Kabanata 9

27 3 0
                                    

Halos isang linggo. Isang linggong himalang tinubuan ng konsensya ang dalaga at ang mas malala pa ay ngayong nakapirma na pala si Von sa kontratang puwedeng sumira sa mga buhay nila. Habang ang lahat ay nakangiti, nakikipagkamayan sa mga ka-transaksyon, pumipirma sa mga papeles, si Zafia naman ay balisang-balisa na.

Literal na pinagpapawisan ito kahit na bagong ligo lang naman siya. Kahapon lang ay dumalaw lang siya sa opisina nito para ayusin ang ilang bagay at umuwi rin. Gano'n na lang ang laging takbo ng buhay niya mula. Pinili niya ring huwag munang kausapin si Von dahil kasalukuyan silang nag-uusap ni Rionard tungkol sa lupaing agad na may gagawin.

Kagat-kagat ang kuko, panay lang ang tingin niya sa selpon nito kung tutunog ba o ano. Nangako sa kaniya si Rionard na tatawagan siya nito sa oras na matapos ang pag-uusap nila ni Von tungkol sa mga nangyayari. Kahit papaano naman ay may karapatan si Zafia'ng malaman iyon.

"C'mon Rionard, anong oras na." Pantatapik ng paa nito sa sahig dahilan para makalikha ng ingay sa buong palapag.

Ngayon ang araw kung kailan pupunta si Zafia sa mansyon para naman mabisita ang mga magulang niya, alam nitong nagtataka na ang magulang ni Zafia dahil maikling oras na lang ang naibibigay ni Zafia sa trabaho kumpara noon. Palibhasa'y may iba nang kumokontrol.

Nagdesisyon na lang siyang umalis sa kaniyang bahay, wala rin namang saysay kung maghihintay siya sa wala, nasasayang ang oras niya. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagmamaneho ay rumihistro agad ang numero ni Rionard na mabilis na sinagot ng dalaga.

[Hindi mo man lang pinatunog nang matagal,] sambit ng binata sa kabilang linya.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng dalaga. Gano'n pa rin naman na halos isumpa ang binatang kaniyang kausap.

"Anong pinag-usapan ninyo?" mahinang sabi ng dalagang diretso lang ang tingin sa daanan.

[Dinadaliaan ko na ang pagkilos mahal kong Zafia, inaasikaso ko na rin ang mga papeles, by this month matatanggap mo na ang lahat mahal ko.]

Hindi napigilan ni Zafia na ikuyom ang kaniyang mga kamao habang nakahawak sa manibela. Kahit na gaano kalalim at kalamig ang boses ni Rionard ay walang epekto iyon sa dalaga.

"Maghihintay lang ako Rionard, hihintayin ko ang mga pinangako mo," mariing anas ni Zafia ngunit tinawanan lang siya ng binata.

[Nababaliw ako sa boses mo, mahal ko. Gusto ko sanang makipagkita sa 'yo pero marami pa akong kailangang gawin. Oh! Nasabi rin pala ng Fornacier na iyon na may balak kayong umalis ng bansa? Kita mo nga naman, ganyan ka kamahal ng nobyo mo, mahal ko, sana nga lang ay panindigan niya iyon,] natatawang usal ni Rionard sa kabilang linya na nagtangis ang mga mata ni Zafia.

Hindi niya alam kung sinusubok ba ang pasensya o ano, ngayon lamang siya nakatagpo ng isang taong panay laro ang tingin sa lahat ng bagay.

Agad na iniliko ni Zafia ang kotse papasok sa mansyon na ngayon ay binabaybay na niya ang hasyenda ng mga Ficarro, may ilang minuto pa naman siya bago makarating sa mismong bahay kaya pinagtuunan na muna niya ang kausap sa kabilang linya.

"He invited me for vacation, hindi ko alam kung pati iyon pakikialaman mo. Mind your own business—"

[Our business, our business mahal ko, tandaan mo 'yan,] bulong ng binata saka pinatay ang linya.

Kasabay nang pagkawala ng boses ng lalaking iyon ay tumambad na sa kaniya ang kaniyang pakay. Pilit na sinampal ang sarili para lang magkawisyo. Ayaw niyang maabala siya ng ibang bagay habang narito siya sa kaniyang pamilya.

Pagkapasok pa lang niya ay nadatnan na niya agad ang kuya nitong may hawak na tinapay. Nanlaki pa ang mata ni Lucas saka agad na pinuntahan ang kapatid nitong bahagya siyang nginitian.

Ruinous Deal | CompletedWhere stories live. Discover now