Unang pahina

8.9K 148 41
                                    

Ms A's

Nagising ang batang si Serene na may ngiti sa kanyang labi.

It's her 8th birthday.

"Yaya, today is my birthday and Serenity's birthday. I'm so excited," masayang sabi nito sa kanyang yaya.

"Happy birthday sa alaga kong maganda," nakangiting sabi ng yaya nito.

"Nasaan po si Serenity?" takang tanong ni Serene ng hindi niya makita ang kambal.

"Hindi ko-"

"DADDY!!!" sigaw ni Serene.

Hindi na nakinig si Serene at tumakbo sa Daddy nito na mabilis ang paglalakad paalis.

"Good morning, Serene. I need to go," nagmamadaling sabi ni Drey.

"Why po? It's my birthday today? Where's Mommy and Serenity?" tanong ni Serene.

"Nasa hospital sila. Nahirapang huminga ang kambal mo kaya dinala namin sa hospital. I'm sorry, Baby. Happy birthday, babawi si Daddy."sabi ni Drey bago umalis.

" IS SHE OKAY?" nag-aalalang tanong ni Serene pero hindi na siya narinig ni Drey.

Malungkot na umupo si Serene sa may garden nila.

"Oh, bakit ang sad naman ng alaga ko?" sabi ng yaya niya.

"Nag-aalala ako kay Serenity....and I missed mom." Bulong ni Serene sa huling sabi nito.

Sa loob ng malaking bahay mag-isang kumakain si Serene ng hapunan. Habang nakabantay ang ilang katulong.

Pilit ngumiti si Serene at inuunawaan na wala siyang kasama sa kanyang kaarawan dahil emergency ang nangyari sa kanyang kambal.

"H-happy birthday, Serene. Happy birthday, Serene. -"

Nagkatinginan ang mga katulong at naawang tumingin kay Serene na malungkot na kinakantahan ang sarili.

"HAPPY BIRTHDAY, MA'AM SERENE! HAPPY BIRTHDAY, MA'AM SERENE. HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, MA'AM SERENE!"

Kanta ng mga katulong.

"Yeah, it's my birthday. Thank you po yayas. Eat with me," sabi ni Serene at agad namang nagsi upuan ang mga katulong.

Pumikit si Serene.

"Heal my twin, Papa God. That's my wish." bulong nito ng malungkot bago hinipan ang cake nito.

Dumating si Shawn Yves sa mansion ng Evans at may dala itong bulaklak at ilang laruan. Galing pa siya ng Japan at dumeretcho sa bahay ng kanyang ate.

Nagtaka siya at walang party tulad ng plinano ng kanyang Ate para sa kambal.

Agad siyang pumasok sa mansion.

Dumeretcho siya sa dining area. Nakita niya ruon kung paano kumanta mag-isa si Serene ng happy birthday para sa sarili nito.

Nasaktan si Shawn sa nakita.

Agad niyang tinawagan ang Ate niya pero walang sumasagot. Tinawagan niya rin si Drey na bayaw niya pero hindi nito sinasagot.

Pumunta si Shawn sa Garden at tinawagan ang kambal niyang si Yves. Agad naman itong sinagot.

"Hey, Zup! Bro." bati ni Yves kay Shawn.

"Where are you fucker? Where's mom and Dad?!" Galit na sabi ni Shawn.

"Chill, Bro. Bakit ba galit ka? Hindi ka ba nasabihan ni Ate? Nandito kami sa hospital lahat pati si Mommy and Daddy. Birthday ng Kambal, may celebration!" sabi ni Yves.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now