Kabanata 1

123 5 0
                                    


Sinasabayan lamang ng mga daliri ni Zafia na pumipilantik sa ibabaw ng malawak na mesa, ang bawat pagpapaliwanag ng isang babae sa kaniyang harapan. Halata naman na inip na inip na ito dahil sa madalas na pagbuntonghininga at pagkunot ng noo sa tuwing pinagmamasdan ang presentasyon sa loob ng silid na iyon.

"After we manage this, we can request in Europe—"

"Request?" natatawang anas ni Zafia, saka inayos ang pagkakaupo.

"Bakit tayo ang gagawa niyan? After we manage that several layout, they should have request. Hindi tayo ang kailangang lumapit," mariing pagkakasabi nito saka tumayo sa puwesto.

Nagtatakang tumingin ang iba rito, dahil hindi pa naman tapos ang pagpupulong. Dali-dali niyang kinuha ang selpon nito at saka umalis.

"Adjourned."

Walang pagkurap na lumabas ito sa conference room at iniwan ang mga taong halos mabunutan ng tinik sa lalamunan. Sino ba naman ang hindi maiinis sa ginawa ni Zafia? Ang biglaang pag-alis nang hindi man lang tinatapos ang usapan.

Napapataas na lang ang kilay ng ilan sa mga nagtatrabaho roon dahil sa mga inaakto ni Zafia. Walang puwedeng magreklamo kung ayaw mong bitbitin ang lahat ng iyong gamit sa labas ng kumpanya.

Suot ang tipikal nitong damit na kulay itim ay nangingibabaw ang kaputian ng kaniyang balat. Nanlilisik ang mga mata kung tumingin sa daan at halos umusok ang ilong nito nang makita niya ang isang babaeng mukhang nalulunod sa pagkakatulog.

Dahan-dahan lamang ang pagkakalakad nito papunta sa babaeng nakayuko sa computer nito, kinuha agad ni Zafia ang isang karton sa ibabang bahagi ng mesa at saka walang habas na inilagay ang mga gamit ng babae. Alertong nagising ang babaeng animo'y gulat na gulat sa nangyayari.

"M-Ma’am, s-sorr—"

"From now on, I don't wanna hear your voice.  If you want to sleep, go home. Hindi ko kayo sinuswelduhan para lang matulog. Get out!" mariing sabi nito na dahan-dahang ikinaiyak ng babae.

"K-Kailangan ko po ng trabaho, Ma'am. M-May mga anak po ak—"

"Kailangan ko ng matinong empleyado. Bitbitin mo na ang mga gamit dito at umalis na," mahinang utos nitong bakas sa boses ang galit.

Hindi na nakapalag ang babaeng halos mamutla na at walang tulog. Alam niya kung ano ang susunod na mangyayari kung sakaling hindi siya sumunod dahil saksi siya sa mga taong inaalis sa trabaho ni Zafia. Saksi ito sa kung paanong isumpa ng mga nagtatrabaho roon ang ugali ng kanilang amo.

Palibhasa'y kontrolado niya ang galaw sa loob at wala kang karapatan na mangi-alam.

Para lamang walang nangyari at dire-diretso itong tumungo sa kaniyang opisina, nakasunod dito ang isang lalaking doble ang tanda sa kaniya at nagsisilbi na noong panahon pa ni Nieva, ang nanay ni Zafia. Dali-dali itong umupo sa swivel chair nito at pinagmasdan ang kabuuan ng kaniyang kwarto.

Kung ano ang kulay ng opisina nito, gano'n din marahil pati ang kaniyang budhi. Walang pagdududa, kahit ang malakas na hangin na nanggagaling mula sa bukas na bintana ay hindi iyon kokontrahin. Isinandal nito ang kaniyang likuran sa upuan at saka napapikit.

"Darating po si Mr. Rionard, mamaya Ma'am," usal ni Noel, na sekretary nito.

Nagmulat ang mga mata niya, napalunok na lang ito sa kaniyang narinig lalo na't makikita na naman niya ang isang negosyanteng walang ibang ginawa kundi ang ipaalala ang mga bagay na naging dahilan, kung bakit kailangan niyang sumunod nang sumunod sa lahat.

Kailangan niyang maging aso sa taong iyon, kung ayaw niyang iyon mismo ang tumahol at malaman ang kaniyang mga tinatago.

"Puwede na po kayong umuwi, ako nang bahala rito," anas nito saka tumayo.

Ruinous Deal | CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant