Kabanata 25

22 3 0
                                    

Mabilis na lumipas ang maraming buwan, ang paglaki ng tiyan ni Zafia at kasabay no'n ay ang pagbabago ng kanilang relasyon na madalas sinasabi na normal lang iyon dahil na rin buntis si Zafia at napapadalas ang pagiging mainitin ang ulo.

"Kakain ako kung kailan ko gusto," anas ni Zafia na hindi pa rin bumabangon sa higaan.

"Tapos hindi mo na naman uubusin ang pagkain mo?—"

"Shut up! Get out of here! Doon ka sa trabaho mo!" sigaw ni Zafia saka nagliparan ang mga librong kanina niya pa binabasa na halos mapadaing sa sakit si Rionard dahil sa pagtama ng isang matigas na libro.

Nagtalukbok ng kumot si Zafia at pinilit na ipikit ang mga mata. Napabuntonghininga hininga na lang si Rionard at inis na umalis sa kanilang kwarto, dumiretso sa kusina at bumungad doon ang nag-aalalang kasambahay na halos saksi sa pag-aaway nila.

"Sir, dumudugo ang pisngi ninyo po," sabi ng katulong na agad na ibinigay ang isang baso ng tubig.

"I'm fine. Hatiran ninyo na lang siya ng pagkain doon mamaya, huwag ninyo na lang gisingin. Habaan ang pasensya, maliwanag?" paos na sabi nito at halos ipikit na ang mata dahil sa antok dahil hindi na siya nakakatulog nang maayos.

"Opo sir."

"Aalis ako ngayon, baka gabihin na rin ako kaya kayo na muna ang umalalay sa kaniya." Tumalikod na ito sa mga kasambahay na tumango na lang at pare-parehas na nagtinginan.

Muli na naman siyang aalis. Kahit ang mga kasambahay ay walang matinong naisasagot dahil baguhan lang din sila sa pag-ta-trabaho roon, kaya kahit na anong gawing pagtatanong ni Zafia na patuloy niya pa ring ginagawa ay wala siyang nakukuha... maliban sa isang matandang halos i-kuwento na ang pinagmulan ng pamilyang Pramoso.

Sa tuwing tanghali kasi ay lumalabas si Zafia upang maglakad-lakad at magpahangin, madalas niyang nakakasalubong ang matandang babae na mayroong apo na nag tatrabaho sa hasyenda kaya ito sinasama. Noong una ay hindi niya pinapansin ang matanda dahil sa laging madalas na pagsalungat nito sa mga sinasabi ni Zafia. Na mali ang lahat ng nalalaman nito at tama naman sa matandang may problema sa pag-iisip.

Apo na mismo ang nagsabing may sakit ito ngunit hindi niya alam kung bakit ang ilan sa mga sinabi ng matanda ay kaniyang pinaniwalaan. Dahil gano'n na gano'n din ang sinabi ng isang kasambahay nila Zafia na pinatay ang mag-asawang Pramoso. Sinasabi naman ng matanda na walang Rionard sa lugar na iyon at tanging si Lizandro lang ang nakatira sa bahay na iyon, samantalang ang kasambahay ay sinasabing nawawala si Lizandro at hindi alam kung siya nga ba ang bangkay na iyon at ang pagdating ni Rionard galing syudad.

May kung anong nagtutugma, mayroon namang mali, na nakakapagduda. Sa ilang buwan na nakalipas ay hindi na naalis sa gawi ni Zafia ang pag-iimbestiga mula nang maka-akyat siya sa pangatlong palapag at makita ang ilan sa mga gamit doon na nakikita niya sa kaniyang asawa, ang mga litrato ng nawawalang kapatid ni Rionard, ang mga gamit at polo na suot ni Rionard noong araw na aksidenteng mabangga ni Zafia si Athena.

Ang butones na basag na nawawala ang kalahati... na kaniyang nakita sa kamay ni Athena noon. Hindi alam ni Zafia kung nagkataon ba ang lahat o baka sinadya. Ngunit nag-iimbestiga siya, hindi niya alam kung paano hihingi ng tulong lalo na't wala siyang kakilala, hindi niya kayang pagkatiwalaan ang mga kasambahay, at pati ang matandang madalas na magkuwento ay hindi niya alam kung nagsasabi ba ng totoo.

Lumabas si Zafia sa kwarto matapos ang kinseng minutong pag-alis ni Rionard. Bukod sa pagpapahangin ay gusto niyang makita ang matanda, gusto niyang sumakit na naman ang kaniyang ulo sa mga kuwentong hindi matapos-tapos. Nilagpasan lamang niya ang kasambahay at dumiretso sa malawak na hasyenda nito. May mga nakakalat na naglilinis na naman at ang iba ay dinidiligan ang mga halaman doon.

Ruinous Deal | Completedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें