Kabanata 54

25 2 0
                                    

Maagang nagising ang mga tao sa bahay nila Von dahil kailangan nilang pumunta sa mansyon para sa kaunting salo-salo, ngunit dahil pupunta sila sa doktor ni Vernon para makapag check-up ay mahuhuli sila ng dating. Halos lahat ay sabay-sabay na kumikilos, nakasuot na ng polo si Von at paulit-ulit na hinahalikan ang anak na pilit na tumatayo ngunit agad na natutumba.

"Susunod din ako agad, sobrang importante lang talaga ng meeting, hon," dismiyadong bulong nito.

Ngumiti lang si Zafia. "It's fine, kasama ko namang si manang, just straight to the mansion after that."

"I will, I love you," bulong nito at saka humalik sa anak nito.

Si Zafia na ang nag-asikaso sa anak nitong panay ang pagtingin sa kaniya at ang bahagyang pag-nguso. Halos panggigilan ni Zafia ang pisngi ng bata na muntik pang umiyak dahil sa ginawa niya.

"I'm sorry, mommy will kiss it, come here." Ngumuso ito at kusang idinikit ni Vernon ang kaniyang pisngi. "Yehey, let's go na ha? Para makita agad natin ang lola at lolo," bulong nito saka kinuha ang bag.

Maaliwalas ang panahon at para bang wala ng dapat na problemahin. Dahil mananatili sina Zafia sa mansion sa loob ng isang linggo ay sinigurado niyang sapat ang dalang damit nito dahil no'ng umalis sila roon ay kinuha na nila ang kanilang mga gamit para naman may ibang makinabang sa kwartong iyon. Ngunit sadyang maraming kwarto ang mansyon kaya hindi mauubusan ang lahat. May ilan pa ngang hindi nagagamit.

"Ready na ba lahat ‘nang? Baka ma-traffic tayo, we should go. Bago ka umalis Tin, pakipatay ang lahat okay?"

"Yes madam, salamat po ulit," ngiting sabi ng batang kasambahay.

Dahil isang linggong walang tao ang bahay ay hinayaan nilang magbakasyon muna iyon at isama ang matanda sa mansyon na kasama ring nag-aalaga kay Vernon.

Maingat silang pumasok sa kotse, at dahil si Zafia ang magmamaneho ay ang bata ay nasa matanda, hindi naman kalikutan ang anak nila, maliban na lang kung nakakakita ng mga laruan, hangga't nakasuksok ang daliri nito ay tahimik lamang siya.

Halos ilang minuto rin bago sila makarating sa clinic, at dahil isang village iyon ay tahimik ito at kapansin-pansing wala masyadong tao. Naunang bumaba si Zafia para salubungin ang anak nito sa kasambahay, imbes na maiwan ay sabay silang pumasok sa loob at bumungad doon ang maaliwalas na kwarto.

"Doc? We're here," bati ni Zafia ngunit walang sumasagot.

Naupo na lang sila sa mismong upuan at hinintay ang doktora dahil baka may inaasikaso pa. Kapansin-pansin ang may maingay na iyak ngunit hindi na lang nila pinansin dahil baka isa iyon sa mga pasyente, ngunit nakapagtataka lang bata lang ang kinukunsulta rito sa clinic at wala man lang bumungad na assistant sa kanila gaya nang nakasanayan.

"Don't touch that," saway ni Zafia dahil ilang ulit na hinila ni Vernon ang kurtina.

Tiningnan lang siya nito at saka ngumiti. Ibinigay niya ang anak sa kasambahay at saka nagtatakang tumayo. Wala pa rin ang doktora kaya mas pinili niyang tawagan na lang muna ang assistant nito, hindi naman puwede si Von dahil alam niyang nasa meeting na iyon.

"What the—" Napalingon na lang si Zafia nang makitang umilaw ang selpon sa isang selpon na nasa ilalim ng mesa dahilan para magtaka ito.

Ngunit gano'n na lang ang tuloy-tuloy na pagpasok ng mensahe galing kay Mildred na hindi na muna siya pinansin.

"I'll be back, hahanap lang ako ng signal," pagpapaalam ni Zafia bago ngitian ang anak na kumaway sa kaniya.

Lumabas agad ito ng clinic at agad na tiningnan ang paligid, wala man lang naglalakad pati ang gwardiya ay wala rin kaya wala itong mapagtanungan. Tatawag na muli siya nang mauna naman si Mildred sa pagtawag na agad niya ring sinagot.

Ruinous Deal | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon