport ko—"

"Just want to remind you, wife. I love you," ngising sabi ni Rionard saka nailing si Zafia.

Kagaya nga ng usapan ay nagpunta si Zafia sa opisina ng kaniyang asawa at ibinigay ang papeles na iyon sa sekretarya nitong babae, ni hindi siya nag-abalang basahin iyon base na rin sa bilin ng kaniyang asawa, wala rin naman siyang balak at hindi na interesado pa sa kahit na anong negosyo.

Isinumpa na niyang kahit na anong mangyari at mula nang sumama siya sa asawa niya ay hindi na niya muling pinangarap ang makisali pa. Matapos niyang ibigay iyon ay dumiretso na siya sa isang mall na malapit lang din doon. Hindi naman naging mahirap sa kaniya ang pakikipag-usap sa driver dahil sinabihan na ito ni Rionard na kung saan man gustong pumunta ni Zafia ay ihatid niya, basta't dumiretso lang sila ng uwi bago mag ala-sais ng gabi.

May kalakihan ang ibinigay na pera ni Rionard sa kaniya kaya hindi niya alam kung anong ibibili, kung noon ay waldas lang siya nang waldas, ngayon naman ay iniisip na niya nang mabuti, dahil hindi niya iyon pera, dahil nasa isip na naman niya na baka may kapalit ang lahat na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang binata.

"Do you have a family?" tanong nito sa driver na tumango nang kaunti. "Have children?"

"Wala po Ma'am," sagot ng binata.

"So, single?" tanong muli ni Zafia na tinanguan ng driver. "Okay. Ilang taon ka ng nagtatrabaho kay Rionard?" tanong nito habang naglalakad sila sa kahabaan ng mall at panay lingon sa paligid.

"Hindi ko po puwedeng sagutin iyan," magalang na sagot ng driver, dahilan para matigilan sa paglalakad si Zafia at sandaling tumingin sa lalaki.

Napangisi ito. "Oh. I'm just wondering if  you're just a loyal or Rionard has an ordered to not answering my questions, right?" tanong muli ni Zafia ngunit hindi siya pinansin ng binata na nakahinto rin.

Bumuntonghininga na lang si Zafia at saka nagpatuloy sa paglalakad. "I was just trying to ask you if he has a favorite food, or something. Oh, wait just wait me here," usal ni Zafia at saka pumasok sa isang shop na punong-puno ng wine.

Madali lang naman niyang nakita ang hinahanap niya dahil iyon ang madalas na inumin ng kaniyang asawa. Lumabas agad ito at saka nagpunta naman sa isang shop, matapos niyang mabili ang mga dapat na bilhin ay nagpasya na siyang umuwi. Karamihan sa mga binili niya ay dessert at prutas, kahit papaano ay marunong din naman siya sa kusina.

Gabi na nang makarating sila sa bahay, hindi pa man nakakapasok si Zafia sa loob ay naroon na agad sa Main door ang asawa nitong mabagal na naglalakad. Nahinto lang ito nang makita na niya si Zafia sa mismong harapan niya.

"Zafia." Mariin na hinilamos ni Rionard ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.

"Nakauwi naman ako, ano bang problema—"

Isang mariin na yakap ang natanggap ni Zafia sa asawa nitong ay ang paulit-ulit na paghalik sa kaniyang pisngi, dahilan para hindi tumuloy sa dapat na paglapit ang ibang mga kasambahay sa kanila.

"Too paranoid. Kasama ko naman ang driver mo. And will you please be careful? Mababasag ang pinamili—"

"Take those bags," utos ni Rionard na mabilis na nagsilapitan ang ibang mga kasambahay.

"Thanks," bulong ni Zafia nang makuha ang mga pagkaing iyon.

Doon niya lamang inalalayan ang asawa nitong nakakatayo na nang maayos at mukhang okay na ang paglalakad. Nakatitig lang si Rionard sa kaniya habang naka-akbay kay Zafia.

"Dumaan na ang doktor ko kanina. Kailangan ko lang ng pahinga tapos may gamot na rin diyan."

"Good for you."

"I'm sorry for inconvenient—"

"It's okay. This is my obligation as your wife. I just want to live peacefully, I know you want the same right? Don't be sorry at anything," ngiting saad ng babaeng sobrang laking pinagbago.

Hindi naman siya gano'n noon. Pero sa kaniya na nagmula, gusto na niya ng tahimik na buhay, kaya siguro pati ang sarili niya ang pinipilit niyang baguhin.

"Thank you, my wife. I love you."

Ngumiti lang ang dalaga. Sinuklian niya lang ang halik ng isang lalaking pikit-mata niyang tinanggap.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now