37

2.3K 87 12
                                    

So yeah nakalimutan ko ulit na may watty pa pala ako. Buti may nagmessage sa akin at pinaalala🤣❤️

Thanks Niliza.( Oh 12:45am. Puyat yarn. Haha)

-------

Serene's pov

"Kadiri!"

"Gross! Serene, stop it! Nasusuka ako sayo," malakas na sabi ni Zhaika kaya masama ko siyang tinignan.

"Tigilan niyo akong dalawa, kung ayaw niyong makita ako na kumakain umalis kayo sa bahay ko! " Inis na sabi ko.

Nasa office na naman ang asawa ko kaya tinawag ko ang dalawa para may makasama ako pero kanina pa ako naiinis sa kanilang dalawa.

Wala na silang pinag-initan kundi ang kinakain ko.

Ewan ko ba, parang Wala akong kabusugan. Gusto kong laging may kinakain tapos madali rin akong antukin. Weird!

"Pinya na sinawsaw sa mayonnaise? Mangga at ketchup? Strawberry at Toyo? Nababaliw ka na Serene, kailan ka pa naging weird. Tapos ang bilis mo pang kumain para kang inaagawan. Hindi ka ba pinapakain ni Jhezter? Nasusuka ako sa ginagawa mo," sabi ni Tanya na Hindi maipinta Ang mukha Lalo na Nung sinasaw ko ang strawberry sa toyo at kinain.

"Sasakit ang tiyan mo ano ba?!" Inis namang sabi ni Zhaika at kinuha ang kakainin ko na sana na pinya.

Hindi ko alam pero bigla ako naiiyak sa ginawa niya. Para akong napahiya.

"Shit, umiiyak ka ba? Ano bang nangyayari sayo?" Rinig kong tanong ni Zhaika pero nahimik lang ako na nakayuko at hinayaan na tumulo ang luha ko.

" Hanla ka Zhaika umiiyak na. Ibalik mo na, baka nasapian lang 'yan ng pulubing kaluluwa at ngayon lang nakakain. " Natatawang biro ni Tanya.

Nagmura pa si Zhaika bago binalik ang pinya sa kamay ko. Ang bilis namang nagbago ang nararamdaman ko at ngumiti sa kanya.

"Thank you," saad ko at nagpatuloy sa pagkain habang binabantayan nila akong dalawa.

"Ang weird mo!" Saad ni Zhaika at umupo na sa tabi ni Tanya at pinagkwentuhan ang kambal ko.

Nakikinig lang ako habang nagpatuloy sa pagkain.

"Nabawi na kagabi si Serenity, ang Dami niyang pasa. Gusto ko ngang tawanan kagabi nuong nakita ko kaya lang nanduon ang mga oldies, " sabi ni Zhaika.

Sa araw rin na naki-usap sa akin sila Mommy at Daddy tinawagan ko si Uncle Shawn para humingi ng tulong. Buti na lang pumayag ito.

"Ay juskong bata ka ano 'yang kinakain mo?"

Napatingin ako sa nagsalita at agad akong tumayo ng makita ko ang Mommy ni Laurence. Hindi ko lang maalala ang pangalan dahil minsan ko lang siya Nakita, nuong kasal.

"Mommy, napadalaw po kayo." Magalang na bati ko.

"Pinapunta ako rito ni Jhezter para ipagluto ka, " saad nito at lumapit sa akin. " May sakit ka ba? Namumutla ka, ano yang mga kinakain mo? "

"Ah ano po kasi-"

"Tita nagttry lang kami ng mga combination," agap ni Zhaika sa akin.

Nagbatian na sila ako naman ay napahawak sa sofa ng makaramdam ako ng Hilo.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Ilang araw nang iba ang kinikilos ko

" Okay ka lang," tanong ni Tanya nang lumapit sa akin pagkatapos magpaalam ng Mommy ni Jhezter na magluluto na raw.

"Nahihilo ako," saad ko.

Tinignan niya ako nang matagal bago pabirong hinila ang buhok ko.

"What?" Tanong ko.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now