32

2.7K 140 66
                                    

I'm Back! Charot haha busy pa ako kaya lang naisipan ko na magsulat dito baka may naghihintay ng update.

Enjoy!

Serene's pov

Nag-start na ang program at tapos na ring magsalita si Daddy kaya ang lahat ay kumakain na bago i-announce ang paglipat sa akin ng kompanya. Kanina pa ako nakatingin kay Mommy na hindi mapakali habang si Dad naman ay panaka-nakang tumitingin sakin.

" 'Couz confirm na nasa labas si Serenity nakita siya ni Mommy ko," bulong ni Zhaika sakin."Nakiki-usap kay Mommy na sabihin kay Daddy na paalisin ka pero syempre hindi pumayag ang Mommy ko. Kampi kaming dalawa sayo."

"Thanks," sabi ko at tumingin sa kabilang table kung saan naruon si Mommy at Daddy kasama ang malalaking investor ng kompanya.

"Where are you going?" Tanong ni Laurence nang tumayo ako.

"Kina Mommy, don't worry mabilis lang ako. Don't miss me," pang-aasar ko at dinampian pa ito ng halik sa labi.

Nakita ko na namula ang asawa ko nang tuksuhin siya nina Tanya at Zhaika kaya natawa ako bago umalis.

"Hi, gentlemen. Thank you for coming," bati ko sa mga kausap ng magulang ko.

Isa-isang tumayo ang mga ito at nakipagkamay sakin. Nakita ko naman na hindi masaya si Mommy at Daddy sa presensya ko kaya mas napangiti ako. Paano ba naman sila sasaya kung ang paborito nilang anak ay nasa labas at bawal pumasok para hindi mabuko ang pagpapanggap ko na sila mismo ang may pakana.

"You are so pretty, I want to introduce you to my son, but it's a pity because you're already married. MonteVerde is lucky to have you," sabi ng isang matanda.

"I am luckier to have my husband, Sir. He loves me and treats me nicely," sagot ko naman.

"Oo naman, kailangan ka niyang alagaan at gwardyahan. Sa ganda mong 'yan marami ang gusto pang umagaw pag pinakawalan ka," sabi ng isa na iba makatingin sakin.

Napatingin naman ako sa gilid ko ng may maramdaman akong kamay na yumakap sa bewang ko.

"No one can take my wife because she is only mine," singit ng magaling kong asawa kaya napangiti ako.

Ang sweet, kunti na lang iisipin ko na mahal niya na ako.

Ngumiti ako kay Mommy ng nakatingin siya samin ng asawa ko. Shock? Akala niya ba hindi kami magiging okay ni Laurence at basta basta ko na lang ibibigay kay Serenity? Aasa lang sila sa wala.

Tahimik lang ako habang nililibot ang tingin sa venue dahil ang asawa ko na ang kausap ng mga investors at wala na ring nangahas na makipag-usap sakin dahil sa takot sa asawa ko.

I'm so bored.

"Rest room," bulong ko kay Laurence.

"Want me to come?" Tanong nito na may kasamang ngisi kaya inirapan ko siya bago iwan. Ang bastos talaga ng asawa ko, sa kanya ako nastress.

Pagpasok ko sa restroom ay lumapit ako sa salamin. Napatingin ako sa may pinto ng magsara ito. 

"Oh, hi! How are you, my  evil sister?" Tanong ko kay Serenity.

Nakaupo ito sa wheelchair at tumayo para makalapit sakin.

"You can already walk," sabi ko at tumingin sa wheelchair. " Para saan 'yun? Drama para kaawaan? Nothing change."

Hindi ito sumagot at masamng nakatingin sakin habang ako naman ay nakangisi lang sa kanya.

"You are wearing a see-through dress, brilliant. Buti na lang nandito ako para hindi mapahiya ang pamilya natin kung ikaw ang haharap. Nahiya ka pang maghubad," pang-aasar ko.

"Alam ko na inggit ka sakin dahil ako ang kinakampihan ng magulang natin kaya gumawa ka ng paraan para makuha ang companya! Pati ang boyfriend ko inagaw mo! Pati ang katauhan ko ay gusto mong angkinin, ako ang totoong Serenity at hindi ikaw!" Galit na sabi nito na ikinatawa ko.

"Una sa lahat walang dapat kainggitan sayo, sina Mommy at Daddy? Sayong sayo na, wala akong balak manlimos ng attention nila dahil sayo pa lang kulang na! Katauhan mo? Disgusting, hindi ko gugustuhin na pumalit sayo dahil nakakasuka ang pagkatao mo. Kung may dapat kang sisihin dapat ang sarili mo at si Mommy dahil kayo ang naglagay sakin sa sitwasyong ito," seryosong sabi ko.

Tinulak niya ako nang mahina at hinyaan ko lang siya.

"Bumalik ka na sa pinanggalingan mo dahil kukunin ko na ang dapat sakin. Hindi ka na kailangan rito," mariing sabi nito. "Ginamit ang pangalan ko sa kasal kaya ako ang asawa. Umalis ka na!"

Natawa naman ako sa sinabi nito at humakbang para magkalapit kami.

"You are the wife? 'Yan ba ang sabi ni Mommy sayo? Pity you," pang-iinsulto ko. "Do you think I'm that stupid to follow what you want to attend the wedding but I'll put your name?"

Seryosong tanong ko sa kanya, kita ko sa mata niya na naguguluhan sa sinabi ko.

"What do you mean?" Mahinang tanong nito.

"I am the legal wife, Serenity. I am legally married to Jhezter Laurence Montenegro, I'm Serene Evans-Montenegro. I freaking used my real name at our wedding and everyone not noticed that thing," pagpapaliwanag ko. "Kaya kahit anong sabihin mo na boyfriend mo siya at nagpanggap lang ako walang mababago na ako Serene Evans ang pinakasalan niya. "

HIndi na ako nagulat nang sinampal niya ako habang naluluhang tumingin sakin.

"MANG-AAGAW KA! MALANDI KA, GUSTO MONG AGAWIN ANG LAHAT SAKIN PERO HINDI MO MAGAWA DAHIL AKO ANG MAHAL NILA MOMMY AT DADDY KAYA SI JHEZTER ANG KINUHA MO! HINDI AKO PAPAYAG! BABAWIIN KO SYA SAYO!" Galit na sabi nito at sasampalin na sana ako ng mahawakan ko ang kamay niya.

"One slap is enough, Serenity! I am no longer the former Serene who can accept what you do to me," mariing sabi ko at malakas siyang sinampal.

"Ahhhh-"

Hindi pa ako nakontento at sinampal ulit siya sa pangalawang pagkakataon kaya natumba siya.

Yumuko ako at hinawakan ang panga niya. Kita ko ang panandaliang takot na dumaan sa mata nito.

"Sayo na sina Mommy at Daddy, wala akong paki-alam," mariing sabi ko at mas hinigpitan ang pagkakahawak ko sa panga nito. "You can't take my husband from me because he's mine."

Sabi ko bago siya iwan na tulala.

Wala na akong paki-alam sa nararamdaman ni Mommy at Daddy. Kahit magalit sila sakin dahil sinaktan ko ang paborito nilang anak, wala na akong paki.

Tapos na ang pagpapakatanga ko.





Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now