Kabanata 50

29 2 0
                                    

Halos pigil na pigil ni Zafia ang kirot na nararamdaman niya, halos alas-tres pa lang ng madaling araw ngunit iba na ang sakit na nararamdaman ni Zafia. May hindi na tama sa kaniyang tiyan.

Dahan-dahan na tumayo si Zafia at hindi na inabala ang asawa nitong mahimbing na natutulog. Hindi na nagawa nitong mag-ayos man lang at basta na lang humahawak sa kung saan para lang maibsan ang kirot ng kaniyang tiyan. Napasandal ito sa dingding at ang panay paghinga ng malalim nito.

"C-Calm down," bulong nito sa kaniyang sarili.

Mas lalo pa itong napapikit dahil sa pagtama ng paningin nito sa may orasan. Idagdag pa ang pagsipa ng bata, nahahawakan na ni Zafia ang bahagyang paggalaw at ang katawan ng bata na bumubukol na sa tiyan nito.

"V-Von," tawag nito ngunit dahil sa sobrang hina ay hindi siya narinig nito.

Muli na naman itong napadaing at inilapat ang sarili sa dingding, literal na pinagpapawisan na si Zafia at ang kailangan niyang gawin ay ang gisingin si Von.

"V-Von!" sigaw nito at saka napapikit.

Wala sa sariling gumalaw si Von at napatigil sa pagkapa sa kama nang wala ang asawa niya roon, dali-daling tumayo si Von at binuksan ang ilaw.

"H-Hon?" nag-aalalang tanong nito na hinawakan agad ang asawang halos namumutla na.

Mariing napahawak sa kaniya ito at saka napasandal na lang sa dibdib ni Von. "M-Manganganak na ako," buong pwersa nitong sinabi dahilan para mataranta si Von.

Ngunit dahil sa madalas na sinasabi sa kaniya na kailangan niyang ipakitang kalmado siya nang sa gayon ay gano'n din ang gawin ni Zafia hangga't maaari.

"O-Okay, come here, kaya mong maglakad?"

Mabilis na tumango si Zafia at sumunod sa sinasabi ni Von.

"Okay, we will walk then all you have to do is to inhale and exhale. Don't be panic okay?" pagpapakalma nito habang lumalakad sila palabas ng kwarto.

Dalawa lamang ang hawak ni Von, ang kamay ng asawa at ang susi ng kotse nito. Sinasabayan nito sa paghinga ang asawa at ang agad na inaalo dahil sa daing nito. Mas lalo pa silang nahirapan dahil sa pagbaba sa hagdanan na ikinatakot ni Von dahil baka lumabas ang bata. Ngunit dahil sinusubukan naman ni Zafia na kayanin ay nagawa nilang pumunta nang sasakyan at mabilis na pinaharurot ito.

Dahil madaling araw ay sakop nila ang daanan, may mangilan-ilang mga sasakyan kaya nagawa niyang pabilisin ang takbo ng kotse nito, hindi na nito alam kung saan titingin, hindi niya rin matiis ang asawa nitong hindi tingnan dahil na rin sa daing ni Zafia. Alam niyang nahihirapan ang asawa at kahit ang kamay niya ay hindi maiwasang manginig.

"I-I'm fine, just drive safely," hinihingal na bulong ni Zafia sa asawa nito.

Hindi magawang magsalita ni Von. Gusto niyang umiyak, ni hindi niya alam kung anong gagawin, hindi niya alam kung paano mapapakalma ang asawa.

Ligtas silang nakarating sa hospital, agad silang inasikaso at mabuti na lang ay naroon ang doktor ni Zafia kaya hindi na kailangang magpaliwanag ni Von. Nasa labas lamang si Von at hinihintay ang asawa nito. Halos hindi mapakali dahil halos mamutla na si Zafia nang ipasok sa delivery room. At dahil cesarean ang magaganap ay mas dobleng kaba ang naramdaman nito.

Wala siyang marinig na kahit ano, nasa labas lang siya at pinaikot-ikot ang susi sa daliri, natigil ito at saka mas lalong napahawak sa ulo dahil wala man lang siyang dalang selpon para matawagan at ipaalam ang mga nangyari. Hindi alintana ang magulo nitong buhok, at ang board short nitong halos gusot pa.

Bahagya itong luminga sa paligid at sinubukang humanap ng paraan, ni hindi niya magawang umalis sa tabi ng kwartong iyon dahil baka magkaroon ng problema. At dahil wala masiyadong dumadaan ay napirmi ito at isinubsob ang mukha sa mga palad.

Maya-maya pa ay may isang resident doctor na napangisi na lang at iiling-iling na lumapit kay Von.

"Chill Mr. Von Alejandro," natatawang sabi nito dahilan para mag-angat ang tingin ni Von dito.

"K-Keus? Sh*t! Can I have your phone?" Nagmamadali itong tumayo at saka lumapit kay Keus.

"Sinabi ko na sa parents mo kanina no'ng nakita ko kayo." Tinapik nito ang balikat ni Von at saka bahagyang tumuwid ng tayo. "Alis na ako, tumakas lang ako sa head ko. Baka parating na rin sila, upo ka lang diyan. Chill lang dapat Von, kailangan mo pang ipakalat ang lahi mo," natatawang sabi nito saka tinalikuran ang kababata.

Ilang minuto pa ang nagdaan at halos unti-unting kumalma si Von, lumabas na ang doktor nang nakangiti kaya kahit papaano ay napanatag ito.

"They're fine Von. Successful ang delivery, kailangan lang ng asawa mo ng pahinga ngayon."

"A-Ang baby po? Is he fine?"

Mahinang tango ang iginawad ng doktor at saka nakita ang paglabas ng dalawang nurse at ang anak ni Von na pirming nananahimik.

"He is. Pero hindi mo munang puwedeng hawakan, kailangan pa siyang asikasuhin," nakangiting sabi nito.

"Thank you doc, thank you," usal nito at literal na napatingin sa kwartong iyon.

Sa pagkakataong iyon ay nagsidatingan na rin ang iba. Mabilis na lumipas ang oras na nailipat na si Zafia sa isang kwarto at ang tahi nito sa tiyan ay sariwa pa, kailangan pa ng oras at maging maingat. Ang ibang pamilya ni Zafia ay naroon lang at nakikibalita sa nangyari, habang si Von ay inasikaso ang tungkol sa bata.

Maya-maya pa ay nagmulat na ng mata si Zafia, makirot at halos napapikit na lang ito dahil sa hindi niya maunawaang sakit sa tiyan nito. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay agad itong kinilabutan, nanlamig ang sarili dahil sa puting paligid na nakikita niya.

"M-Mom." Literal na kumalabog ang puso nito dahil sa pagbukas ng pinto.

Hinahanap niya ang posas sa kamay nito at ang tiyan nitong hindi na gano'ng kalaki.

Isang tao lang ang pumasok sa utak nito. Ang mga mata ni Zafia ay unti-unting namasa at nanginig ang mga kamay nito.

"Hon, shhhh, it's fine," bulong ni Von na maingat na tinatapik ang pisngi ng asawa.

Nagtama ang paningin nilang dalawa. Bago pa man mahulog ang luha ni Zafia ay nasalo na iyon ng kaniyang asawa.

"Ang anak ko? G-Gusto ko makita," bulong ni Zafia at natatarantang tumingin sa paligid.

Halos dumugo na ang palad ni Von dahil sa sobrang higpit nang pgkakahawak ng asawa. Alam na nito ang ibig sabihin no'n kaya hangga't maaari ay hinayaan niya ang asawa.

"Kakausapin ko lang ang dokto—"

"Stay. Just stay here," pagmamakaawa ni Zafia sa asawa niyang halos wala pang tulog at kain.

Walang nagawa si Von kundi ang tumawag na lang sa mga taong nasa labas ng kwartong iyon at sabihan na gising na ang asawa at gustong makita ang bata, pinakalma na rin niya ito at pinaalalahanan na huwag masiyadong gumalaw dahil sa tahi nito na puwedeng bumuka.

Ilang sandali pa ng oras na iyon ay nakita na ni Zafia ang kaniyang anak, ang kaba at takot at unti-unting nawala nang mahawakan niya ang kaniyang anak. Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa asawang hindi umalis sa tabi niya.

Tahimik lang ang mag-asawa, pinapakinggan ang paghinga ng panganay nila. Gustuhin man ni Von na matulog ngunit kailangan siya ng asawa niya.

"Mata lang ata ang nakuha sa akin," bulong ni Von na titig na titig sa anak nitong tumitingin sa kung saan.

Mahinang napatawa si Zafia habang tinatapik ang anak.

"Kahit sa akin na lang din ang ugali, okay na sa akin," dagdag ni Von na ikinatahimik ni Zafia.

Sa hindi malamang dahilan ay sabay silang nagtawanan at ang anak naman nila ang umiyak at nangibabaw sa kwartong iyon.

Ruinous Deal | CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin