77

1.9K 92 21
                                    

Jhezter's pov

"But I don't like that Mom."

"It's good for your health, sweety."

"But mom-"

"Eat or I won't allow you to go with your dad."

Nakatingin ako ngayon sa mag-ina ko. They are so precious.

I wish I can travel in the past to correct everything. I wanna spend time with them. Gusto kong maranasan na magising ng madaling araw ng Asawa ko dahil may gusto itong kainin. Gusto kong Makita ang paglabas ng anak ko, her first cry, first cry and everything.

"Alam kong maganda ang pinsan ko dahil nasa lahi na namin yan pero wag masyadong titigan baka matunaw," Sabi ni Zhaika na umupo sa tapat ko.

"Can't help it," bulong ko habang nakatingin pa rin sa mag-ina ko.

"Hindi pa rin kayo okay?"

"Hinahayaan niya akong mapalapit sa anak namin pero siya..."

Pinapansin niya na ako at kinakausap pero walang special. Ni ayaw niyang makasama ako sa iisang lugar na kami lang.

" Ewan ko ba sa pinsan kong 'yan puro utak na lang ang pinapairal, pwede naman siyang maging masaya. Haitz," saad nito sa akin. "Gusto kong magka-ayos na kayo."

Napatingin ako kay Zhaika sa sinabi niya.

"Gusto kong maging masaya na ang pinsan kong yan. At Ikaw lang ang makakapagpasaya sa kanya at kay Sierra," saad nito.

Tahimik lang ako at hinihintay ang sasabihin niya.

"Here's my plan...."

Agad akong sumang-ayon sa plano ni Zhaika dahil desperado na ako. Gusto kong maging completo na ang pamilya ko.

"Couz ang sarap matulog nuh ang lamig," rinig kong sabi ni Zhaika paglapit sa mag-ina ko.

"Matulog ka," sagot naman ni Serene.

Tumingin muna ako rito bago dumeretcho sa kwarto ni Sierra. Habang hinihintay si Serene pinakatitigan ko muna ang album na Nakita ko sa gilid.

Picture ni Sierra mula paglabas at lahat ng events sa buhay nito Kasama si Serene.

"I wish I was there..."

Habang tumitingin pa ako ng mga litrato narinig ko ang mga yabag papunta sa kwarto.

"Ano ba talagang kukunin mo sa kwarto ng anak ko at kailangan kasama pa ako. Ang Arte mo!" Rinig kong inis na sabi ni Serene.

Maya-maya pa bumukas ang pinto at nakita ko kung paano itulak ni Zhaika si Serene papasok bago sinara Ang pinto.

"WHAT THE HELL, ZHAIKA!"

"AKO NA ANG BAHALA SA PAMANGKIN KO, MAG-USAP KAYO NG ASAWA MO. BYEEEEEEEE, GAWA NA KAYO NG ISA PANG BABY. HAHAHAHAHA!"

"FUCK YOU, ZHAIKA!"

"I LOVE YOU TOO, COUZ. BABALIK KAMI AFTER 2 HOURS...."

Kahit anong mura ni Serene wala na itong nagawa dahil ang kwarto ni Sierra ay nasa labas ang bukasan at lock, pinasadya.

Tumingin nang masama sa akin si Serene.

"This is your plan!"

Tumango na lang ako kahit Hindi ako ang may pakana.

"Let's talk please---"

"Nag-uusap naman tayo ah! Kinakausap kita kaya Hindi na ito kailangan!"

"Wife, calm down." Mahinang sabi ko.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now