26

2.4K 121 42
                                    

Ayun nga, nahiya ako sa Rant ko dahil napacomment kahit yung mga silent readers😅 Kaya susulat ako pambawi.

Spread love😊

........

Serene's point of view

"I don't like to give you a gift," bungad sa akin ng asawa ko pag gising ko.

"Too early to annoy me, Hubby. Greet me first," sabi ko at tumayo.

Tumayo rin siya at lumapit sa harap ko.

"Happy birthday, Wife. Don't have a gift kaya ito na lang," sabi nito at dinampian ako ng halik sa labi.

"Ohh, wow! Yun na yun?" Pang-aasar ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin bago lumabas ng kwarto kaya natawa ako.

Ang sungit talaga.

Mamaya gaganapin ang birthday ko, ayaw ko man aminin pero excited ako dahil pupunta ang buong pamilya ko for the first time.

Matagal ko itong hinintay, galit ako sa kanila pero masaya ako at makakasama ko silang magcelebrate.

Wala akong ginawa maghapon kundi magpaganda, sinamahan ako ni Laurence sa salon. Buti nga napapayag ko sabi ko gift na lang niya sa akin.

6 ng gabi ay dumating si Zhaika sa bahay sakto na papunta na kami sa venue.

"Sasabay ka sa amin?" Tanong ko.

Tumingin muna ito sa asawa ko.

"Kakausapin ko lang ang pinsan ko," sabi nito at humarap sa akin.

"Why?" Tanong ko.

Hindi ito sumagot at tumingin ulit kay Laurence.

"Una na ako sa kotse," sabi ni Laurence na mukhang nakahalata.

"What is it?" Tanong ko kay Zhaika.

"May bad news at good news ako for you, ano ang gusto mong malaman na una?" Tanong nito.

"Hindi ba 'yan makakapaghintay bukas?" Tanong ko.

"No!"

"Tell me the bad news," sabi ko naman.

Tumingin siya sa akin.

"Your twin is awake," sabi nito.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito. Gusto kong matuwa pero hindi ko magawa. Madaming pumapasok ko sa isip ko ngayon dahil gising na siya.

"There's a good news," sabi ni Zhaika kaya napatingin ako rito. "Nagwawala ito sa hospital dahil hindi niya maigalaw ang dalawang paa. Her karma."

Nagkatinginan kami ni Zhaika, hindi ko pinansin ang sinasabi nitong good news.

"Pupunta ba sila Mommy sa restau?" Tanong ko.

"Siguro naman oo. Alam na nila ang hinanakit mo, pipiliin ka nila ngayon. Don't worry," pagpapalakas ng loob ni Zhaika sa akin.

Ayokong umasa na darating ang magulang ko dahil baka mas masaktan ako sa pagkakataon na ito, pero ang puso ko umaasa na kahit ngayon lang piliin nila ako.

"Let's go," sabi ni Zhaika.

Habang nasa byahe ay tahimik lang ako, gusto kong kaawaan ang sarili ko dahil pinagdarasal ko na makita ko ang magulang ko at makasama silang magcelebrate.

"You okay?" Tanong ni Laurence.

"Yeah," tipid na sabi ko.

"Mom, texted me. Nanduon na daw sila," masayang sabi ni Zhaika.

Napangiti ako sa narinig kaya pagkadating namin sa restau ay bumaba agad kami.

Sa labas mg restau ay nakita ki si Uncle Shawn.

Agad ko siyang niyakap.

"Uncle, thank you for the dress. Where are they?" Masayang sabi ko.

"Inside, let's go. By the way, you look gorgeous tonight." Puri ni Uncle sa akin.

"Thank you," masayang sabi ko.

Nasa likod namin si Laurence at Zhaika.

Pagpasok namin sa restau ay nakita ko si Tita Erza na may hawak na cake, nakita ko rin si Mamita Sheen at Papi kahit sina Tito Ivan at Tita Jewel ay nandito.

Nakangiti ako habang palapit sa kanila. Hinanap ng mata ko si Mommy at Daddy.

Isa-isa nila aking binati at ang huli ay si Lolo Silver. Tumingin ako sa likod sa pag-aakalang nanduon si Mommy at si Daddy pero wala akong nakita.

Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko na parang naninikip pero ngumiti pa rin ako at nilibot ang mata ko.

"Mamita, where are my parents?" Tanong ko at ang mata ko ay nakatingin pa rin sa paligid.

Niyakap ako ni Mamita.

"Apo, nagwawala ang kambal mo kaya hindi nila maiwan. Pinapasabi ng Mommy mo na hahabol sila," bulong nito sa akin.

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko at humiwalay sa yakap ni Mamita.

"Let's eat," sabi ko.

Umupo naman sila pero may isang tao na hinila ako at niyakap.

"Uncle Shawn," bulong ko at yumakap pabalik rito.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagluha ng aking mata.

"I know it hurts you," bulong nito.

"I'm okay, Uncle. Ito ang huling pagkakataon na masasaktan nila ako," sabi ko.

Humiwalay ng yakap si Uncle sa akin.

"Happy birthday, precious. You will be okay," sabi nito kaya tumango ako.

Umupo kami at nag-celebrate. Hindi ko pinakita na apektado ako na wala sila Mommy at Daddy, nakipag-usap ako kina mamita at nakipagsayahan.

Natapos ang celebration at umalis sila. Rinig ko ang sabi ni Lolo na dederetcho sila sa hospital kaya napailing ako.

Lucky bitch!

Natapos ang gabi ko na galit ako sa sariling pamilya ko.

Alas tres na ng madaling araw at hindi pa rin ako makatulog.

Nagbihis ako at pumunta sa hospital.

Nakilala ako ng mga bantay ni Serenity kaya pinapasok nila ako. Tinanong ko kung sino ang bantay sa loob at sinabi ng guard na umalis sandali si Mommy at Daddy.

Pumasok ako at nakita ko si Serenity na gising. Napatingin ito sa akin.

"What are you doing here?" Tanong nito sa akin.

"Visiting my twin," sagot ko at lumapit sa gilid ng kama nito.

"Mom, told me everything. Pag nakakapaglakad na ako pwede ka ng bumalik sa ibang bansa at ako na ang bahala sa asawa ko," sabi nito sa akin.

Napangisi naman ako sa narinig ko.

"Asawa mo? Who?" Tanong ko.

"Jhezter Laurence my boyfriend and my husband. Ikaw lang ang umattend sa kasal sana namin," matapang na sabi nito.

Gusto kong maawa sa lagay nito pero mukha namang maldita pa rin at hindu alam magsalita ng maayos sa akin.

"Hmmm, bago ka maaksidente ano mo si Laurence?" Tanong ko.

"Boyfriend and now-"

"Boyfriend huh. Sorry not sorry but you can't have my husband, Serenity." Mariin kong sabi sa kanya.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong nito. "Ako ang tunay na Serenity, nagpapanggap ka lang."

Ngumisi ako at tinignam siya sa mata.

"You can have our parents, Serenity. But you can't take my husband from me."

"NO! YOU-"

"Pity you, my dear twin. Wanna know why ? I'm the wife and you are nothing to him. Your boyfriend is my husband!"



Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now