49

2.6K 121 41
                                    

Railey's pov

"Sama ka sa akin mamaya, isama natin si Sierra."

"Where?"

"Birthday ni Jhessa-"

" What?" Pagtataka ko.

"Jhessa nga. Hindi ko pa pala nai-kwento sayo. May anak anakan Ang Asawa mo, inampon niya nuong akala niyang patay ka na. Anak ata ng empleyado niya na namatay. Same age sila ni Sierra. Ang ipapangalan niya sana ay Serene kaya lang tinutulan ni Uncle Shawn," kwento nito sa akin.

"At gusto mo kaming pumunta ng anak ko?"

"Why not? You are here to get revenge, para naman makilala mo na sila. Pupunta si Serenity."

" Okay, we will go."

Pagkarinig ko pa lang ng pangalan ni Serenity na-excite na ako. Not bad, gusto ko rin namang makita ang asawa ko. Ayun sa kwento ni Raya minahal ko ng sobra nuon.

Tamang tama naman dahil pinatawag ni Uncle Shawn si Reagan kaya makakapunta kami.

Alas cuatro ng pumunta kami sa bahay ni Jhezter MonteVerde.

"Mauna na kayo," mahinang sabi ko kay Raya, Zhaika at Sierra.

Nauna na ang dalawa habang si Raya naman ay nasa tabi ko pa.

"Anong problema?"

"Sumakit ang ulo ko pagkakita ko sa bahay. May sumpa ata dyan," biro ko.

"Bahay niyo kasi 'yang mag-asawa. Dyan nawala ang virginity-ARAY! Totoo naman!"

"Duon ka na nga susunod ako," pagtataboy ko sa kanya.

Natatawa naman itong umalis.

Nasa loob lang ako ng sasakyan habang nakatingin sa bahay habang maraming tao sa garden kung saan gaganapin Ang party.

Pumasok na rin ako nang umayos na ang pakiramdam ko.

"Here," tawag ni Zhaika kaya lumapit ako.

Nakita kong kausap niya si Mr. MonteVerde at si Serenity.

"Jhezter this is-"

"Architect Railey Dela Vega. I'm glad that you are here. I want to hire you as-"

"Nice to meet you," singit ko at tinanggap ang kamay niyang nakalahad. "Let's talk to your office tomorrow, don't want to ruin this day if I say No to your offer."

"Oh, yeah. I'm sorry," Sabi nito na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko habang titig na titig sa akin.

"Pwede mo ng bitawan ang kamay ng boyfriend ko."

Napatingin ako kay Serenity nang magsalita siya.

"Tell your boyfriend to let go of my hand," nakangiting sabi ko.

Mukha namang natauhan ito kaya agad bumitaw.

Nakatitig pa rin nang masama sa akin si Serenity habang mahigpit na nakalapit kay Jhezter.

"Excuse me hahanapin ko lang ang anak ko," saad ko bago sila Ewan.

Nakakailang ang pagtitig sa akin Jhezter, Hindi ko alam kong nakilala niya ako or what.

"Grabe ang tingin niya sayo, nagbago ka man ng mukha pero yung puso niya siguro nakilala ka. Naks," panunukso ni Zhaika sa akin.

"Tigilan mo ako," saad ko.

"Aminin mo na, nagwapuhan ka sa asawa mo. Hot naman kasi talaga si Jhezter at top bachelor sa Pinas 'yan. Kaya madaming babae ang gusto siya mabingwit kaya lang Hindi pumasa. Napilit lang ata ni evilrenity," sabi nito kaya natawa ako.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now